Monday, November 27, 2006

Prodigal Blogger

Heto na naman ako, nagsusulat... nag iisip kung anong isusulat, kung ano ang lumabas sa utak yun ang sinusulat... hay.. buhay...

Tuwing kelan lang ba ako nagbablog? Tuwing malungkot, tuwing nasasaktan? Tuwing iniiwan....

Kelan ba ang huli kong sulat dito? Di ko na matandaan sa sobrang tagal, ibig sabihin, matagal tagal ding panahon akong naging masaya.. naging inspirado sa ibang bagay pero hindi dito....

Kaya ngayon heto.. muling nagsusulat, muling nagbubuhos ng sama ng loob, muling pinaparating kung gaano kahirap ang maging malungkot at masaktan...

Hanggang kelan ko ba lalawakan ang pang unawa ko? Hanggang kelan lang ba ako dapat magtiis? Kailan ako dapat magbulag bulagan... at kailan ako dapat magparaya...

Ang dami kong katanungang di ko masagot... magulong magulo ang utak ko... ang hirap!!

3 comments:

Raquel said...

Thanks for passing by pre.

Just relax and take it easy. Just keep on blogging and do write more.

Shane said...

Thanks raquel. :D . yeah I'll try to write more :D

Anonymous said...

Hi Sarah, I won't say that I have understood everything that has been expressed/written on the page as I am not very good at reading Tagalog, but still i feel that it must be something very good the way you are. It was really great to see you after so many months in the office, today. - KD

Subscribe Now: Feed Icon