Wednesday, February 28, 2007

Wooooorrrrmmmmsssss!!!!!!!!!!!

Try ko sana magcheck ng yahoomail ko ngayon, kaso bad trip, pag login ko, si symantec me nadetect na naman na worm. Una failed to quarantine pero nadelete naman yun file. Pangalawang attempt ko, failed na, naku patay na naman.. Pagcheck ko sa threat history, w32.feebs pala yun worm. Heto konting details:


Discovered: January 7, 2006
Updated: February 13, 2007 12:50:53 PM
Type: Worm
Systems Affected: Windows 2000, Windows 95, Windows 98, Windows Me, Windows NT, Windows Server 2003, Windows XP


W32.Feebs is a detection for a family of mass-mailing worm that also spreads through file-sharing networks and lowers security settings on the compromised computer.
The worm may also send confidential information to a remote attacker via FTP.

The worm arrives as an email attachment with an .HTA extension.



OT: katapusan na ng pebrero ngayon... hay naku marso na... start na ng summer...

Tuesday, February 20, 2007

Affair KRISis

Hindi ako fan ni Kris Aquino pero 1st time kong nakisimpatya sa kanya nung narinig ko ang balitang nagkakamalabuan na silang dalawa ni James Yap. Di ko napanood yun interview sa kanya sa The Buzz kaya sa Journal online ko na lang ito nabasa:

ILANG araw na naming naririnig ang tungkol sa diumano’y tampuhan nina Kris Aquino at ng asawa nitong si James Yap.

Ayon sa bulung-bulungan, isang babae ang dahilan ng gusot sa kanilang relasyon. Ang girl daw na ito ay nagtatrabaho kay Vicki Belo. Ito raw ‘yung girl na madalas mag-service noon kay James tuwing mag-papa-facial siya sa clinic ni Belo.

Kung hindi kami nagkakamali, Hope ang sinasabing pangalan ng girl. May balita ring si Belo ang nagreto kay Hope kay James kaya nagtatampo rin kay Vicki si Kris. Pero, ayon naman sa iba, matagal na ang isyung ito. Hindi pa raw mag-on sina James at Kris noon nang magkaroon ng ‘affair’ si Mr. Yap kay Hope.

Oh, well.

Pero, how true na matagal na ang isyung ito? Ang naging problema lang daw talaga, eh, hindi naging open si James about this kay Kris kaya nang may mga naglabasang balita, hindi alam ni Kris kung ano ang magiging reaksyon niya.

Kunsabagay,who would know na mauungkat pa ang tungkol dito, ‘di ba? Kasal na si James at kung ano man ang nangyari sa nakaraan niya, siguradong kinalimutan niya na rin.

Sa kasalukuyan, wala pang nagiging pahayag si Kris about this issue. Ang alam lang namin, hate na hate niyang nakikita sa TV ang commercial ng Hope cigarette.


Para sa akin, napacomplicated ng lovelife ni Kris, mula sa kanyang mga BFs, ni Ipe, hanggang sa kontrobersiya nya with Joey Marquez. Syempre gusto naman din nyang magkaroon ng peaceful at magandang lovelife. Kaya nung nameet nya si James Yap, though malaki ang agwat ng edad nila, pinili nya na magpakasal dito.

Subalit, masyado ring maaga ang naging desisyon nilang magpakasal, 6 mos after na naging sila? Bakit kaya? Sya ba ay naghahabol? or ayaw nyang mawala sa kanya ang pamosong basketbolista?

Anyway.. ngayong lumabas na ang balita tungkol sa hidwaan ng mag asawa, masyado akong naging affected dahil sa mga sumusunod na dahilan:

Una, ayon sa balita, mas naunang naging nakarelasyon ni James si Hope. Samakatuwid, kahit na nagpakasal na si Kris at James ay patuloy pa rin nagkikita ang dalawa. Naalala ko tuloy si Monique sa Princess Hours na kahit mag asawa na si Gian at Janelle, di pa rin sinusuko ni Monique ang pag ibig nila ni Gian.

Pangalawa, lumalabas na sugar mommy si Kris. Obviously, mas malaki ang kinikita ni Kris, at dahil mahal ni Kris ang lalaki, lahat ng gustuhin nito ay maibibigay ni Kris.

Pangatlo, mas bata si James kesa kay Kris. Natural paminsan minsan, maging isip bata si James... Hello, 23 pa lang kaya yun. Sabi nga eh si James daw ay A boy trapped in a man's body. at syampre since na mas matured si Kris, mas kelangan syang maging mapag pasensya at intindihin na lang ang sitwasyon ng asawa. At sa nangyayaring yon, mas pipiliin nyang palagpasin na lang ang nangyari kesa maghiwalay pa sila.

Kung ako ang nasa katayuan ni Kris? Siguro ganon din ang gagawin ko.

Kaya nga ayoko rin nakikita yun commercial na skyflakes at Kumukulo ang dugo ko kay Vanessa del Bianco!!!

Monday, February 19, 2007

Taga Lipa Are!

Byernes ng hapon – katatapos ko pa lang gumawa ng pricing sa isa kong project ng naisipan kong mag internet. Nagulat ako nung nakita ko yun title ng internet explorer ko. "Google - Taga Lipa Are!"... abah abah abah? Bago na naman style? Gawa kaya ni Jessie to para sa Ntrak namin? So sinubukan kong idefault ang site ng IE ko sa blank page at nagrefresh.. ngek andon pa din... abah.. sino kaya gumawa nito, galing naman, alam nya kung taga Saan ako? Pero imposible kasi mas nakatira naman ako sa bicol kaya dapat Taga Bicol Ini ang nakalagay hehehe...

Gaya ng nakaugalian, punta na naman ako sa google para isearch ang text na Taga Lipa Are!... at me lumabas naman na result... Don ko natuklasan na virus pala ito... Anak ng... pano na to... bat hindi nadetect ng ativirus? Patay, mapapagalitan ako ng Systems nito!!!! Saang site ko ba ito nakuha? Tinanong ko yun mga ibang kaopisina ko kung meron din sila... naku wala.. patay talaga ako nito...

Buti na lang, yun gumawa ng virus ay nagmagandang loob na sabihin kung paano matatangal ang virus na pinakalat nya.. Share ko na din sa inyo:

"Hello im Dragantra creator of TAGA LIPA ARE! virus...Its a virus but it
gives no harm to your computer. anyway...to delete the virus you need to disable
the "Hide Protected Operating System Files" in your Windows Explorer folder
options (TOOLS > FOLDER OPTIONS > VIEW). Search the file name
FS6519.dll.vbs (THE VIRUS) in your hard drive or just to make sure in your My
Computer then delete the file. Note: On searching make sure you activated
"Search Hidden Files and Folders" on more advance options. If one of
"FS6519.dll.vbs" failed to delete run the Task Manager by holding
CTRL+ALT+DELETE then on the process area find "WSCRIPT" then end this process,
you can now delete the file "FS6519.dll.vbs" and "Autorun.inf" contaning text
(shellexecute=wscript.exe FS6519.dll.vbs). Then to get rid of the word "TAGA
LIPA ARE!" on your internet Explorer go to your windows registry (START > RUN
- then type regedit)Search the word "TAGA LIPA ARE!" and "FS6519" in the
following registry location

"HKEY_LOCAL_MACHINE\SOFTWARE\MICROSOT\WINDOWS\
CURRENTVERSION\RUN\FS6519.dll.vbs"

"HKEY_CURRENT_USER\SOFTWARE\MICROSOFT\
INTERNET EXPLORER\MAIN\WindowTitle"

right click and delete, never try to rename the window title just delete
it.. Your done.!


Actually, me dalawang bagay syang ginawa sa PC mo, una ang default open sa autorun.inf ng root C other drives mo ay lalagyan nya ng Script na FS6519.dll.vbs (di ko alam kung para saan ito) pero ang purpose nito ay para pagclick mo ng root drive mo, pupunta sa autoplay mode at instant iloload nya ang script na FS6519. Sinubukang kong gawin ang mga steps sa taas pero nagtaka ako dahil kapag nagclick ako sa root drive ay hinahanap nya ang script. at kapag nagright click ka, mapapansin mo na Autoplay ang unang command sa list mo. Para mawala yon. nisearch ko ang autorun.inf ng root drives ko. Delete at restart ng PC. Presto! Nawala ang sakit ng ulo ko...

Pangalawa lang po ang pagkakaroon ng title na "Taga Lipa are!"...

In case po na ma encounter nyo ang virus na ito, sana ay may maitulong ang sinulat ko :)

Wednesday, February 14, 2007

Tuesday, February 13, 2007

Balentayn Nightmare

Sa tuwing sasapit ang valentine's day, imbis na ako eh matuwa... masyado akong nagiging emosyonal.. E bakit kanyo....makakakita ka ng nagdedate, ng pinapadalhan ng flowers, with matching balloons balloons at teddy pa, at higit sa lahat sarit saring mga pakulo at surprises ang binibigay ng mg bf ng mga kakilala ko sa kanila. Aminin ko man at sa hindi, naiinggit ako. Ewan ko ba, di man lang kasi ako nakaranas ng mga ganyang bagay.. ako pa na mahilig sa surprises.. Nangsusurprise ako pero ni minsan ni pa ako nagawan ng ganyan.. Hay...

Kaya bukas, heto na naman ang gagawin ko... idedate ang sarili ko!

Thursday, February 01, 2007

Name Game

Mula nung pinanganak ako, sangkaterbang pangalan na ang binigay sa akin. Pinangalanan ako ng tatay ko ng Sarah Jane, yun ang tunay kong pangalan. Bad trip nga eh, sa dami ng pangalan sa mundo, bat yun pa ang binigay, napakacommon, palagi ako natatawag na Sarah Jane Salazar, yun AIDS victim. Sabi ng nanay ko, dapat daw Jinky ang ipapangalan nila sa akin, pero di ko na alam yung rason kung bagit napalitan ng Sarah Jane heheheh.

Sa pamilya (nanay, tatay, lola, lolo, tito, tita - at lahat ng kamag anak) ang tawag nila sa akin Jeng Jeng, minsan Jeng, na ginawa ko namang Jheng, heheheh, ewan ko siguro dahil napakahaba at napakapormal ng Sarah Jane kaya pinaikli na lang nila. Pati classmates ko ng elementary yun din ang tawag. Pati close friends ko ng high school ganon din.

Pagdating ng high school, ang Jheng at Sarah Jane, eh napalitan ng Sarah, kumag naman kasi ako, pagnagpapakilala ako d ko sinasabing "You can call me Jheng" waaaahhh engot!!! Meron din ako classmate na ang kapatid nya kapangalan ko, ang tawag naman nila don Ajane, dahil sa tinutukso ako dun sa classmate kong yon at Ado ang pangalan nya, nagkaroon naman ako ng bagong pangalan - Ajane, kalahati ng high school classmates ko heto ang tawag sa akin, ganda nga naman ng kombinasyon.. Ado at Ajane, naks corny!

Pagdating ng college, kahit gustuhin kong Jheng ang itawag nila sa akin di ko na nagawa kasi yun classmate ko ng high school na nakasama ko sa college, eh Sarah ang tawag sa akin.. hayun, no choice. Heto ang naging pangalan ko hanggang sa Grumaduate ako.

Pagdating ng unang work, heto na lagayan na ng name plate.. sa wakas, magagamit ko na ang Jheng ko, sa kasamaang palad, kahit naglagay ako ng name plate na Jheng, andon ang mga College classmate ko na tumatawag sa akin ng Sarah... waaahhhh!!! Sarah na talaga pangalan ko...

Habang tumatagal ako sa trabaho, nagevolved pa ang pangalang Sarah, naging Mama Sarah at Princess Sarah hango sa Sarah ang munting princesa, meron din tumawag na Sars, kaso pinahinto ko ang Sars kasi nagkaroon ng sakit na SARS, yucks...

Nung naging adik ako sa chat at pagsusulat, syempre likas na sa atin ang di magbigay ng tunay na pangalan di ba..kung sina Rizal may pseudonym, gusto ko, meron din ako! Dito lumabas ang pangalang Shannah Madrigal (naks pang boldstar ang dating!!) or mas kilala sa pangalang Shane (mas angkop sa tunay kong pangalan kasi hinango rin sa Sarah Jane di ba), sa kasamaang palad, me nakadiskubreng kaopisina ko. Mula non, tinawag na nila akong Shane, na naging mommy shane...

Nung nameet ko ang aking butihing honey, Shane ang pagkakakilala nya sa akin (dahil na din sa yun ang tawag nila sa akin sa opisina. Nung naging kami, sinabihan ko sya na Jheng ang itawag nya sa akin pati na rin ng pamilya nya (syempre dahil close ko sya kelangan yun orig kong nickname ang itawag di ba)... Siguro sa sobrang kalituhan na ng tao sa talagang itatawag sa akin, Shane pa rin ang pakilala nya sa pamilya nya... waaahh alangan naman sabihan ko pa si mama na na di po shane ang pangalan ko, jheng po... nacorrect pa rin naman sa bunso nyang kapatid dahil Ate Jheng na ang tawag nya sa akin.

Hay naku, wish ko lang na sana Jheng na ang itawag nila sa akin ...

Subscribe Now: Feed Icon