Tuesday, February 20, 2007

Affair KRISis

Hindi ako fan ni Kris Aquino pero 1st time kong nakisimpatya sa kanya nung narinig ko ang balitang nagkakamalabuan na silang dalawa ni James Yap. Di ko napanood yun interview sa kanya sa The Buzz kaya sa Journal online ko na lang ito nabasa:

ILANG araw na naming naririnig ang tungkol sa diumano’y tampuhan nina Kris Aquino at ng asawa nitong si James Yap.

Ayon sa bulung-bulungan, isang babae ang dahilan ng gusot sa kanilang relasyon. Ang girl daw na ito ay nagtatrabaho kay Vicki Belo. Ito raw ‘yung girl na madalas mag-service noon kay James tuwing mag-papa-facial siya sa clinic ni Belo.

Kung hindi kami nagkakamali, Hope ang sinasabing pangalan ng girl. May balita ring si Belo ang nagreto kay Hope kay James kaya nagtatampo rin kay Vicki si Kris. Pero, ayon naman sa iba, matagal na ang isyung ito. Hindi pa raw mag-on sina James at Kris noon nang magkaroon ng ‘affair’ si Mr. Yap kay Hope.

Oh, well.

Pero, how true na matagal na ang isyung ito? Ang naging problema lang daw talaga, eh, hindi naging open si James about this kay Kris kaya nang may mga naglabasang balita, hindi alam ni Kris kung ano ang magiging reaksyon niya.

Kunsabagay,who would know na mauungkat pa ang tungkol dito, ‘di ba? Kasal na si James at kung ano man ang nangyari sa nakaraan niya, siguradong kinalimutan niya na rin.

Sa kasalukuyan, wala pang nagiging pahayag si Kris about this issue. Ang alam lang namin, hate na hate niyang nakikita sa TV ang commercial ng Hope cigarette.


Para sa akin, napacomplicated ng lovelife ni Kris, mula sa kanyang mga BFs, ni Ipe, hanggang sa kontrobersiya nya with Joey Marquez. Syempre gusto naman din nyang magkaroon ng peaceful at magandang lovelife. Kaya nung nameet nya si James Yap, though malaki ang agwat ng edad nila, pinili nya na magpakasal dito.

Subalit, masyado ring maaga ang naging desisyon nilang magpakasal, 6 mos after na naging sila? Bakit kaya? Sya ba ay naghahabol? or ayaw nyang mawala sa kanya ang pamosong basketbolista?

Anyway.. ngayong lumabas na ang balita tungkol sa hidwaan ng mag asawa, masyado akong naging affected dahil sa mga sumusunod na dahilan:

Una, ayon sa balita, mas naunang naging nakarelasyon ni James si Hope. Samakatuwid, kahit na nagpakasal na si Kris at James ay patuloy pa rin nagkikita ang dalawa. Naalala ko tuloy si Monique sa Princess Hours na kahit mag asawa na si Gian at Janelle, di pa rin sinusuko ni Monique ang pag ibig nila ni Gian.

Pangalawa, lumalabas na sugar mommy si Kris. Obviously, mas malaki ang kinikita ni Kris, at dahil mahal ni Kris ang lalaki, lahat ng gustuhin nito ay maibibigay ni Kris.

Pangatlo, mas bata si James kesa kay Kris. Natural paminsan minsan, maging isip bata si James... Hello, 23 pa lang kaya yun. Sabi nga eh si James daw ay A boy trapped in a man's body. at syampre since na mas matured si Kris, mas kelangan syang maging mapag pasensya at intindihin na lang ang sitwasyon ng asawa. At sa nangyayaring yon, mas pipiliin nyang palagpasin na lang ang nangyari kesa maghiwalay pa sila.

Kung ako ang nasa katayuan ni Kris? Siguro ganon din ang gagawin ko.

Kaya nga ayoko rin nakikita yun commercial na skyflakes at Kumukulo ang dugo ko kay Vanessa del Bianco!!!

2 comments:

ish said...

ay naku.. ganyan talag pag showbiz.. sanay na si kris jan. though medyo bumaba tingin ko kay james dun sa interview nya sa buzz kasi sorry lang sha ng sorry. hinde man lang "man enough" na mandigan na sha ang padre de pamilya. bata pa nga kasi...

Shane said...

Hay naku Ish, ganyan talaga kapag guilty. kelangan talaga nyang mag sorry. Bukas ilalabas na raw yun interview kay Hope. Kapal naman nun babaeng yun pati ba naman yun sexcapades nila ni Big Bird ikukwento pa. Napakawalang delikadesa!!! Kaya heto si Kris, naisugod na sa hospital kasi sa sobrang stress. Kawawa naman buntis pa naman.. :(

Hay naku ang mga lalaki talaga, di na lang makuntento sa isa!

Subscribe Now: Feed Icon