Friday, August 24, 2007

Taste of Asia Blogger's Party Part 2

Kagabi, 1st time kong umatend ng blogger's party (salamat sa MIS classmate kong si jozzua at kay Aileen.

Nung una pagbaba ko ng bus sa harap ng MOA, may 2nd thoughts ako kung tutuloy ako o hindi, pano ba naman wala ako kakilala doon, di ko naman sure kung makikita ko doon ang classmate ko.. pero sabi ko, andito na rin lang ako, sige na.. Ikot ikot muna hanggang sa marating ang lugar ng event.

Pagdating don, nagparegister ako, at meron pang binigay na isang listahan ng mga bloggers. Ang sabi, game daw yun, ang pinakamaraming napapirma, yun ang mananalo, ngek, eh ala nga ako kakilala magpapapirma pa..

Pagdating don, meron na rin mga tao (aba 730 pa lang ah... on time!), dun ako pumwesto sa malapit sa CliqueBooth. maya't maya, heto na at marami na ring nagpapirma, marami ako nakilala like si Rowena, Jehzeel, Yatot, Allen, Karlo, AJ at marami pang iba (sorry di ko dala yun kodigo ko hehehhe).





Maya't maya, nag aanounce na ng winners.. si ANiTOKiD ang winner ng grand prize sa SM hypermart blogwriting contest. Prize is trip to Kuala Lumpur, Malaysia! Congrats!!!!

Chowtime!! Ang daming foods, grabe... ang sarap heheh! Kung overflowing ang foods, overflowing din ang drinks!



Raffle time!!! Lahat ng naghulog ng calling cards sa bowl ay kasali sa raffle.... hmmm pano naman kami?? @,@ Syemre, dahil maraming prizes, pinayagan kaming magjoin and maglist ng aming name kahit sa anong klaseng papel (karamihan ay ginamit ang mga calling cards na pinamigay sa kanila ng co-blogger at sinulatan ng sariling name sa likod!!)

Anyway, isa ako sa mapalad na nabunot ng grocery items... bukod doon, nabunot din ako as consolation prize winner sa signature contest... YAY!!!





Rest of the pix:




Sa uulitin!

2 comments:

THE ANiTOKiD said...

Uy! Congrats Sarah! 2 panalo ah! Sayang, I wasn't able to attend the event. Sana next time free na sched ko.

Loved the pics, kabayan...:)

Jehzeel Laurente said...

weeeeeee! ayun ako ohh!! hehehe.. nice pics! hehehe.. nice meeting you to ^___^

Subscribe Now: Feed Icon