Friday, December 14, 2007

My Christmas Wish List

Pasko na naman.. kabi kabila ang gift giving. Manito manita, Kris Kringgle, Raffle, Company Give aways at marami pang iba.

Sa mga regalong natatanggap, hindi nawawala ang mga sumusunod:

1. Mug - iba'ibang klaseng mug, may malaki, maliit, may takip, musical at chartoon characters.
2. Towel - beach towel, hand towel, face towel.
3. Candle - scented, korteng taong kandila, tea candle.
4. Table figurines - angel, fairy, santo't santa.
5. Picture frame - iba ibang hugis, may bilog at may kasamang alarm clock.


Kahit paulit ulit mong natatanggap. Iba pa rin ang feeling ng nakakakuha ka ng regalo. Ang sarap ng feeling. Lalo na kung ikaw rin ay nakakapagbigay at nakikita mo ang ngiti sa binibigyan mo habang binubuksan nila ang regalo.

At para hindi OT sa topic, Ngayong pasko heto ang mga gusto ko sanang matanggap .. hmm sana may makabasa heheheh!!!

1. Organizer - yun kikay na organizer, pink o kaya blue. Kahit kasi meron ng organizer sa CP iba pa rin yun sinusulat.
2. Cologne - nahihirapan kasi ako pumili ng sarili kong pabango. Mas gusto ko ang binibigay eheheheh.
3. Belt - para in sa fashion
4. Coin purse - para pampabwenas.
5. Sunglasses - pareho ng cologne, hindi ako makapili ng babagay sa akin.

1 comment:

TomGu said...

Marami ka na bang natanggap? Ako, konti pa lang eh. Advance Merry Christmas.

Subscribe Now: Feed Icon