Friday, March 07, 2008

Mga Kwentong Ewan

1. kwento ng name mo?
~~ tatay ko nabigay nito. ewan ko nga ba bat sa dinami dami ng pangalan eto pa napili, ang dami ko tuloy katukayo.

2. anung kwento ng last birthday mo?
~ nag enchanted kingdom ako mag isa!!! O ano kaya nyo yon????

3. anung kwento ng 1st lovelife mo?
~~ wala lang, kasi ang boring ng buhay ko noon, parang walang lovelife kasi
malayo ako heheh!

4. anung kwento ng lovelife mo ngayon?
~~ ngayon? Umaatikabong suspense drama comedy at action!!!!! isama pa ang
masalimuot na imbestigasyon na ala SOCO XXX at Imbestigador hahahah!

5. anung kwento ng buhok mo?
~~ etong buhok ko, kung buhay lang matagal ng nagtampo sa akin, kulot straight may
kulay wala maikli mahaba, lahat nadanas na nitong buhok ko. Kapag may
problemang puso ko ang buhok ko ang una kong napapagdisketahan.

6. anung kwento ng computer mo?
~~ computer namin ng kapatid ko. Dumating si papa may dalang computer
iniwan sa bahay ko di na kinuha heheheh!!!

7. anung kwento ng kwarto mo?
~~ kwartong nakasaksi sa umaatikabong drama suspense at thriller ng buhay ko.
Horror na rin dahil sa gulo kapag tinatamad ako.

8. anung kwento mo last christmas?
~~ Malungkot na christmas kahit nagbaguio kaming magkakapatid... May
nang away lang naman kasing isang nilalang yun pala naman ay may....

9. anung kwento mo last valentine's day?
~~ sa kauna unahang pagkakataon ako ay nakatanggap ng bulaklak at lobo galing
sa iniirog ko.

10. anung kwento ng chinelas na suot mo?
~~ ito ang bunga lang naman ng pakikipagtawaran ko sa baclaran.

11. anung kwento nung una mong nakita yung crush mo?
~~ dahil ako ay kasalukuyang nagbibigay ng training noon, sa halip na ako ay
kiligin, hindi ko pinansin ang ginoo. pero sa totoo lang tuwang tuwa ako...
hihihihi at kung pwede lang ako magpalipat ng 1st shift para makita ko
araw araw ay gagawin ko (kaso hindi pwede) hahahahah

12. anung kwento sayo ng parents mo tungkol kay santa claus?
~~ wala eh kasi hindi naman kami katoliko kaya walang pasko. Pero noong
bata ako ginawa ko din magsabit ng medyas kaso bagong hubad nga lang (kaya
siguro di na nagparamdam si Santa Claus)hahahhaha

13. anung kwento nung best movie na pinanood mo?
~~ My Bestfriends Wedding iyak ako ng
iyak kasi di nakatuluyan ni Julia yun
bestfriend nya waaaaaaaa ayoko talaga ng
sad endings.

14. anung kwento nung last time na umiyak ka?
~~ meron lang naman "Baby" si.....waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa

Subscribe to Little Girl Blues by Email

No comments:

Subscribe Now: Feed Icon