Thursday, August 11, 2005

Ayoko Na!

2 days na lang, midterm na namin sa IS 238. Hanggang ngayon, Module 3 pa rin ako. Ang hirap intindihin ng subject kasi hindi ko talaga gusto. Pakialam ko ba naman sa client-server programming. Tapos me pa Linux-linux pa. Env nga ng MS lula pa ako, Linux pa.

Maaga na naman ako nyan gigising para humabol sa 7am na byahe. Pagkatapos uupo na naman ako sa nagsisiksikang Van ng dalawang oras. At pagkatapos kakain ulit sa KFC ng chiken fillet (ah me crispy chiken fillet na pala).

Kakayanin ko pa ba ito? Hindi kaya nagsasayang na naman ako ng pera pambayad ng tuition fee? Makakapasa kaya ako? Makakagraduate ba ako?

Ayoko na!

Monday, August 08, 2005

Hanggang Sa muli

Six years ago...

Scheduled for final interview ako sa Innodata noong araw na iyon. Habang naghihintay akong tawagin, may nakatabi akong isa ring 1babae, siguro for final interview rin. Maganda sya, maputi, payat, maamo ang mukha.. ah siguro mabait ito. Nginitian ko sya.. gumanti rin ng ngiti.

Hanggang sa nagpakilala sya. GB daw ang pangalan nya, tama, for interview din daw sya. Ang sagot ko naman ako din, sana mahire nga kami sa work. Nauna syang pinatawag sa loob.. maya maya ako na ang ininterview. Paglabas ko ng room, andon pa rin sya, sabi nya sabay na lang daw kami maglunch.. since na magaan naman ang loob ko sa kanya, sumabay din ako.

Kumain kami sa Graceland, since nga na magaang nga ang loob ko sa kanya, masaya ang naging kwentuhan namin.. nakuwento ko ang buhay ko, ang lovelife ko at kung anu ano pa... masaya ang naging pag-uusap namin.. At pagkatapos umuwi na kami.

Nung unang araw ng pasok namin sa work, nakita ko ulit sya, kaso dahil sa inayos ang upuan namin according sa surname namin, medyo malayo ako sa kanya and iba ang manager nila. Pero kahit ganoon, di ko pa rin nakakalimutan na batiin sya kada papasok ako at uuwi sa trabaho.

Natutuwa ako sa kanya kasi pareho kaming mahilig sa accessories. Nung nauso ang pearl necklace, pareho kaming meron noon. Pero dahil gusto lagi namin na nauuna sa uso, pareho na din naming di sinuot noong time na sobrang common na ng pearl necklace.

Hanggang sa dumating yung araw na napromote kami. Naging magkakasama kami noon sa isang project. Along with Ces na isa ko ring friend, kami yun medyo naging magkavibes. Hindi ko nga makakalimutan yun pagkatapos ng christmas party, doon kami ni Ces nakitulog sa kanya. Palagi ko rin silang inaupdate ng lovelife ko. Sila rin ang kasama ko nung first akong tumuntong ng Bar, uminom at nalasing. Marami rin bagay na sineshare sa akin si GB, nung naging sila ni nung BF nya, sa akin din nya sinabi yun.. kapag me lakad sila sinasama nya ako.

Si GB rin ang taong sobrang bait. Although minsan, di kami nagkakasundo nyan dahil sa trabaho, pero sa personal na buhay, di kami nag-aaway nyan.

Noong time na nabuo ang grupong D' Girls, ako ang kasama nila na "now you see, now you don't", pero sa lahat, si GB lang ang matyagang magyaya pag lunch break, pag breaktime, pag me gimmick (ang videoke, ang pepperland, ang gaisano).

At ngayon, bigla bigla, nabalitaan namin na aalis na pala si GB, titira na sa US.. although me nabanggit na yun BF nya noon na me plans si GBs na manirahan doon pero di namin expected na ganon kadali. Biglaan din ang resignation nya... basta feeling ko non nasa state of shock ako.

Nung nagkayayaan pumunta sa pepperland, kung bakit naman ang taas taas ng lagnat ko... nalungkot ako noon sobra... sabi ko di bale me plan naman na despedida party, doon ako sasama.

Bago dumating yun araw ng party, pinagplanuhan na kung ano ang mga surprises na ibibigay... nagkaroon din kami ng video footage, tapos inisa isa kaming ininterview. Marami akong nakwento, pero nakakatawa pala pag magsasalita ka sa harap ng cam... akala ko drama lang yun ginagawa ng artista na naiiyak sa harap ng cam, pero pag ikaw na ang nagkukwento, di mo talaga mapipigilan...

Araw ng party, nauna kaming pumunta sa bahay ng bf ni gbs, nilagyan ng banner, hinanda yun foods ang nagpractice ng song. Although medyo di maganda yun simula dahil medyo natunugan na nya na me surprise party, maganda pa rin ang kinalabasan. Pinanood namin yun Video na gift, tapos nagkantahan kami.. Nung malapit ng matapos, di ko na napigilan ang sarili ko na umiyak. Umiyak ako kasi sobra akong naging close sa kanya... umiyak ako kasi, nabawasan na naman ako ng mabait na friend (though makakapag usap pa naman kami though net), umiyak ako kasi napakaswerte ko na nagkaroon ako ng friend na gaya nya. Yinakap ako ni Gb at di pa rin huminto ang pag-iyak ko.

Bago kami umuwi... me binigay akong token sa kanya. Isang bote na me mga short messages sa loob. Bote kasi mahilig kaming gumimick... me messages kasi mahilig syang magsend ng text messages.

Sa ngayon, di ko pa kayang makinig sa Through the Rain na kanta kasi naiiyak pa rin ako.. at habang ginagawa ko ito, di ko talaga napipigilang lumuha (ang drama talaga ng lola, tsk tsk tsk).

Sana Gbs, sa muli nating pagkikita di mo pa rin nakakalimutan ang friendship natin.

Hanggang sa muli....

Monday, August 01, 2005

Stage GF

Hay naku... ang hirap pala ng feeling pag special sa iyo yung taong nagpeperform sa stage...

A month ago, binalita ng bf ko na sumali sya sa isang acting workshop, sabi ko naman ok lang tutal acting workshop lang naman.. at least makakatulong pa yun sa kanya tapos biniro ko pa sya na after nya ng workshop pwede na syang mag audition sa talent center ng abs cbn...

Later on, I found out na hindi pala simpleng acting workshop ang sinalihan nya... Isa pala itong local star search... susme... para palang SCQ o kaya Starstruck! Ang masama pa, every week, magkakaroon sila ng presentation.

Natakot ako.. sobrang exposure ito for him... worst is... paano pag nakita sya ng family ko... paano kung me loveteams, paano kung maraming magkagusto sa kanya, paano kung di lang girls pati bading... (teka teka, bat ko naman inisip yon e hamak naman na me star quality pa ako sa kanila.. hmmp!)

On the brighter side.. inisip ko naman... baka makatulong rin kaya ang maging exposed. Kaya kahit gusto ko man sabihin na magback out na sya... binigay ko na lang ang utmost support sa kanya.

Dumating ang friday, sinamahan ko sya sa rehearsal.. naku habang nakaupo kami sa malayo.. halos maputol na ang leeg ng mga kasama nya sa kasisilip... siguro nagulat sila na me kasamang girl ang honey ko. Pero di naman ako nagtagal kasi me appointment din ako.

Araw ng sabado... 5 mins before 3, pumunta na ako dun sa pagdarausan ng presentation... di alam ng honey ko.. kinontact ko yun 2 friends for reinforcements.. kaso malas, malelate pa yata kaya ako muna mag isa ang nanood. Di ko maintindihan ang feeling ko.. Sobrang nerbyos.. pareho ng feeling ko everytime na kakanta ako or sasayaw sa harap ng stage...feeling ko nga ako na ang magpeperform... Hindi na ako mapakali sa inuupuan ko... eksaktong 3pm... dumating si Jay.. hay salamat... maya maya.. nag umpisa na yung show... nung production number na... kinabahan na naman ako... tapos, nakita ko na yun honey ko... Abah! project ang lolo.. feel na feel ang pagsasayaw nya ng chocolate. After the production number medyo nakahinga na ako ng maluwag. Maya maya dumating na si Ambhie... hay salamat.. kumpleto na kami...Dumating na yung oras ng acting... bale... bubunot sila ng scene na ipoportray nila... May bading, may priest, may manager at me tatay... E kaso dahil ika number six sya sa lalaki, last syang magpeperform. Pagkatapos magperform ng mga kasama nya.. abah.. kelangan palang magcritic ng jurors (mala SCQ ang drama).. me mga nasabihan na wala namang K dahil sa kachakahan... may mga pacute, me sinabihang naging statue lang during performance... lalo tuloy akong kinabahan...ano kaya ang sasabihin nila sa honey ko.. ok lang na ako ang mang-okray pero ayokong me mang-okray sa honey ko...baka hindi ako makapagpigil at sabunutan ko ang mga yon. Dumating na ang oras ng performance nya... hawak hawak ko ang kamay ni Ambhie habang papalabas sya ng stage... pareho na pala kami pigil hininga that time (parang yun nafeel ko sa War of the Worlds habang hinuhunting si Tom Cruise at Dakota Fanning ng aliens).. Maganda naman ang nabunot nya, yung priest... maganda din yun comments sa kanya ng juror... at nakahinga kami ng maluwag sabay palakpak.

After the show.. hinintay na namin ang honey ko... magdidinner pa sana sya kasama nung iba pang talents pero pinili nya na sumama sa amin. Natatawa ako kasi super okray talaga kami sa production... pero masaya pa rin ang naging kwentuhan namin after.

Next week... performance uli... kakabahan na naman ang lola mo sa mga mangyayari... sana mapili sya sa finals...

Hayy.. ang hirap maging stage GF.

Monday, July 25, 2005

Ang SONA ni Gloria

Last Monday, nagfile ako ng leave for 2 days, una dahil me activity kami sa religion at pangalawa, nakiusap yun boss ko na magdrop by ako sa office (teka.. di ba dapat me allowance ako dahil considered ito na business trip? Anyway dahil mabait ako.. personal expense na lang.. cost cutting eh).

Sabado ng hapon, nabalitaan ko na nagdeclare ng Non worning holiday sa Metro Manila si Glora para sa kanyang State of the Nation Address (SONA)... bakit kaya...hmmm.. Teka teka... kung holiday sa Lunes.. e di walang pasok sa opisina.. kung walang pasok sa opisina, wala ang boss ko.. kung wala ang boss ko, e di purnada ang lakad ko... Hanep talaga!!!

Balik tayo sa dahilan ng pagdeclare ng non working holiday... di kaya dahil.. ayaw nyang maunahan ng mga estudyante at mga government employees sa pagbackout sa kanilang schools at offices? Pwede rin... sa kabilang banda... nagkaroon tuloy ng time para sumali sa rally..

Ano na naman kaya ang magiging tapic ni Gloria sa SONA nya? Bangkang papel,... kastilyong buhangin? Kastilyong buhangin yata... Sobrang laking plano na nauuwi sa lahat ... isang plano na ginuguho ng korupsyon, ng mga buwaya at trapong pulitiko, ...ng bulok na sistema... Isang kastilyo na ang nagtayo ay isang taong walang kasing tuso na pinaikot ang ulo ng mamamayang Pilipino...

Masyado yata akong nagiging radikal ngayon ah... hehehe.. Paglabas namin ng kapatid ko sa main campus.. nakita ko na nagsimula ng magmartsa ang mga raliyista palabas... nakakaenganyong sumama.. kaso daladala ko na kasi ang bagahe ko.. kaya heto... nagsusulat na lang ng hinaing sa blog ko... kung anuman ang isisigaw ko sa rally eh pwede ko rin naman isigaw sa blog ko...

GLORIA RESIGN!!

Thursday, July 14, 2005

Awrrrkkk!!!!

May mga bagay na sa kapipilit nating maging atin ay lalo itong nawawala. Wala itong pinagkaiba sa buhangin na kapag hinigpitan mo ang pagkakahawak, maguunahan ang mga butil nito na humulagpos sa pagitan ng iyong mga daliri.

Ganyan din ang love...

Sa sobrang pagmamahal mo sa tao, halos araw araw gusto mo syang makausap. Oras oras ang text... Asan ka na? Kumain ka na ba? Sino kasama mo? Nakauwi ka na ba? etc, etc, etc. Hindi pa nakuntento sa text... at tatawagan pa.. pag hindi sinagot.. magtetext ulit.. Bakit di mo sinasagot ang call ko? With matching exclamation points na pagkarami rami...

Teka muna, sigurado ka bang love yan? O baka naman pagbabantay na yan... or insecurity?

Ano kaya ang reaction ng GF/BF mo sa tuwing nakakareceive ng text galing sa iyo? Hindi ba sya nakakaramdam ng nerbyos? Pagkairita? Di kaya Nanay/Tatay na ang tingin niya sa iyo sa sobrang pagbabantay?... Pag isipan mong mabuti... Di kaya kailangan mong bigyan ng space ang mahal mo? Baka magising ka isang araw at mamalayan mo na lang na wala na sya sa tabi mo...

Sana naaply ko rin yan....

Friday, July 08, 2005

Isang pang Pagbati

Wala lang gusto ko lang batiin ang tropatrops ko. Sino ba naman ang hindi matutuwa nyan... Kaninang tanghali nilibre nya ako ng meal. Kumain kami sa favorite naming kinakainan... Pero syempre, nagpaalam muna ako sa butihin kong honey para walang sabit. Sayang nga eh wala akong regalo.. wala kasi akong maisip tsaka wala rin akong pera... ayun naubos na pambayad ng mga credit cards. Naisip ko lighter uli kaso baka sabihin nya... "Lighter na naman??".. kaya hayun... presence ko na lang ang naging regalo ko (ngek)..

Masaya naman kanina.. solve naman ako sa kinain namin.. yun nga lang.. super anghang.. nagkalat ang pula at berdeng sili sa serving plate, kanina ko lang naapreciate ang coke sa ulam namin kanina.

Anyway... masaya ako kasi nakasama ko ang tropa trops ko sa birthday nya. Touched nga ako. Kasi kahit nung valentine's day, ako rin ang kasama nya (malakas lang talaga ako hehehe). Basta ang masasabi ko lang masaya ako kasi kaibigan ko sya...

Happy Birthday Lorz,... ang aking Spark plug.

Wednesday, July 06, 2005

Wala na bang Kwenta ang Pilipinas

May nagforward nito sa amin sa opisina. Medyo nakarelate ako... totoo naman ang sinabi nya eh. Walang ibang kawawa dito kundi ang mga ordinaryong empleyado. Halos mamatay ka na sa kakatrabaho, mag-overtime ka ng halos 24 oras, pag dating ng sweldo, kinain na ng tax ang pinagpaguran mo, sus meng buhay to. Heto pa't me eVAT pa.. Bakit hindi sila magfocus sa mga tax evaders at hindi ang mga ordinaryong empleyado ang pinagdidisketahan nila...

Bulok na sistema ang tumatakbo sa gobyerno natin. Kahit sino pang poncio pilato ang umupo at mamuno sa atin, kung ang sistema naman at nakapaligid sa kanila ay bulok... wala talaga tayong patutunguhan...

Basahin nyo na lang ito at baka makarelate din kayo...

Pasensya na kung puro fwd ang pinopost ko.. wala lang ako sa mood magsulat.

- coffee break-


Walang kwenta ang Pilipinas
By: jawbreaker. (isang ordinaryong office worker na ayaw na magbayad ng tax...ever!)

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Sukang-suka na ko sa mga nangyayari sa bansang 'to!

Walang katapusang corruption, walang kamatayang pangbabatikos, pagbabatuhan ng tae at pagpapa-taasan ng ihi ng mga pulitiko sa bawat isa, walang tigil na imbestigasyon ng kung ano-anong isyu pero wala namang matinong resolusyon, walang puknat na pag-aagawan ng kapangyarihan sa pagitan ng mga partido, patuloy na pagdami ng tamad at tangang Pilipino, patuloy na pakikipaglaban ng ideolohiyang wala namang silbi.

Ang gobyerno ng Pilipinas, talo pa ang septic tank na hinihigop ng Malabanan - saksakan ng dumi at napakabaho. Kaya hindi nakakapagtaka na ang Pilipinas ang isa sa pinakamahirap at corrupt na bansa sa mundo. Kasi lahat sila bulok, lahat sila walang kwenta. Lahat sila sugapa sa kapangyarihan at sa pera.

ANAK NG TETENG! !$#%Q!&!* @!!!!!

KAHIT KRISTIYANO AKO, HINDI KO MAPIGILANG MAGMURA AT HILINGIN SA DIYOS (MINSAN NGA PATI SA DEMONYO) NA MAMATAY NA SILANG LAHAT AT I-BBQ SILA NG HABANG-BUHAY SA IMPIERNO.

SINONG "SILA"? EH DI MGA CORRUPT NA GOVERNMENT OFFICIALS AND WORKERS, MGA TAMBAY NA PILIPINO NA ANG LALAKI NG KATAWAN PERO HINDI NAMAN NAGTRATRABAHO AT HINDI NAGBABAYAD NG TAX, MGA MAYAYAMAN AT ARTISTANG TAX EVADERS, PATI MGA AKTIBISTA, NPA AT IBA PANG IDEOLOGICAL GROUPS NA HINDI NAGBABAYAD NG TAX PERO PANG-GULO!!! MAMATAY NA KAYO!!!

Lagi na lang sinasabi ng mga pulitiko: Ipaglaban ang masa! Tulungan ang masa! Mahalin ang masa!

PUNYETA! MASA LANG BA ANG TAO SA PILIPINAS?

SINO BA TALAGA ANG BUMUBUHAY SA PUNYETANG BANSANG TO?

SAAN BA GALING ANG PANGPAGAWA NG MGA TULAY AT KALYE? SAAN BA GALING ANG PORK BARREL? SAAN BA GALING ANG PERANG KINUKURAKOT NYO?

KAMI NA MGA MANGGAGAWA AT MIDDLE CLASS NA BAGO PA MAKUHA ANG SWELDO BAWAS NA
- KAMI ANG BUMUBUHAY SA WALANG KWENTANG BANSA NA 'TO!!!!!!!!!

BAKIT YANG BANG MGA MASANG YAN NA LAGI NA LANG SENTRO NG PLATAPORMA NG MGA PULITIKO EH NAGBABAYAD BA NG TAX???!!!!

F**K YOU! KAHIT ISA SA MGA NAG-RA-RALLYING MGA SQUATTER NA YAN, KAHIT SINGKO HINDI NAG-RE-REMIT YAN SA BIR!

PERO PINAPAKINGGAN BA KAMI NG GOBYERNO?

LAGI NA LANG OPINYON NG MASA ANG INIINTINDI NG GOBYERNO.

KUNG SINO ANG NAG-RA-RALLY, SA EDSA, SILA ANG NASUSUNOD.

KUNG SINO ANG MAS MALAKAS SUMIGAW PERO WALA NAMANG ECONOMIC CONTRIBUTION, SILA LAGI ANG FOCUS PAG MAY PROBLEMA.

SILA LAGI ANG BIDA.

KAMING MGA ORDINARYONG OFFICE WORKERS, OFW'S, LABORERS AT IBA PANG NAG-TRA-TRABAHO AT NAGBABAYAD NG TAX - KAMI ANG NAGPAPAKAHIRAP PARA BUHAYIN ANG PILIPINAS. KAMI ANG MGA TUNAY NA BAYANI NG BANSA!!!

Tuwing nakikita ko ang payslip ko, nag-iinit ang ulo ko at gusto kong maiyak sa inis. Napakalaki ng tax na binabawas sa akin pero ginagamit lang sa walang kwentang bagay ang perang pinaghirapan ko.

Lahat ng pagtitipid ginagawa ko para suportahan ang sarili ko, pamilya ko at ang punyetang bansang to. Ni hindi ako makabili ng chicken and spaghetti meal sa Jollibee kahit gutom na gutom na ko. Nag-tya-tyaga ako sa waffle na tig-P10, o kaya pag may konting pera, junior bola-bola siopao sa Mini-Stop sa halangang P20.

Eh kung yung pera ko na pinapangbabayad sa tax sa kin na lang napunta, eh di sana nakakapanood pa ko ng sine at least 2 beses sa isang buwan.
Nakabili na sana ako ng bagong rubber shoes. Nakapagpagawa na sana ako ng sarili kong bahay.

Yung tax na binabayad ko, karamihan nun derecho sa bulsa ng mga corrupt na mga government officials at workers. Habang hirap na hirap akong i-budget ang pera ko, sila naman nagpapakasarap sa mga mansyon. SUV's at luxury cars pa ang dina-drive nila, samantalang ako sa pedicab lang sumasakay!

P****** INA! PERA KO YANG PINAPAGPAPASASAAN NYO!!!!!

Yung tax na binabayad ko, pinapangsuporta sa mga mahihirap. Saan ba galing ang pera pangpagawa ng housing at pagtulong sa mga mahihirap, di ba sa mga manggagawa na nagbabayad ng buwis! Pero karamihan ng mahihirap, kung umasta kala mo inaapi sila ng sobra.

SA TOTOO LANG NO, KAYA ANG MGA MAHIHIRAP LALONG NAGHIHIRAP KASI MGA TAMAD!

Ang daming mga tambay sa kalye na walang trabaho pero ang laki ng katawan. Eh kung sila ba nagkargador sa pier eh di sana may pera sila.

TAPOS WALA NA NGANG PERA, ANAK PA NG ANAK!

PUNYETA! LALO NYO LANG PINAPADAMI ANG TAMAD AT TANGA SA MUNDO!!!!!

Naaawa ako sa mga batang pakalat-kalat sa kalye at namamalimos. Imbes na nag-aaral, dumadagdag lang sila sa bilang ng mga future criminals sa Pinas. Hindi ako magtataka na yung batang nakita kong namamalimos sa Cubao, pagkatapos ng ilang taon cellphone snatcher na.

YUNG MGA MAGULANG NAMAN DYAN, COMMON SENSE LANG! HIRAP NA HIRAP NA NGA KAYO SA BUHAY, MANGDADAMAY PA KAYO NG IBA?! PAPARAMIHAN NYO PA LAHI NYO!

Palibhasa walang mga trabaho at walang pinagkaka-abalahan, kaya nagkakalabitan at nagsusundutan na lang maghapon, magdamag. Sa totoo lang, nakakabilib. Kasi kahit sa ilalim ng tulay o sa kariton lang, nakakabuo pa rin ng bata! Ibig sabihin, maabilidad ang mga Pinoy. Kung gugustuhin, gagawan ng paraan. Kahit sa makipot, mabaho at maduming lugar - SOLVE!

Isa pang mga grupo ng tao na nakakainis, yung mga aktibista, NPA at kung ano-ano pang ideological political groups. Sabi nila, mahal na mahal nila ang Pilipinas kaya pinagpalalaban nila ang kanilang mga adhikain.

PUNYETA! EH HINDI RIN KAYO NAGBABAYAD NG TAX! ANG KAKAPAL RIN NG MGA MUKHA NYO!

MGA IPOKRITO! MAHAL DAW ANG PILIPINAS AYAW NAMAN MAGBAYAD NG BUWIS!

BAKIT MAY BIR COLLECTOR BA SA GITNA NG MENDIOLA AT EDSA?! MAY TAX COLLECTION BA SA BUNDOK?!

WALA DIN NAMAN KAYONG MGA TRABAHO! KUNG MAY TRABAHO TALAGA KAYO, HINDI KAYO MAG-RA-RALLY DAHIL SAYANG ANG SWELDO NYO PAG ABSENT KAYO!

PAANO NYO MAIPAPAKITA ANG PAGMAMAHAL NYO SA PILIPINAS KUNG WALA NA KAYONG GAWANG MATINO KUNDI MAG-RALLY AT MAMUNDOK??!!!

ISA PA YANG MGA MAYAYAMAN AT MGA ARTISTA, NA NANGDADAYA AT HINDI NAGBABAYAD NG BUWIS. ANG KAKAPAL NG MUKHA NYO! ANG DAMI NYO NA NGANG PERA NANGDADAYA PA KAYO SA TAX!!!! HINDI NYO NAMAN MADADALA SA IMPIERNO YANG MGA KAYAMAN NYO. MASUSUNOG LANG DUN YAN.

KAYA LALONG BUMABAGSAK ANG NEGOSYO DITO SA PILIPINAS, KASI MGA NEGOSYANTE MANDARAYA. PATI SHOWBIZ INDUSTRY, BAGSAK NA DIN. KARMA ANG TAWAG DYAN. MGA BALASUBAS KASI.

Sana magkaron ng POLITICAL AND NATIONAL CLEANSING.

Alisin (mas maganda kung patayin na lang) ang lahat ng pulitiko at political families sa puwesto. Tibagin ang lahat ng mapanirang organizations at grupo. Itapon sa malayong isla o kaya i-pwersa ng hard labor ang mga sobrang tamad na mga Pilipino. Ihiwalay ang mga bata sa kanilang mga tamad at tangang magulang upang makapag-aral sila at maturuan na maging mabuting tao at mamamayan. Magkaron ng bagong lider na walang political ties at utang na loob sa kahit sino. At higit sa lahat, dapat tax payers lang ang pwedeng bumoto!

Kung kinakailangang magka-giyera para magtino ang mga Pilipino, ayos lang. Masyado na kasing matigas ang ulo ng mga tao dito. Gusto ng kalayaan, pero hindi naman handang panagutan ang responsibilidad ng pagiging malaya. Meron daw pinaglalaban na prinsipyo at adhikain pero takot namang mamatay para dito.

(Sa mga nakaka-alam sa anime na Gundam Wing, yan ang inspirasyon ko sa new Pinas hehe. I love you Zechs! I love you Treize!)

Hangga't hindi nagkakaron ng radical change, patuloy na walang kwenta ang Pilipinas at patuloy na magiging tanga ang majority ng mga Pilipino.

Sa dami ng nag-mi-migrate na Pilipino sa ibang bansa, dadating ang panahon na minority na lang ng population sa Pilipinas ang may utak.
Yung mga magagaling na Pilipino, malamang maubos na. Sobra na kasi silang na-fru-frustrate at na-de-depress sa mga nakikita nila.

Ilang taon pa at aalis na rin ako sa Pilipinas. Wala kong balak na magkaron ng pamilya sa isang bansa na hindi pinapahalagahan ang kontribusyon ng mga taong tunay na bumubuhay dito. Kawawa naman ang magiging anak ko kung dito sya mabubuhay.

Sa totoo lang, broken hearted ako. Minahal ko din ang bansang ito. Pilit kong pinagtatanggol kahit bulok. Nakarating na ko ng ibang bansa, pero pinili kong bumalik. Pero ngayon, ayoko na. Suko na ko. Sayang lang ako sa bansang to. Simple lang naman ang hiling ko. Gusto ko lang mabuhay ng tahimik at maayos. Gusto ko na kahit paano eh maipagmalaki ang Pilipinas. Pero wala eh. Doomed to be jologs ang bansang to.

Alam ko marami pa ang umaasa at naniniwala sa pagbabago. Good luck and God bless! Sana tama kayo at mali ako.

Rules for Work

  1. Never give me work in the morning. Always wait until 4:00 and then bring it to me. The challenge of a deadline is refreshing.
  2. If it's really a rush job, run in and interrupt me evry 10 minutes to inquire how it's going. That helps. Even better, hover behind me, and advise me at every keystroke.
  3. Always leave without telling anyone where you're going. It gives me a chance to be creative when someone asks where you are.
  4. If you give me more than one job to do, dont tell me which is priority. I am a psychic.
  5. Do your best to keep me late. I adore this office and really have nowhere to go or anything to do. I have ni life beyond work.
  6. If a job pleases you, keep it a secret. If that gets out, it could mean a promotion.
  7. If you dont like my work, tell everyone. I like my name to be popular in conversations. I was born to be whipped.
  8. If you have special instructions for a job, dont write them down. In fact, save them until the job is almost done. No use of confusing me with useful information.
  9. Never introduce me to the people you're with. I have no right to know anything. In the corporate food chain, I am plankton. When you refer to them later, my shrewd deductions will identify them.
  10. Be nice to me only when the job I'm doing for you could really change your life and send you straight to manager's hell.
  11. Tell me all your little problems. No one else has any and it's nice to know someone is less fortunate. I especially like the story about having to pay so many taxes on the bonus check you received for such a good manager.
  12. Wait until my yearly review and then tell me what my goals should have been. Give me a mediocre performance rating with a cost of living increase. Im not here for the money anyway.

Tuesday, July 05, 2005

Isang Pagbati

Happy 2nd Monthsary honey. I love you...

Monday, July 04, 2005

Falling in love

It's a mystery why we fall in love. It is a mystery how it happens. It is a mystery when it comes. It is a mystery why some love grows and it's a mystery why some love fails.

You can analyze this mystery and look for reason and causes, but you will never do anymore than take the life out of the experience. Just as life itself is more than the sum of the bones and muscles and electrical impulses in the body, love is more than the sum and the interests and attraction and commonalities that two people share. And just as life itself is a gift that comes and goes in its time, so too, the coming of love must be taken as an unfathomable gift that cannot be questioned in its ways.

Sometimes, hopefully at least once in your life, the gift of love will come to you in full flower, and you will take hold of it and celebrate it in all inexpressible beauty.

This is the dream we all share. More often, it will come and take hold of you, celebrate you for a brief moment, then move on.

When this happens to young people, they too often try to grasp the love and hold it to then, refusing to see that it is a gift that is freely given and a gift that just as freely moves away. When they fall out of love or the person they love feels the spirit of love leaving, they try desperately to reclaim the love that is lost rather than accepting the gift for what it was, then moving on.

They want answer where there are no answers.

They want to know what is wrong in them that makes the other person no longer love them, or they try to get their lover to change, thinking that if some small things were different, love would bloom again. They blame their circumstances and say that if they go far away and start a new life together, their love will grow.

Then try anything to give meaning to what has happened. But there is no meaning beyond the love itself, and until they accept its own mysterious ways, they live in a sea of misery.

You need to know this about love, and to accept it. You need to treat what it brings you with kindness. If you find yourself in love with someone who does not love you, be gentle with yourself. There is nothing wrong with you.

Love just didn’t choose to rest in the other person's heart.

If you find someone else in love with you and don't love him, feel honored that love came and called at your door, but gently refuse the gift you cannot return. Do not take advantage; do not cause pain. How you deal with love is how you deal with you and all our hearts feel the same pains and joys, even if our lives and ways are different.
If you fall in love with another, and he falls in love with you, and then love chooses to leave, do not try to reclaim it or to assess blame.

Let it go. There is a reason and there is a meaning. You will know in time.

Remember that you don't choose love. Love chooses you.

All you can really do is accept it for all it's mystery when it comes into your life. Feel the way it feels you to overflowing, then reach out and give it away. Give it back to the person who brought it alive in you. Give it to others who deem it poor in spirit. Give it to the world around you in anyway you can.

There is where many lovers go wrong. Having been so long without love, they understand love only as a need. They see their hearts as empty places that will be filled by love, and they begin to look at love as something that flows to them rather than from them. The first blush of new love is filled to overflowing, but as their love cools, they revert, they revert to seeing their love as a need.

They cease to be someone who generates love and instead becomes someone who seeks love. They forget the secret of love is that it is a gift, and that it can be made to grow only by giving it away.

Remember this, and keep it to your heart. Love has its own time, its own seasons, and its own reason for coming and going. You cannot bribe it or coerce it, or reason it into saying.

Monday, June 20, 2005

Simply Jessie

And I don't know how I knew it
But I knew it somehow
You're the answer to the question
No one's answered till now
And I don't know what you see
What you see in me
Boy it's nothing to what I see in you

Stars that glisten
Lips for kissin'
Honey listen it's true
No one ever loved you better
I love ya honey

And I've known a boy or two
But none of them was you
And they could never be what you are to me

Stars that glisten
Lips for kissin'
Honey listen it's true
No one ever loved you better
I love ya honey I love you

I love you
I love you
I love you
I love you

Wednesday, June 01, 2005

Baby Bear

I know this is kinda late, but I cant forget the Three Bears Song from Fullhouse... Enjoy ako habang pinapanood ko si Jessie and si Justin na kinakanta yung song. I love Fullhouse, kaso pag extended sa work, di ko napapanood.. but buti na lang naabutan ko ang ending. Before I was praying a magkaroon ng Fullhouse Rewind.. buti na lang narinig ng GMA ang hiling ko. So ngayon I have to go home early to watch yun mga scenes na namiss ko. And guess what.. favorite din pala ng honey ko ang Fullhouse... hehehe..Balik tayo sa song.. I got the lyrics of the song..kung trip nyo yun korean version.. sabayan nyo na lang.

Three Bears Song
(Tagalog)


May tatlong bear sa loob ng isang bahay
Si Papa Bear, Si Mama Bear, Si Baby Bear.


Si Papa Bear ay Malakas,
Si Mama Bear ay Maganda,
Si Baby Bear ay Napakaliksi,
Tignan nyo, Tignan nyo, ang saya nila!


=====

Three Bears Song
(Korean)


gomsehmaree gah
han jib eh ees uh


appa gom umma gom eh gee gom
appa gom eun ddong ddong heh
umma gom eun nahl sheen heh
eh gee gom eun num moo gee uh wuh
euh seuk euh seuk jahl han da


=====

Monday, May 23, 2005

Sana Naman

I found my honey na... this time I hope sana sya na... Story? Im sorry, nasa state of shock pa rin kasi ako eh. Kala ko kasi.. mananatili syang dream.. di ko expected na darating ang time na magiging totoo pala ang pantasya ko..


Sana Naman
Side A

Kay tagal na ng panahon
Ako ay labas-masok sa mga relasyon
At kung aking iisipin, walang dapat sisihin
Ganyan talaga ang pag-ibig

Heto na naman ako
Naglalaro sa isip, wag sanang maulit
Na siya'y mawala sa akin
(At baka ikamatay)
Puso ko'y (di na mabuhay)

(Sana naman, sana naman)
Sana naman kami na'ng magkatuluyan
(Sana naman, sana naman)
Sana naman wala nang iwanan

Mahal na mahal ko siya
O kay sarap sabihin kahit ulit-ulitin
Kailan ba mag-iisa puso nating dal'wa
Kailan ba talaga?

(Sana naman, sana naman)
Sana naman, sana naman
(Sana naman, sana naman)
Sana...

Sana naman, sana naman

Saturday, May 21, 2005

Sorry

Minsan, di mo expected na may masasabi kang something na ikakahurt pala ng friend mo. Akala mo, joke lang sa iyo pero sineryoso na pala nya. Too late to find out na nasaktan mo na pala sya.

I understand kung choice nyang wag muna akong kausapin.. pero miss ko na ang friend ko...

I'm sorry Angel....

Friday, April 15, 2005

Subscribe Now: Feed Icon