Saturday, February 20, 2016

Goodbye

Carrie

When light goes down, I see no reason
For you to cry. We've been through this before
In every time, in every season,
God knows I've tried
So please don't ask for more.

Can't you see it in my eyes
This might be our last goodbye

Carrie, Carrie, things they change my friend
Carrie, Carrie, maybe we'll meet again

I read your mind, with no intentions
Of being unkind, I wish I could explain
It all takes time, a whole lot of patience
If it's a crime, how come I feel no pain.

Subscribe in a reader

Thursday, May 28, 2015

Senti

Minsan akala mo ok ka na, nakakapagtrabaho ka na ng maayos tapos bigla na lang na may mga bagay, tao o pangyayari na magpapaalala sa iyo ng isang tao. Akala mo ok lang na maalala mo pero di mo namamalayan na tumutulo na pala ang luha mo.

Sabi ng iba, bakit daw ako nalulungkot o umiiyak eh matagal nya akong tinanggal sa buhay nya at wala na din daw sya sa buhay ko. Ganon din ang sabi ko sa sarili ko. Pero sadyang kapag ang isang tao ay naging parte na ng buhay mo na minsan ding inalay mo ang buong buo ang buhay mo sa kanya, hindi madali yun. Paminsan minsan ok. Pero mas madalas na kapag mag isa ka na or may nagpapaalala sa iyo na mga bagay bagay o mga kanta, hindi mo mapipigilang malungkot at umiyak. Sabihin na nilang OA ako or feeling lang, pero yun talaga ang mararamdaman ko. Iba kasi ang feeling na alam mo na andyan lang sya kahit may kasama na syang iba sa talagang wala na sya...

Siguro naman hindi na nila ipagkakait sa akin ang malungkot at magdalamhati....

 










Subscribe in a reader


Sunday, May 10, 2015

Everything Happens for a Reason

Kapag nasa gitna ka ng problema, hindi mo maiiwasang magkaroon ng mga katanungan.

Nung time na yon, iniisip ko, bakit ang unfair unfair ng buhay.  Unlike sa ending ng telenobela na ang mga kontrabida ay napaparusahan at ang bida ang nagwawagi, yun totoong buhay parang bakit ang saya saya nila, napakaperpekto ng lahat. Sila itong nang-angkin ng di kanila, pinagmukha akong masama sa mata ng iba pero bakit ako lang ang naghihinagpis...

Pero napag isip isip ko, bakit ako magpapakalugmok sa kalungkutan, choice lang naman yun eh. Kung naging desisyon nilang magpakasaya, kaya ko rin gawin yun, alang alang sa sarili ko. At ganon nga ang ginawa ko.  Uminog ulit ang mundo ko at dumating ang pinakaspecial na biyaya sa buhay ko, ang aking anghel.

Lumipas ang mga taon at nangyari na ang hindi inaasahang mangyari..

Ngayon ko binalikan ang katanungan ko... kung bakit kailangan ko maranasan ang lahat ng yun.  Kailangan kong maranasan ang matinding sakit para yun ang magtulak sa akin na magmove on. At dahil sa pag move on ko binigay sa akin ang aking anghel.  Tinanggal ako sa sitwasyong iyon dahil hindi ako ang nakatakdang dumanas ng napakabigat na sakit na hamak na mas masakit sa pakikipagbreak at niloko ng asawa... Ito ang sakit ng pagpanaw ng kabiyak.

Lahat ng nangyayari sa buhay ay may dahilan.  Kadalasan ay di natin matanggap at maintindihan kung bakit ito nangyayari lalo na kung ito ay labag sa ating kagustuhan at kapag tayo ay nasasaktan. Ngunit sa takdang panahon, kusang dumarating ang kasagutan kung bakit nangyayari ang mga bagay na yun. Para pala ihanda tayo sa mas magandang kapalaran..




Subscribe in a reader

Friday, May 08, 2015

Paalam

Anim na taon ng huli kitang nakita... Sa loob ng anim na taon, sobrang dami na nang nangyari at nagbago. Kapwa tayong naging masaya sa magkahiwalay nating mundo...akala ko tuloy tuloy na.

Kamakailan lang, nabalitaan ko ang nangyari, at hindi ako makapaniwala...

Alam ko sa ngayon di mo na mababasa ang sinusulat ko pero ganon pa man, gusto ko sanang magpasalamat sa napakaraming bagay...

Salamat kung hindi dahil sa iyo, narealize kong hindi pala mabuti ang magbuhos ng buong pagmamahal sa iba, bagkos ay magbigay din ng pagmamahal sa sarili, dahil yun ang nagsilbing gabay ko sa pagbangon.

Salamat dahil hindi ko malalaman kung gaano ako katatag malagpasan ang mga malalaking pagsubok sa buhay ko.

At higit sa lahat, salamat dahil natutunan kong intindihin ang lahat...ang magpatawad..

Kaya siguro lahat ng flashback ko sa iyo ay puro lang masasaya kasi nabura na ang lahat ng masasakit at malulungkot na nangyari. Hayaan mo, aalagaan ko ang mga alaalang ito at ichecherish habang buhay.

Maraming maraming salamat sa lahat... Paalam Jess...







Sunday, March 29, 2015

Buhay abroad

Subscribe in a reader


Kelan kaya ang pressure at bigat ng trabaho ay magiging directly proportional sa sahod?



#kayodblues #missminchin #angtrabahodumadami #angsweldohindi #burnout

Saturday, February 21, 2015

Incomparable

Naisip ko tuloy ano nga naman ang panama ng aratiles sa raspberry?? 

#bitterocampo
#hopia
#dedma
#blocked
#wagpilitinangayaw

Wednesday, July 30, 2014

Bente

Noong una, hindi ko maintindihan kung bakit paulit ulit kong napapanaginipan ang mga dating kong kaklase, ang mga dati kong guro, ang mga tagpo sa eskwelahan. Hindi ko lubos maisip kung ano ang gustong ipahiwatig nito. Minabuti ko na lang na kalimutan at wag na masyadong isipin baka kasi isa lamang ito sa mga random dreams ko.

Isang araw nakita ko yun mga litrato ng mga dati kong kaklase, naiisip ko, nakakatuwa naman, 20 taon na pala ang nakalipas pero buo pa rin ang samahan...

20 taon... benteng taon.... bente.... Teka anong petsa na ba ..? July. . July...hmmm  July..30...ano bang meron sa araw na to???. ... Tama!! At biglang pumasok sa isip ko ang di inaasahang pangyayari...

Sa loob ng mahabang panahon, noon ko lang ulit naalala ang isang pangyayaring nakakatuwa, nakakakilig na parang pangpocketbook lang ang dating.

Ang Best Friend ...

Ang Educational Tour ...

Ang sikreto ...

Ang sumbatan...

Ang rebelasyon...

Ngayon ko narealize na may pinapahiwatig pala ang paulit ulit kong panaginip. Pinapaalala lang sa akin na may mga bagay na kahit hindi na maibabalik ay hindi dapat kinakalimutan lalo na kung nagdulot ito ng kasiyahan at pagmamahal. Mga alaalang pwedeng panatilihin habambuhay





Subscribe in a reader

Thursday, July 11, 2013

Ang Pagbabalik ni Jollyjip

Huwebes na naman at nag-iisip ako ng pwedeng ilagay sa throwback.  Bigla kong naisipan ang Non-stop.  Sa pagkakaalala ko, may mga litrato ako ng Non-stop dito sa blog, kaya hindi ako nagdalawang isip na puntahan ang site na ito. Sa paghahanap nung Non-Stop article, hindi ko naiwasang magbrowse ng iba sa mga post ko. Pansin ko lang, yun mga huli ay yuon ang mga panahong sobrang paghihimutok ko. Hehehe.

Halos 3 taon na rin pala ang lumipas, at marami na ang nangyari. At sa sobrang dami ng nangyari hindi ko na kayang isa isahin pa.  May masaya, may malungkot, may nakakainis...

Pero ano kaya kung buhayin ko ulit ito? Uso pa ba ang pagsusulat ng blog? Well, pwede naman akong magpost ng status sa Facebook pero hindi naman pwede ang sobrang haba di ba... May magbabasa pa rin ba nito gaya ng dati? May makabuluhan pa rin ba akong pwedeng maisulat gaya ng sa iba? Sabagay.. wala naman talagang fixed na konsepto ang blog ko, kahit ano pwede kong ilagay.

Senyales na ba talaga ito ng pagbabalik ni Jollyjip? Well tingnan natin :)

Wednesday, November 24, 2010

The Tale of Paper Towel Dispenser

Nasanay na kami na kumuha ng tissue sa dispenser sa pantry at sa mga cr. Ginagamit namin ito pamunas ng kamay, pamunas ng mga gamit na hinugasan at para sa mga personal na dahilan na hindi ko na ieelaborate pa.

Isang araw, naisipan na palitan ang mga tissue ng Paper Towel Dispenser. Mas malaki ito, at syempre mas mahal. Nakakapanibago sya sa umpisa kasi matigas pero habang tumatagal eh mas ok pala ito kesa sa ordinaryong bathroom tissue. Isang piraso lang ng paper towel ay ok na kumpara sa ilang metrong tissue paper na nakukuha sa bawat hila sa dispenser.

Subalit, naubos ang mga paper towel sa dispenser at hindi na pinalitan ang laman. Ilang araw na ang lumipas at nanatiling walang laman ang mga ito. Hanggang sa isang araw, dahil sa wala ng paper towel, wala ng nagawa ang mga utility kundi lagyan ng bathroom tissue ang paper towel dispenser.

At dahil hindi naman angkop tissue sa paper towel dispenser, mahirap na hlahin ang tissue. Sa madaling salita, nawalan ng silbi ang paper towel dispenser. At ngayon ang paper towel dispenser ay inalis na at binalik ang dating bathroom tissue dispenser.

Kung pinag isipan muna ng mabuti ang pagbili sa mamahaling paper towel dispenser at kung may balak sana silang magrestock ng paper towel eh di sana, napakinabangan ng mabuti ang dispenser at hindi nauwi sa pagtago sa bodega.

Kahit anong bagay, mamahalin man ito o mura ay nawawalan ng silbi kapag hindi ito ginamit sa wastong paraan. At hindi rin praktikal bumili ng isang bagay na wala ka naman balak imaintain ito ng pangmatagalan.

Pwede rin itong ihalintulad sa pagpapatakbo ng kumpanya. Ang mga empleyado ay dapat nauutilize ayon sa expertise nito. Kung ipagpipilitan ng kumanya na pagawain ito ng mga bagay na hindi sakop ng kanyang abilidad at kung wala din naman long term plan para dito, para din itong paper towel dispenser na mawawalan ng silbi sa bandang huli.

Subscribe in a reader

Friday, September 03, 2010

Resurrection

I am thinking of reviving this blog. Hmmmm. But how could I... I can only write articles when Im depressed (heheheh)...

Anyway, still start to reconstruct this site soon. See you ^_^


Subscribe in a reader

Friday, April 09, 2010

Feelin

Nakakainis ang mga feelin na tao, kala mo kung sinong nakakataas, nakakairita.

Subscribe in a reader

Sunday, July 05, 2009

Telenovela Review: Gaano Kita Kamahal

Kakagising ko lang at naisipan kong manood ng tv. Tamang tama kasisimula pa lang ng bagong Your Song Episode na "Gaano Kita Kamahal" starring Maricar Reyes, Sid Lucero, Jodi Sta. Maria at iba pa.



Maya maya medyo hindi ko na gusto ang tema ng episode. Si Jodi ang nagsisilbing "bread winner" imbis na ang asawang si Sid. Mas involved sya sa trabaho kaya kadalasang si Sid ang naiiwan para mag asikaso ng kanilang anak. Si Maricar pala dito ay isang piano teacher ng anak ni Sid at ni Jodi... ang hindi alam ni Jodi ay "mag-on" na pala itong si Maricar at Sid.

Hindi ko na nakayanang panoorin ang telenovela dahil kumukulo na naman ang dugo ko.

Heto ang catch phase ng telenovela noong prinopromote pa lamang ito:


"In Gaano Kita Kamahal, Maricar will play the role of a piano teacher who loves with all her heart but failed in the process."


Kung tutuusin sa simula pa lang, alam na nyang may asawa ang pinatulan nya. Buti sana kung nadala lang sya ng takot dahil napwersa lang sya o kaya naman sa madaling panahon lang nangyari ito dahil sa konsensya na makasira ng pamilya pero agad ding humiwalay. Pero hindi, umabot pa ng 6 months! Para sa akin, isang katangahan ang tumagal ka sa ganoong klaseng sitwasyon. At bakit? Dahil ba sa doon sya masaya kahit makawasak na ng pamilya? At ano, hihintayin muna nyang madiskubre ng misis na may relasyon sila bago nya marealize ang lahat ng katangahan? O baka naman umaasa sya na sa harap ng misis sasabihin ni mister na "Mas mahal kita, at handa kong iwan ang pamilya ko para lang sa iyo!!!" Isang malaking "$@#$ %&^"!!!!!

Para sa mga kabit, nasaan ang konsensya nyo. Habang buhay nyo ba ikasasaya ang makasira ng pamilya? Pansamantala lang syang nararamdaman nyong sarap pero grabeng hinagpis ang kapalit nyan. Kung di man sa inyo, sa mga magiging anak ninyo.

Wheeew! Balik sa review...

Siguro naman maganda naman ang magiging ending nung Telenovela syempre marerealize ni Maricar na mali ng pinasukan nya at sya ang kusang lalayo. Pero sa totoong buhay, sana naman maging ganito din ang mga kabit at ang mga mister na nangangaliwa. Masarap magmahal pero sana sa tamang tao lang nagmamahal. Kung nagpakasal na, maging tapat na lang sa misis. Kung single pa, piliin mabuti ang mamahalin, wag magpaloko at wag magpakatanga!


Subscribe in a reader

Sunday, June 21, 2009

Father's Day

Happy Father's Day kay Papa, sa KILALA KO at sa lahat ng mga tatay at magiging tatay.

Subscribe in a reader

Subscribe Now: Feed Icon