Wednesday, May 04, 2016

One Year

It's been a year but I can still clearly remember when I've heard the news about you. Everything went in a flashback, the joy, the laughter, the tears, the hurt, the pain, the promises, the vows, the love -- all the memories came back. I was deeply in shock. I really wanted to go home and see you one last time, but for some reasons, I decided not to. I chose to weep, and mourn in silence. I'm glad that some of our friends reached out even if I'm far away and gave their best to comfort me.
Now, I'm still thinking of all the memories, memories that let me love unconditionally, memories that made me stronger, value life more and most importantly, taught me how to forgive.
Thank you for visiting in my dreams on those times when I'm down. Thank you for reminding me you are still there.
To the Man I once shared my life with, you'll always be a part of me...I'll treasure you in my life forever....Jess...


Subscribe in a reader

Sunday, March 06, 2016

Si Bestfriend at Ako

Ang naudlot na love story ni Jenna at Carlo. Di ko pa matuloy tuloy hayyyyy! wala pa akong hugot para magsulat ulet. 

Pahingi ng inspirasyon!


#‎siBestfriendatAko‬ ‪#‎wattpadstory‬




Wednesday, March 02, 2016

Hopia

Masama ba umasa sa isang bagay na simula pa lang ay alam mo naman na walang patutunguhan?
Masama ba magbakasakaling mabago ang ihip ng hangin at maramdaman din nya ang oras, pagmamalasakit at pagmamahal na binibigay mo sa kanya?
Masama bang mangarap na balang araw ay mamahalin ka rin nya?

Masama nga bang maging hopia?



OT:
Salamat nga pala sa hopia.




Subscribe in a reader

Sunday, February 21, 2016

Masochista

One of the common advice pagdating sa lovelife is, pwede ka masaktan, pwede ka umiyak, basta siguraduhin mo lang na di ka iiyak sa parehong pagkakamali kasi katangahan na yun kapag inulit mo, ng dalawang beses, tatlong beses o maraming beses pag medyo di ka pa nauuntog.

Pero minsan tatanungin mo ang sarili mo... nagmahal lang naman ako ah? May hiningi ba akong kapalit? Kasalanan ko ba kung minahal kita? OO, hindi crush, hindi ginusto, kundi mahal kita,.ng sobra.

Pero paano kung lahat ng tao ay kalaban mo sa pagmamahal na yun. Lahat ng tao ay tutol kahil alam mo naman na wala ka naman inaargabyadong ibang tao.

Paano kung yun mismong mahal mo ay syang nagbibigay ng sakit sa iyo...hindi pisikal pero sa paraan emosyonal. Pero kung ihahambing ko sa pisikal parang ganito. Nasuntok ka na, sige ka pa rin, sinipa ka na, sige ka pa rin pero nagsabi ka na awat na, di pa rin sya huminto, Kasi sa palagay nya di ka nya sinasaktan dahil ikaw mismo ang nagpapasuntok sa kanya.

May mga taong masochista pala talaga pagdating sa pag ibig. Pero hanggang saan dapat tiisin ang sakit. Yun tipong said ka na magbigay ng pagmamahal? O yun habang maaga pa eh putulin mo na dahil baka mas matindi pa ang sakit na maramdaman mo pagdating ng panahon.

Sana nga matapos na ito.... itutulog ko na lang....








Subscribe in a reader

Saturday, February 20, 2016

Goodbye

Carrie

When light goes down, I see no reason
For you to cry. We've been through this before
In every time, in every season,
God knows I've tried
So please don't ask for more.

Can't you see it in my eyes
This might be our last goodbye

Carrie, Carrie, things they change my friend
Carrie, Carrie, maybe we'll meet again

I read your mind, with no intentions
Of being unkind, I wish I could explain
It all takes time, a whole lot of patience
If it's a crime, how come I feel no pain.

Subscribe in a reader

Saturday, February 13, 2016

Way Back Into Love

12 February 2016......

I've been living with a shadow overhead,
I've been sleeping with a cloud above my bed,
I've been lonely for so long,
Trapped in the past,
I just can't seem to move on!

I've been hiding all my hopes and dreams away,
Just in case I ever need 'em again someday,
I've been setting aside time,
To clear a little space in the corners of my mind!

All I wanna do is find a way back into love.
I can't make it through without a way back into love.
Ooo hooow

I've been watching but the stars refuse to shine,
I've been searching but I just don't see the signs,
I know that it's out there,
There's gotta be something for my soul somewhere!

I've been looking for someone to shed some light,
Not somebody just to get me through the night,
I could use some direction,
And I'm open to your suggestions.

All I wanna do is find a way back into love.
I can't make it through without a way back into love.
And if I open my heart again,
I guess I'm hoping you'll be there for me in the end!

There are moments when I don't know if it's real
Or if anybody feels the way I feel
I need inspiration
Not just another negotiation

All I wanna do is find a way back into love,
I can't make it through without a way back into love,
And if I open my heart to you,
I'm hoping you'll show me what to do,
And if you help me to start again,
You know that I'll be there for you in the end!

Thursday, May 28, 2015

Senti

Minsan akala mo ok ka na, nakakapagtrabaho ka na ng maayos tapos bigla na lang na may mga bagay, tao o pangyayari na magpapaalala sa iyo ng isang tao. Akala mo ok lang na maalala mo pero di mo namamalayan na tumutulo na pala ang luha mo.

Sabi ng iba, bakit daw ako nalulungkot o umiiyak eh matagal nya akong tinanggal sa buhay nya at wala na din daw sya sa buhay ko. Ganon din ang sabi ko sa sarili ko. Pero sadyang kapag ang isang tao ay naging parte na ng buhay mo na minsan ding inalay mo ang buong buo ang buhay mo sa kanya, hindi madali yun. Paminsan minsan ok. Pero mas madalas na kapag mag isa ka na or may nagpapaalala sa iyo na mga bagay bagay o mga kanta, hindi mo mapipigilang malungkot at umiyak. Sabihin na nilang OA ako or feeling lang, pero yun talaga ang mararamdaman ko. Iba kasi ang feeling na alam mo na andyan lang sya kahit may kasama na syang iba sa talagang wala na sya...

Siguro naman hindi na nila ipagkakait sa akin ang malungkot at magdalamhati....

 










Subscribe in a reader


Sunday, May 10, 2015

Everything Happens for a Reason

Kapag nasa gitna ka ng problema, hindi mo maiiwasang magkaroon ng mga katanungan.

Nung time na yon, iniisip ko, bakit ang unfair unfair ng buhay.  Unlike sa ending ng telenobela na ang mga kontrabida ay napaparusahan at ang bida ang nagwawagi, yun totoong buhay parang bakit ang saya saya nila, napakaperpekto ng lahat. Sila itong nang-angkin ng di kanila, pinagmukha akong masama sa mata ng iba pero bakit ako lang ang naghihinagpis...

Pero napag isip isip ko, bakit ako magpapakalugmok sa kalungkutan, choice lang naman yun eh. Kung naging desisyon nilang magpakasaya, kaya ko rin gawin yun, alang alang sa sarili ko. At ganon nga ang ginawa ko.  Uminog ulit ang mundo ko at dumating ang pinakaspecial na biyaya sa buhay ko, ang aking anghel.

Lumipas ang mga taon at nangyari na ang hindi inaasahang mangyari..

Ngayon ko binalikan ang katanungan ko... kung bakit kailangan ko maranasan ang lahat ng yun.  Kailangan kong maranasan ang matinding sakit para yun ang magtulak sa akin na magmove on. At dahil sa pag move on ko binigay sa akin ang aking anghel.  Tinanggal ako sa sitwasyong iyon dahil hindi ako ang nakatakdang dumanas ng napakabigat na sakit na hamak na mas masakit sa pakikipagbreak at niloko ng asawa... Ito ang sakit ng pagpanaw ng kabiyak.

Lahat ng nangyayari sa buhay ay may dahilan.  Kadalasan ay di natin matanggap at maintindihan kung bakit ito nangyayari lalo na kung ito ay labag sa ating kagustuhan at kapag tayo ay nasasaktan. Ngunit sa takdang panahon, kusang dumarating ang kasagutan kung bakit nangyayari ang mga bagay na yun. Para pala ihanda tayo sa mas magandang kapalaran..




Subscribe in a reader

Friday, May 08, 2015

Paalam

Anim na taon ng huli kitang nakita... Sa loob ng anim na taon, sobrang dami na nang nangyari at nagbago. Kapwa tayong naging masaya sa magkahiwalay nating mundo...akala ko tuloy tuloy na.

Kamakailan lang, nabalitaan ko ang nangyari, at hindi ako makapaniwala...

Alam ko sa ngayon di mo na mababasa ang sinusulat ko pero ganon pa man, gusto ko sanang magpasalamat sa napakaraming bagay...

Salamat kung hindi dahil sa iyo, narealize kong hindi pala mabuti ang magbuhos ng buong pagmamahal sa iba, bagkos ay magbigay din ng pagmamahal sa sarili, dahil yun ang nagsilbing gabay ko sa pagbangon.

Salamat dahil hindi ko malalaman kung gaano ako katatag malagpasan ang mga malalaking pagsubok sa buhay ko.

At higit sa lahat, salamat dahil natutunan kong intindihin ang lahat...ang magpatawad..

Kaya siguro lahat ng flashback ko sa iyo ay puro lang masasaya kasi nabura na ang lahat ng masasakit at malulungkot na nangyari. Hayaan mo, aalagaan ko ang mga alaalang ito at ichecherish habang buhay.

Maraming maraming salamat sa lahat... Paalam Jess...







Sunday, March 29, 2015

Buhay abroad

Subscribe in a reader


Kelan kaya ang pressure at bigat ng trabaho ay magiging directly proportional sa sahod?



#kayodblues #missminchin #angtrabahodumadami #angsweldohindi #burnout

Saturday, February 21, 2015

Incomparable

Naisip ko tuloy ano nga naman ang panama ng aratiles sa raspberry?? 

#bitterocampo
#hopia
#dedma
#blocked
#wagpilitinangayaw

Wednesday, July 30, 2014

Bente

Noong una, hindi ko maintindihan kung bakit paulit ulit kong napapanaginipan ang mga dating kong kaklase, ang mga dati kong guro, ang mga tagpo sa eskwelahan. Hindi ko lubos maisip kung ano ang gustong ipahiwatig nito. Minabuti ko na lang na kalimutan at wag na masyadong isipin baka kasi isa lamang ito sa mga random dreams ko.

Isang araw nakita ko yun mga litrato ng mga dati kong kaklase, naiisip ko, nakakatuwa naman, 20 taon na pala ang nakalipas pero buo pa rin ang samahan...

20 taon... benteng taon.... bente.... Teka anong petsa na ba ..? July. . July...hmmm  July..30...ano bang meron sa araw na to???. ... Tama!! At biglang pumasok sa isip ko ang di inaasahang pangyayari...

Sa loob ng mahabang panahon, noon ko lang ulit naalala ang isang pangyayaring nakakatuwa, nakakakilig na parang pangpocketbook lang ang dating.

Ang Best Friend ...

Ang Educational Tour ...

Ang sikreto ...

Ang sumbatan...

Ang rebelasyon...

Ngayon ko narealize na may pinapahiwatig pala ang paulit ulit kong panaginip. Pinapaalala lang sa akin na may mga bagay na kahit hindi na maibabalik ay hindi dapat kinakalimutan lalo na kung nagdulot ito ng kasiyahan at pagmamahal. Mga alaalang pwedeng panatilihin habambuhay





Subscribe in a reader

Thursday, July 11, 2013

Ang Pagbabalik ni Jollyjip

Huwebes na naman at nag-iisip ako ng pwedeng ilagay sa throwback.  Bigla kong naisipan ang Non-stop.  Sa pagkakaalala ko, may mga litrato ako ng Non-stop dito sa blog, kaya hindi ako nagdalawang isip na puntahan ang site na ito. Sa paghahanap nung Non-Stop article, hindi ko naiwasang magbrowse ng iba sa mga post ko. Pansin ko lang, yun mga huli ay yuon ang mga panahong sobrang paghihimutok ko. Hehehe.

Halos 3 taon na rin pala ang lumipas, at marami na ang nangyari. At sa sobrang dami ng nangyari hindi ko na kayang isa isahin pa.  May masaya, may malungkot, may nakakainis...

Pero ano kaya kung buhayin ko ulit ito? Uso pa ba ang pagsusulat ng blog? Well, pwede naman akong magpost ng status sa Facebook pero hindi naman pwede ang sobrang haba di ba... May magbabasa pa rin ba nito gaya ng dati? May makabuluhan pa rin ba akong pwedeng maisulat gaya ng sa iba? Sabagay.. wala naman talagang fixed na konsepto ang blog ko, kahit ano pwede kong ilagay.

Senyales na ba talaga ito ng pagbabalik ni Jollyjip? Well tingnan natin :)

Wednesday, November 24, 2010

The Tale of Paper Towel Dispenser

Nasanay na kami na kumuha ng tissue sa dispenser sa pantry at sa mga cr. Ginagamit namin ito pamunas ng kamay, pamunas ng mga gamit na hinugasan at para sa mga personal na dahilan na hindi ko na ieelaborate pa.

Isang araw, naisipan na palitan ang mga tissue ng Paper Towel Dispenser. Mas malaki ito, at syempre mas mahal. Nakakapanibago sya sa umpisa kasi matigas pero habang tumatagal eh mas ok pala ito kesa sa ordinaryong bathroom tissue. Isang piraso lang ng paper towel ay ok na kumpara sa ilang metrong tissue paper na nakukuha sa bawat hila sa dispenser.

Subalit, naubos ang mga paper towel sa dispenser at hindi na pinalitan ang laman. Ilang araw na ang lumipas at nanatiling walang laman ang mga ito. Hanggang sa isang araw, dahil sa wala ng paper towel, wala ng nagawa ang mga utility kundi lagyan ng bathroom tissue ang paper towel dispenser.

At dahil hindi naman angkop tissue sa paper towel dispenser, mahirap na hlahin ang tissue. Sa madaling salita, nawalan ng silbi ang paper towel dispenser. At ngayon ang paper towel dispenser ay inalis na at binalik ang dating bathroom tissue dispenser.

Kung pinag isipan muna ng mabuti ang pagbili sa mamahaling paper towel dispenser at kung may balak sana silang magrestock ng paper towel eh di sana, napakinabangan ng mabuti ang dispenser at hindi nauwi sa pagtago sa bodega.

Kahit anong bagay, mamahalin man ito o mura ay nawawalan ng silbi kapag hindi ito ginamit sa wastong paraan. At hindi rin praktikal bumili ng isang bagay na wala ka naman balak imaintain ito ng pangmatagalan.

Pwede rin itong ihalintulad sa pagpapatakbo ng kumpanya. Ang mga empleyado ay dapat nauutilize ayon sa expertise nito. Kung ipagpipilitan ng kumanya na pagawain ito ng mga bagay na hindi sakop ng kanyang abilidad at kung wala din naman long term plan para dito, para din itong paper towel dispenser na mawawalan ng silbi sa bandang huli.

Subscribe in a reader

Subscribe Now: Feed Icon