Showing posts with label Politics. Show all posts
Showing posts with label Politics. Show all posts

Friday, May 11, 2007

Gusto kong Maging Senador

Kaya pala itong mga kandidato natin eh halos magpakamatay na sa pangangapanya para lng manalo...

Nagbago na ang pangarap ko... gusto ko na ding maging senador!!! Hahahahha!


--------------------------------------------------------------------------------
ANG SARAP MAGING SENADOR!
Maganda rin naman ang naidudulot ng pagiging prangka ni Senador MiriamDefensor-Santiago. Ayon kay Santiago, marami ang tumatakbong Senadordahil sa laki ng budget na ibinibigay sa kanila kada buwan.

Lumalabas na P35,000 suweldo nila kada buwan ay pakitang-tao lang samilyun-milyong budget ng bawat senador. Kada buwan ay may Fixed Monthly Budget ang bawat Senador ng humigit-kumulang P2 Milyon.

Sa opisina pa lang nila ay humigit-kumulang P500,000 and budget nila saMaintenance and Operating Expenses (Rental, Utilities, Supplies atDomestic Travels) at P500,000 para sa Staff at Personal expenses. Kaya para makatipid ang ibang Senador, kaunti lang ang staff na kinukuha nila. Nagtataka kapakung bakit mayroong mga Ghost Employee?

Bukod diyan, may P760,000 allowance pa sila kada buwan para naman saForeign Travel. At ang masakit pa nito, hindi na kailngan i-liquidate ang mga resibong mga gastusin 'yan kundi Certification lang ang Requirement.

Heto pa, lahat sila ay Chairman ng mg Komite sa Senado. Ang CommitteeChairman ay tumatanggap din ng budget na sinlaki ng tinatanggap ng mgaSenador na humigit-kumulang P1 Milyon din! Hindi sila mawawalan ngKomite dahil 24 lang ang ating mga Senador at 37 naman ang Committee sa Senado. There's food for everybody 'ika nga! Lumalabas na doble ang kanilang benepesiyo at kita kapag sila ay nabiyayaan ng Committee Chairmanship.

Sa P200 milyon na Budget para sa Pork Barrel ng mga Senador bawat taon,awtomatikong may 10% na S.O.P. o kita ng Senador na P20 milyon. Ito angporsiyento na ibinibigay ng mga kontratista sa mga Senador na nagbibigaysa kanila ng mga Infrastructure at Livelihood Project.
Bago matapos ang termino ng isang Senador, kumita na siya ng P100 milyon sa Pork Barrel pa lang. Yung ibang Senador mas gahaman, hindi lang 10% kundi 20- 30% ang komisyon hinihingi sa mga kontratista.

Pansinin niyo na lang ang pagbabago ng buhay ng ilan sa ating mgaSenador simula nang manungkulan sa puwesto. Kung dati ay simple lang ang kanilang pamumuhay ngayon ay nakatira na sila sa mga eksklusibong subdivision, maraming bahay sa Pilipinas at abroad at mahigit lima ang sasakyan.

Ngayon nagtataka ka pa ba kung bakit gumagastos ng daan-daang milyongpiso ang mga Senador sa kampanya para sa isang posisyon na P35,000 lang ang suweldo kada buwan? Bawing-bawi pala ang gastos kapag naupo na!
ANG SARAP MAGING SENADOR ! ! !

PLEASE FORWARD TO AS MANY OF YOUR FRIENDS AND LET THE WHOLE COUNTRY KNOWTHAT ELECTION IS MORE OF PUTTING AMBITIOUS PEOPLE IN POSITION WHO ARE GREEDY IN POWER, WEALTH & PRESTIGE THAN OF PUBLIC SERVICE. ANG MASAKIT PA PERA NGBAYAN PARIN GAGAMITIN SA ELEKSYON MALUKLOK LANG ANG MGA BUWAYA SA PWESTO

Subscribe Now: Feed Icon