Wednesday, May 24, 2006

Buhay Single

Dumating din sa akin ang panahon na matagal akong walang boyfriend. Ok lang naman kasi, dun ko naranasan kung paano maging free, sarili mo lang ang iintindihin mo at bawas ang problema as in! Marami rin akong friends na ganyan din. Di ko lang alam kung sobrang taas ng standards, wala bang oras osadyang di lang nila type kasi marami naman ang umaali aligid.

Meron sa akin finorward na message. Sure akong makakarelate din kayo.

NAGTATAKA KA BA KUNG BAKIT KA PA SINGLE?

SINGLE: Minsan ayos lang kase free na free ka gawin kung ano ang gusto mo o kaya makakapunta ka kung saan mo gusto pumunta pero kung minsan, lalo na't malamig ang hanging o kya maganda ung view, magwiwish ka na sana may yumayakap sa yo, hahalikan ka sa noo at tititignan ka ng parang ikaw na ata ang pinakamagandang babae sa mundo. nakakamiss yun.

kaya heto, susubukan ko bilangin ang mga dahilan kung bakit single pa tayo. Gaano katagal na ba tayo walang nagiging boyfriend?


1. Masyadong independent

baka naman masyado mo napoproject na kaya mong mabuhay ng wala silang lahat, ayan tuloy parang hindi nila maramdaman na kailangan mo rin sila kaya dun nalang sila sa taong tingin n! ila ay magkakaron sila ng silbi.


2. Mataas ang standards mo

siguro hindi na natanggal sa isip mo ung pangarap mo nung bata ka pa. aba, kelangan mo na gumising sa katotohanan na walang ideal guy. ok cge, kung makita mo nga ung hinahanap mo na gwapong matalino na mayaman na mabait pero nung nakasama mo naman eh nakita mo hindi pala pantay ang kuko niya sa hinlalaki o kaya naman sobrang bad breath niya sa umaga o kaya naman daig pa ang tambucho sa lakas manigarilyo...oh eh di turn-off ka na? kung lahat ng tao ay katulad mo na mataas ang standards, malamang wala ng magboyfriend at maggirlfriend ngayon. puro friends nalang.


3. ubod ka ng kasungitan

maski naman kahit sino hindi masarap lapitan at kausapin ang taong mukhang nangangain ng tao tapos liligawan pa? dapat kc kahit konti maging approachable ka naman para kahit na hindi ka kagandahan, madidiskubre niya n! a masarap ka palang kausap at masaya kang kasama.


4. masama ang ugali

kung papipiliin ako kung sa masungit at sa masama ang ugali, dun na ko sa masungit! ang masungit kc, hindi likas na itim ang budhi nyan, may taglay na istorya sa likod ng simangot niya. sabihan mo lang yan ng 'peek-a-boo' BAKA ngitian ka na. ibang istorya na kase ang masama ang ugali dahil mula pa yang ugali na yan sa kaibuturan ng kanyang mga balunbalunan. sa una mabait pero madidiskubre mo na parang trapo ang tao kung tratuhin nito. tsk tsk tsk. pero hindi pa naman huli ang lahat, kung kaya mo pa magbago, bigyan mo ng pagkakataon ang sarilli mo magbago. magdasal ka kay lord. ng mataimtim ha.


5. nagkukulong sa bahay

walang makaka-appreciate sa panloob o panlabas na beauty mo kung nagkukulong ka lang sa bahay. ok, nanjan nga ang nanay mo para sabihin na maganda ka pero im sure umay na umay na rin ! yan sa pagmumukha mo kaya mas maigi kung lumabas ka...pagkagaling sa office, pwede ka magmall o kya gumimik kasama mga officemates mo, o kaya naman sumali sa mga organization sa simbahan or sa neighborhood.


6. mukha kang losyang

ito ang kadalasang krimen ng mga single. hindi ka nagbibigay ng panahon para ayusin ang sarili physically. at bakit pa nga ba e wala ka naman dahilan para mag-ayos, diba? MALI!!! dapat nga lalo ka mag-ayos para makita ang marketability mo. hindi krimen ang maging vain kahit konti. did u know na ang ratio ng lalaki sa babae ay 4:1? kaya lola, magsimula ka na mag-ayos at baka yung crush mo ay maagaw pa ng mga intrimitida sa paligid mo.


7. masyadong magaling

medyo sensitive itong tapic na ito dahil nasasagasaan na ang male ego dito eh. oo, may ibang lalake na nabuburaot dahil mas magaling at mas marunong ang babae sa kanila. hindi na natin i! to problema dahil malamang insecurity nila ang bumubulong sa kanila pero minsan kase hindi na makatarungan na laging nai-inferior ang lalake. kailangan maramdaman din nila saiyo na hindi mo sila ia-under the saya if maging girlfriend ka nila. hindi ko rin sinasabi na icompromise mo ang talents mo, ano bang magagawa ko kung likas na talentadong bata ka pero ang tamang gawin ay wag naman ipagdukdukan na sobrang galing mong tao. wag na wag mong kalimutan ng may 2 klaseng yabang dito sa mundo. wag kang mang-intimidate kung ayaw mong maintimidate.



8. sobrang busy

alam mo ba ung kantang 'Narda'? ganyan ang mangyayari sa iyo, hanggang kanta nalang ang aabutin ng nagkakagusto sayo dahil maski pagpluck ng kilay mo wala kang time.



9. dala ang bigat ng kahapon

may kasabihan nga, "how can u look forward when u keep looking back?" walang mangyayari sa love life mo kung da! la mo pa ang kabiguan na dinulot ng nakaraan mo. walang sense ang magpakabitter dahil in the end, lalo ka lang papanget. panget na nga, bitter pa. tsaka wag kang matakot masaktan kung gusto mo magmahal muli. laging kaakibat ng love ang pain dahil hindi ka masasaktan kung hindi ka nagmahal. at isa pa, wag ka ring matakot na kunin ang pagkakataon kung nandiyan na sa harap mo. pano mo malalaman na masarap ang chocolate kung hindi mo titikman?



10. masyadong masyado

masyado maganda, masyadong matalino, masyadong talented, at masyado mayaman. minsan ito ang mga nagiging factor kung bakit walang gustong manligaw sayo. pero hindi mo naman ito kasalanan diba? katulad din ito ng scenario sa #7. siguro mas maigi kung humble lang ka, wag mayabang, at imbis na maging hambog, share nalang the blessing. hindi ka lang maganda/matalino/talented/mayaman, mabait pa. im sure, lahat mahuhumaling sayo.



at eto ang pinakamatindi sa lahat:



11. Wala sa guhit ng palad mo ang magkaboyfriend

shiyet ang saklap naman nito kung ganun nga. hindi porket na hindi ka na magkakaboyfriend ay loser ka na. malamang may nakalaan na plano sayo si Lord kaya gusto niya na wala kang boyfriend. siguro kaya wala kang boyfriend dahil kelangan ang full attention mo sa pagtulong sa pagtaguyod ng pamilya mo, baka yayaman ka at magiging tagapagmana mo mga pamangkin mo, baka kelangan ang full time and support mo sa organization mo...maraming dahilan eh pero nakakasiguro naman ako na walang bagay na nangyayari sayo na hindi kagustuhan ng nasa itaas. laging may greater purpose kung bakit nangyayari ang nangyayari.

kaya kung halimbawang may darating, wag na pakyeme. kung hindi mo type ang lalapit sayo, let it go gracefully dahil mahirap na at baka balikan ka ng karma. kung nandyan na, gawin nalang ang best para magstay siya sa buhay! mo at hindi ka na nagtataka pa kung bakit single ka.

Tuesday, May 16, 2006

Anniversary Pix

Hay 1 year at last. Pix muna ha. Tsaka na ang event chuva...

Baguio Escapade

Subscribe Now: Feed Icon