Mula nung pinanganak ako, sangkaterbang pangalan na ang binigay sa akin. Pinangalanan ako ng tatay ko ng
Sarah Jane, yun ang tunay kong pangalan. Bad trip nga eh, sa dami ng pangalan sa mundo, bat yun pa ang binigay, napakacommon, palagi ako natatawag na Sarah Jane Salazar, yun AIDS victim. Sabi ng nanay ko, dapat daw
Jinky ang ipapangalan nila sa akin, pero di ko na alam yung rason kung bagit napalitan ng Sarah Jane heheheh.
Sa pamilya (nanay, tatay, lola, lolo, tito, tita - at lahat ng kamag anak) ang tawag nila sa akin
Jeng Jeng, minsan
Jeng, na ginawa ko namang
Jheng, heheheh, ewan ko siguro dahil napakahaba at napakapormal ng Sarah Jane kaya pinaikli na lang nila. Pati classmates ko ng elementary yun din ang tawag. Pati close friends ko ng high school ganon din.
Pagdating ng high school, ang Jheng at Sarah Jane, eh napalitan ng
Sarah, kumag naman kasi ako, pagnagpapakilala ako d ko sinasabing "You can call me Jheng" waaaahhh engot!!! Meron din ako classmate na ang kapatid nya kapangalan ko, ang tawag naman nila don Ajane, dahil sa tinutukso ako dun sa classmate kong yon at Ado ang pangalan nya, nagkaroon naman ako ng bagong pangalan -
Ajane, kalahati ng high school classmates ko heto ang tawag sa akin, ganda nga naman ng kombinasyon.. Ado at Ajane, naks corny!
Pagdating ng college, kahit gustuhin kong Jheng ang itawag nila sa akin di ko na nagawa kasi yun classmate ko ng high school na nakasama ko sa college, eh Sarah ang tawag sa akin.. hayun, no choice. Heto ang naging pangalan ko hanggang sa Grumaduate ako.
Pagdating ng unang work, heto na lagayan na ng name plate.. sa wakas, magagamit ko na ang Jheng ko, sa kasamaang palad, kahit naglagay ako ng name plate na Jheng, andon ang mga College classmate ko na tumatawag sa akin ng Sarah... waaahhhh!!! Sarah na talaga pangalan ko...
Habang tumatagal ako sa trabaho, nagevolved pa ang pangalang Sarah, naging
Mama Sarah at
Princess Sarah hango sa Sarah ang munting princesa, meron din tumawag na
Sars, kaso pinahinto ko ang Sars kasi nagkaroon ng sakit na SARS, yucks...
Nung naging adik ako sa chat at pagsusulat, syempre likas na sa atin ang di magbigay ng tunay na pangalan di ba..kung sina Rizal may pseudonym, gusto ko, meron din ako! Dito lumabas ang pangalang
Shannah Madrigal (naks pang boldstar ang dating!!) or mas kilala sa pangalang
Shane (mas angkop sa tunay kong pangalan kasi hinango rin sa
Sara
h J
ane di ba), sa kasamaang palad, me nakadiskubreng kaopisina ko. Mula non, tinawag na nila akong Shane, na naging mommy shane...
Nung nameet ko ang aking butihing honey, Shane ang pagkakakilala nya sa akin (dahil na din sa yun ang tawag nila sa akin sa opisina. Nung naging kami, sinabihan ko sya na Jheng ang itawag nya sa akin pati na rin ng pamilya nya (syempre dahil close ko sya kelangan yun orig kong nickname ang itawag di ba)... Siguro sa sobrang kalituhan na ng tao sa talagang itatawag sa akin, Shane pa rin ang pakilala nya sa pamilya nya... waaahh alangan naman sabihan ko pa si mama na na di po shane ang pangalan ko, jheng po... nacorrect pa rin naman sa bunso nyang kapatid dahil Ate Jheng na ang tawag nya sa akin.
Hay naku, wish ko lang na sana Jheng na ang itawag nila sa akin ...