Sunday, October 14, 2007

Basurs

Miyerkules, hindi dumaan ang trak ng basura sa amin... Akala ko noong araw lang na yun.. so okay lang kasi konti lang naman ang basura namin... Hala!!! Ang miyerkules, nasundan pa ng huwebes, byernes hanggang linggo! Anak ng....! kelang pa darating si Mr. Garbageman??? Kanina ko lang nalaman sa mama ko ang dahilan...

Basura ng Makati itatambak sa MMDA

NAGBANTA kahapon si Makati City Mayor Jejomar Binay na itataambak nila ang basura ng lungsod sa harapan mismo ng tanggapan ng Metropolitan Ma-nila Development Authority (MMDA) sa oras na hindi maresolba ng ahensiya ang krisis sa basura.

Sinabi ni Binay na sa kasalukuyan ay may napagtatapunan pa naman sila ng kanilang basura sa kabila ng pagsasara ng Rodriguez Landfill subalit kapag dumating aniya ang panahon na wala na silang mapagta-punan, sa harap mismo ng MMDA sa Orenze St. nila itatambak ang kanilang ba-sura.

“Pag wala na talagang tatanggap sa basura namin, ipapatapon ko na lang sa harap mismo ng MMDA. Wala na kaming mapag-tatapunan eh,” pahayag ni Binay.

Idinugtong pa ng alkalde na nakipag-ugnayan na sila kay Manila Mayor Alfredo Lim para maidaan muna sa Pier 18 na ginagamit bilang transfer station ng Maynila ang kanilang basura upang maisakay ito sa barge o gebara patungo sa dumpsite ng Navotas.

Pansamantala ring itinatapon ng Makati City ang ka-nilang basura sa San Pedro,
Laguna subalit hindi rin aniya magtatagal ay baka hindi na sila payagang magtapon dito.

Tiniyak ng alkalde na hindi nila pababayaan na uma-lingasaw at magkalat na lamang basta sa iba’t-ibang lugar ng Makati ang basura dahil dito aniya magsisimu-lang dumami ang mga daga, ipis at iba pang mikrobyo na may masamang epekto sa kalusugan.

Nauna ng sinisi ni Binay si MMDA Chairman Bayani Fernando sa kawalan ng aksiyon na makahanap ng permanenteng dumpsite o tapunan ng basura at inuuna pa aniya ang paghabol sa mga vendors at paggiba sa mga tindahan, police stations at barangay hall.

Napag-alaman na umaabot sa 2,500 metro kubikong basura ang araw-araw na kinokolekta ng 120 garbage trucks na gumagala sa buong lungsod na kanilang itinata-pon sa Rodriquez dumpsite na ngayon ay isinara ng alklade ng naturang muni-sipyo.

Sinabi ni Binay na sa laki ng kanilang ibinibigay na kontribusyon sa MMDA, pati na ang iba pang local government units, dapat ay inuuna ni Fernando na humanap ng solusyon sa problema sa halip na hintaying humupa ang bangayan ng alkalde at gobernador ng Rodriguez, Rizal.



Waaaaahh please, sana naman maayos na ang problemang ito... ayaw ko pa na dumating ang oras na maging housemates ko pa si Mr. Rat at Ms. Ipis!!!!

Subscribe Now: Feed Icon