Isang araw nakita ko yun mga litrato ng mga dati kong kaklase, naiisip ko, nakakatuwa naman, 20 taon na pala ang nakalipas pero buo pa rin ang samahan...
20 taon... benteng taon.... bente.... Teka anong petsa na ba ..? July. . July...hmmm July..30...ano bang meron sa araw na to???. ... Tama!! At biglang pumasok sa isip ko ang di inaasahang pangyayari...
Sa loob ng mahabang panahon, noon ko lang ulit naalala ang isang pangyayaring nakakatuwa, nakakakilig na parang pangpocketbook lang ang dating.
Ang Best Friend ...
Ang Educational Tour ...
Ang sikreto ...
Ang sumbatan...
Ang rebelasyon...
Ngayon ko narealize na may pinapahiwatig pala ang paulit ulit kong panaginip. Pinapaalala lang sa akin na may mga bagay na kahit hindi na maibabalik ay hindi dapat kinakalimutan lalo na kung nagdulot ito ng kasiyahan at pagmamahal. Mga alaalang pwedeng panatilihin habambuhay