Thursday, May 28, 2015

Senti

Minsan akala mo ok ka na, nakakapagtrabaho ka na ng maayos tapos bigla na lang na may mga bagay, tao o pangyayari na magpapaalala sa iyo ng isang tao. Akala mo ok lang na maalala mo pero di mo namamalayan na tumutulo na pala ang luha mo.

Sabi ng iba, bakit daw ako nalulungkot o umiiyak eh matagal nya akong tinanggal sa buhay nya at wala na din daw sya sa buhay ko. Ganon din ang sabi ko sa sarili ko. Pero sadyang kapag ang isang tao ay naging parte na ng buhay mo na minsan ding inalay mo ang buong buo ang buhay mo sa kanya, hindi madali yun. Paminsan minsan ok. Pero mas madalas na kapag mag isa ka na or may nagpapaalala sa iyo na mga bagay bagay o mga kanta, hindi mo mapipigilang malungkot at umiyak. Sabihin na nilang OA ako or feeling lang, pero yun talaga ang mararamdaman ko. Iba kasi ang feeling na alam mo na andyan lang sya kahit may kasama na syang iba sa talagang wala na sya...

Siguro naman hindi na nila ipagkakait sa akin ang malungkot at magdalamhati....

 










Subscribe in a reader


Sunday, May 10, 2015

Everything Happens for a Reason

Kapag nasa gitna ka ng problema, hindi mo maiiwasang magkaroon ng mga katanungan.

Nung time na yon, iniisip ko, bakit ang unfair unfair ng buhay.  Unlike sa ending ng telenobela na ang mga kontrabida ay napaparusahan at ang bida ang nagwawagi, yun totoong buhay parang bakit ang saya saya nila, napakaperpekto ng lahat. Sila itong nang-angkin ng di kanila, pinagmukha akong masama sa mata ng iba pero bakit ako lang ang naghihinagpis...

Pero napag isip isip ko, bakit ako magpapakalugmok sa kalungkutan, choice lang naman yun eh. Kung naging desisyon nilang magpakasaya, kaya ko rin gawin yun, alang alang sa sarili ko. At ganon nga ang ginawa ko.  Uminog ulit ang mundo ko at dumating ang pinakaspecial na biyaya sa buhay ko, ang aking anghel.

Lumipas ang mga taon at nangyari na ang hindi inaasahang mangyari..

Ngayon ko binalikan ang katanungan ko... kung bakit kailangan ko maranasan ang lahat ng yun.  Kailangan kong maranasan ang matinding sakit para yun ang magtulak sa akin na magmove on. At dahil sa pag move on ko binigay sa akin ang aking anghel.  Tinanggal ako sa sitwasyong iyon dahil hindi ako ang nakatakdang dumanas ng napakabigat na sakit na hamak na mas masakit sa pakikipagbreak at niloko ng asawa... Ito ang sakit ng pagpanaw ng kabiyak.

Lahat ng nangyayari sa buhay ay may dahilan.  Kadalasan ay di natin matanggap at maintindihan kung bakit ito nangyayari lalo na kung ito ay labag sa ating kagustuhan at kapag tayo ay nasasaktan. Ngunit sa takdang panahon, kusang dumarating ang kasagutan kung bakit nangyayari ang mga bagay na yun. Para pala ihanda tayo sa mas magandang kapalaran..




Subscribe in a reader

Friday, May 08, 2015

Paalam

Anim na taon ng huli kitang nakita... Sa loob ng anim na taon, sobrang dami na nang nangyari at nagbago. Kapwa tayong naging masaya sa magkahiwalay nating mundo...akala ko tuloy tuloy na.

Kamakailan lang, nabalitaan ko ang nangyari, at hindi ako makapaniwala...

Alam ko sa ngayon di mo na mababasa ang sinusulat ko pero ganon pa man, gusto ko sanang magpasalamat sa napakaraming bagay...

Salamat kung hindi dahil sa iyo, narealize kong hindi pala mabuti ang magbuhos ng buong pagmamahal sa iba, bagkos ay magbigay din ng pagmamahal sa sarili, dahil yun ang nagsilbing gabay ko sa pagbangon.

Salamat dahil hindi ko malalaman kung gaano ako katatag malagpasan ang mga malalaking pagsubok sa buhay ko.

At higit sa lahat, salamat dahil natutunan kong intindihin ang lahat...ang magpatawad..

Kaya siguro lahat ng flashback ko sa iyo ay puro lang masasaya kasi nabura na ang lahat ng masasakit at malulungkot na nangyari. Hayaan mo, aalagaan ko ang mga alaalang ito at ichecherish habang buhay.

Maraming maraming salamat sa lahat... Paalam Jess...







Subscribe Now: Feed Icon