Tuesday, July 02, 2024

Appreciation


"Appreciation can make a day, even change a life. Your willingness to put it all into words is all that is necessary."

Normal lang sa atin na lumiliwanag ang mundo natin everytime na naririnig natin ang words na "Salamat", "Thank you", "It's really appreciated". Isa syang magic word na kapag narinig mo ay nagbibigay saya at nawawala kahit anong pagod mo.

Mahilig ako magpasalamat kahit sa simpleng bagay, nag-abot ng sukli, nagpatawid  na sasakyan sa pedestrian lane basta kahit ano.  Although sinasabi na wag magexpect anything in return pero minsan napapaisip din ako na-aapreciate din kaya nila ako?

Naapreciate din kaya ako ng mga parents ko na kahit alam kong pasaway ako hindi ko sila iniiwan? Minsan kahit sinasabi ko na wala na akong sariling buhay o control sa buhay ko, pag iniisip ko na tumatanda na din sila bigla ako nagkakaroon ng guilt feeling na umalis sa bahay or maghanap ng ibang bahay. Naapreciate din kaya nila na sa buong buhaay ko, indi naman ako nagpagastos sa kanila ng malaki? College scholar ako, libre matrikula ko, wala din naman akong major school activities na kelangan gumastos ng malaki, kahit naman nung nagwork, pag utang ay utang binabayaran ko utang ko sa kanila. Siguro kung meron something na gumastos sila yun ay yung nagsampa kami ng demanda laban sa yumao kong asawa (VAWC), maliban don di naman ako nagpabigat sa kanila. 

Naapreciate din kaya ako ng partner ko na kahit reklamador ako at madami akong trust issues pero buo ng suporta ko sa kanya? Mahal ko sya, mahal ko buong family nya, mahal ko family namin pareho. Tinuturing kong anak ang mga anak nya. Lagi ko kinoconsider ang family ng yumao nyang asawa kaya ingat na ingat ako na di makaapak ng anumang emosyon na makakaoffend sa family nila (kahit minsan masakit, at alam kong nasa tamang panahon naman ako nung dumating sa buhay nya).

Naapreciate din kaya ako ng mga anak ko, na kahit  minsan nagigipit ako sa mga pagbubudget, pinaparanas ko sa kanila ang mga bagay na di ko naranasan noong bata pa ako. Tinuturuan ko sila paano maging independent at magsurvive kapag mag isa na sila sa buhay or wala na ako. Kahit bata pa sila hinahayaan ko silang mahasa na magdesisyon sila on their own.

Yun tipong simpleng Thank you anak, Thank you luvs, o Thank you Mom na andyan ako para sa kanila, nakakaliwanag na ang buhay ko. 

Sana nga.....
 
Subscribe in a reader

Subscribe Now: Feed Icon