Friday, April 15, 2005

Tuesday, March 29, 2005

F-R-I-E-N-D-S

What is kaibigan?


K - asama mo
A - ko
I - n
B - ad times and
I - n
G - ood times
A - sahan mo
N - andito ako for life

Forwarded message ng kabarkada ko.. sabi iforward ko din daw sa mga true friends ko..natuwa ako kaya nagcheck ako ng phonebook ko at hinanap ko lahat ng friends ko... unfortunately, di pala lahat ng friends ko nakalista..lagi kasi ako nawawalan ng cp kaya konti na lang ang nakukuha kong numbers... anyway... pagkatapos kong iforward yun message... naisip ko tuloy yun iba kong friends... kumusta na kaya sila.. me asawa na kaya sila.. saan na sila nakatira... binalikan ko ang nakaraan... at iniisa isa ko ang listahan ng mga kaibigan ko mula nung bata pa ako..

  • Tatin (ang batang may Toy Kingdom sa bahay) - si Tatin ang una kong best friend. Friends ang mga mommy namin.. kaya everytime na nagvivisit ang mom ko sa kanila.. parati kaming naglalaro... Minsan nga 7 am, ipapasundo na ako sa yaya nyan.. doon na ako kakain, maliligo then 5 pm na ako uuwi. Masayang kasama si Tatin.. palagi kaming kinukwentuhan ni Kuya Van nya.. and syempre enjoy ako kasi marami syang Toys.. palibhasa mga bata pa.. so nung lumipat na kami ng lugar.. nawalan na kami ng communication.
  • Che che (Barbie Girl ng SAV 7) - ang friend kong ubod ng ganda... crush sya ng mga kalaro ko noon... kung ako mahilig pang makipaghabulan at magroleplaying na bioman ... sya ang hilig nya magbike at maglaro ng dolls (o di ba girl na girl)... pero hindi maarte si che che.. ubod din ng bait.
  • Cathy (Model) - nung lumipat kami sa Bicol, sya ang naging friend ko.. magkatabi lang ang bahay namin noon. Mabait naman sina mama nya. Pag naiiwan ako sa bahay namin.. dun na nila ako pinapastay sa bahay nila.. naglalaro kami maghapon, nanonood ng tv, nagkukwentuhan at ang favorite namin.. nagluluto ang mama nya ng champorado. Sinabi kong model kasi ang tangkad nya.. tapos ang haba ng buhok.. super ganda nya. Lalo na nung lumaki na.. pwede talaga syang model.
  • Myra (Shy girl) - pareho kaming transferee sa school namin kaya sya ang naging kaibigan ko.. Tahimik, palaging nasa sulok..in short, pareho kami.. kami ang naging magkasundo hanggang sa grumaduate kami sa elementary.. kaso sa ibang school na sya pumasok nung high school kaya naputol na rin ang communication namin.
  • Ado (Gadget Boy) - naging bestfriend ko sya nung high school. Sya ang friend ko na any topic kaya namin pag usapan... walang reservations... masayang kasama. Minsan mayabang (minsan..), pero kaya ko naman itolerate. Until now friend ko pa rin sya. Marami kaming plans, dreams kaso hindi natuloy.. Love ko ang friend kong ito. Gadget boy? Kasi mahilig syang bumili ng kung anu anong gadgets, wala lang, trip lang nya.
  • Renee (Bojo Molina) - yup.. Kamukha kasi nya si Bojo Molina.. ang gwapo, kaso.. pareho kaming girl.. hayy. Si Boknoy ang kachikahan ko pagdating crushes, boys, telenovela, garden at pampaganda ng bahay. Sya rin ang kasa-kasama ko for community activities.
  • Chary (Man-hater) - accident lang ang pagiging pagkakaibigan namin.. ng dahil sa seating arrangement. Pero after non, naging best of friends talaga kami. Nagkatampuhan kami nung nagkaroon ako ng boyfriend.. Wala na daw akong time para sa kanila. But eventually naayos naming yun tampuhan.. At ngayon, nawalan ako ng BF and she's a mom now hahahaha.
  • Janet (Snob) - she's with Chary. Kaming tatlo ang magkakatabi sa class. Nung una masyadong snob and mukhang mataray tong si Janet. Pero hindi ko expected na isa sya sa mga very caring friend na nakasama ko. Sweet, frank. Kaso hindi na kami nagkita after high school graduation..
  • Lhay (Ms. Shoulder bag) - Lhay is my friend in College, Why Ms. Shoulder bag. Mula kasi 1st year hanggang grumaduate kami, gamit nya shoulder bag na ang laman e puro pampaganda hehehe. Lhay is sweet, alam nya nya ang sumpong ko, kung kelan ako me baltik, kabisado na nya yan..
  • Shie (Ms. Sexy) - kasama sya ni Lhay. Ms sexy kasi basta maganda ang vital stat nyan. Shie is shy pero caring, mabait, mahilig magdala ng foods. Until now pag may time kami we go out sometimes.
  • Cindy (Wonder Mom) - so kumpleto na ang cast, kami nina Lhay, Shie and Cindy ang best of friends during college. Kami lagi ang magkakasama, and magkakatabi during classes. Since na commuter lang ako noon.. tumatambay ako sa boarding house nina cindy. We usually watch movies sa computer nya and cook pancit canton (ang pambansang food ng boarders). As of now, Cindy is a Mom now, nagwowork with her hubby. I can say na nareach na nya ang dream nya for her family.
  • Ces (Snow Boss) - Ces is my friend in the office. Yep minsan nadadala nya ang pagiging bossy nya pag nasa labas kami but, sanay na ako don. And I still love her. Mahilig rin ako tumambay sa boarding house nya to watch telenovelas.
  • Toto (Artist) - nameet ko sya sa yahoogroups dahil sa pagvovolunteer ko na maging model nya hahaha (na hanggang ngayon di na natuloy). Actually namumukod tangi sya sa lahat ng friend ko kasi he is my cyber friend, meaning hindi pa kami nagmimeet until now. Maloko si Toto, palagi nya akong pinapatawa, kaya dati excited ako pag nakikita kong online sya. Namimiss ko din sya pag hindi sya nagpaparamdam...Di nya kasi alam, Love ko sya hehehehe (Biglang haba ng ilong...).
  • Mark (Faithful BF) - office friend ko din. Nagstart sa crush pero eventually nauwi sa berks. Mabait yan.. naging crying shoulder for some time kala ko minsan nawawala na yun pala umaalalay lang from a distance. Faithful BF? Kasi faithful yan sa GF nya hehehehe.
  • Chirag (Mr. Perfect) - yeah Mr. Perfect! Yan ang tingin nya sa sarili nya. He was our trainor in one of the company trainings. Taga India po sya. After nung training then nastranded ako sa Cebu non for the Holy week, we became very good friends. Until now.. nakakausap ko pa rin sya paminsan minsan..
  • Gem (Sweet) - Officemate pa rin. Gem is sweet, caring, lagi kong kachat kahit we're just rooms away. Mukhang snob pero mabait pala. Palagi nya akong binibigyan ng mga MP3s. Hehehe
  • Lorz (Spark) - he's my classmate in MIS. Mabait na bro, seryoso mag-aral. My lunchmate, drinking partner, tropatrops, crying shoulder na rin. Madalas iniiwan ako sa kalsada pag naglalakad kami. Minsan bato rin..! At minsan nakukulili sya sa mga kadramahan ko pero I think nasanay na rin sya..
  • Lems (Mentor) - Lems is a Schoolmate, same course kami. But naging close lang kami after performing sa band nung company christmas party namin. Sya ang mentor ko, crying shoulder most of the time.
  • Alfred (Angel) - we met in a conference chat, not knowing that he is my classmate and at the same time officemate pala. At first, medyo aloof ako sa kanya, pero it turned out na sya pala ang pinakakalog kong friend na may sense lagi ang sinasabi. Lagi nya akong pinapatawa.. Pag malungkot ako, he's always there to cheer me up. Ang katext ko during wee hours using Smart Unlimited. He's my angel.


Actually marami pa akong friends.. kaso kung ililista ko pa silang lahat.. aabutin ako ng one year para idescribe silang lahat hehehe.

Friends come and go.. may mga cases na magkakalayo kayo because of uncontrollable circumstances. But still, friends will stay in our hearts and be part of our lives..

To my friends, Mahal ko kayo (Sandara's wave)




Monday, March 21, 2005

Game Over

"I did my best, but I guess my best wasn't good enough..."

Bakit ba may pagkakataon na binigay mo na ang best mo, sa kabila noon ay hindi mo pa rin masatisfy ang gusto ng minamahal mo...

Lahat ng pagkakamali ko sa past relationships ko ay tinandaan ko at siniguradong hindi ko gagawin ngayon..

Walang sawang pag-unawa, hindi naghihintay ng kapalit... I am doing everything just to make this relationship work...

Napakahirap ng long distance relationship... mahirap ang communication.. mas prone sa misunderstanding na nauuwi sa arguments...Pero for as long as nauunawaan mo ang situation at mahal mo ang tao... hindi magiging sagabal ang distance kahit kailan...

Its natural to have arguments... sabi nga sa book na nabasa ko... napakababaw ng isang relationship kung walang arguments...But to give up just because of a simple argument...ibang usapan yun...

Lagi na lang bang ganito...

Lagi na lang bang masasaktan...

Lagi na lang bang iiwan...

Ang Pagibig Kong Ito
Moonstar88

Umiiyak ang aking pusong nagdurusa
Ngunit ayo'kong, may makakita...
Kahit anong sakit ang aking naranasan
Yan ay ayo'kong,Kanyang malaman...

Mga araw na nagdaan
Kailan ma'y hindi malilimutan
Kay tamis na araw ng pagmamahalan
Ang akala ko'y walang hangganan...

Ang pagibig kong ito
Luha ang tanging nakamit buhat sa'yo
Kaya't sa Maykapal twina'y dalangin ko
Sana'y....

Umiiyak ang aking pusong nagdurusa
Ngunit ayo'kong, may makakita...
Kahit anong sakit ang aking naranasan
Yan ay ayo'kong,Kanyang malaman...

Mga araw na nagdaan
Kailan ma'y hindi malilimutan
Kay tamis na araw ng pagmamahalan
Ang akala ko'y walang hangganan...

Ang pagibig kong ito
Luha ang tanging nakamit buhat sa'yo
Kaya't sa Maykapal twina'y dalangin ko
Sana'y....Kapalaran ko ay magbago

Mga araw na nagdaan
Kailan ma'y hindi malilimutan
Kay tamis na araw ng pagmamahalan
Ang akala ko'y walang hangganan...

Ang pagibig kong ito
Luha ang tanging nakamit buhat sa'yo
Kaya't sa Maykapal twina'y dalangin ko
Sana'y....Kapalaran ko ay magbago

Subscribe Now: Feed Icon