Last Monday, nagfile ako ng leave for 2 days, una dahil me activity kami sa religion at pangalawa, nakiusap yun boss ko na magdrop by ako sa office (teka.. di ba dapat me allowance ako dahil considered ito na business trip? Anyway dahil mabait ako.. personal expense na lang.. cost cutting eh).
Sabado ng hapon, nabalitaan ko na nagdeclare ng Non worning holiday sa Metro Manila si Glora para sa kanyang State of the Nation Address (SONA)... bakit kaya...hmmm.. Teka teka... kung holiday sa Lunes.. e di walang pasok sa opisina.. kung walang pasok sa opisina, wala ang boss ko.. kung wala ang boss ko, e di purnada ang lakad ko... Hanep talaga!!!
Balik tayo sa dahilan ng pagdeclare ng non working holiday... di kaya dahil.. ayaw nyang maunahan ng mga estudyante at mga government employees sa pagbackout sa kanilang schools at offices? Pwede rin... sa kabilang banda... nagkaroon tuloy ng time para sumali sa rally..
Ano na naman kaya ang magiging tapic ni Gloria sa SONA nya? Bangkang papel,... kastilyong buhangin? Kastilyong buhangin yata... Sobrang laking plano na nauuwi sa lahat ... isang plano na ginuguho ng korupsyon, ng mga buwaya at trapong pulitiko, ...ng bulok na sistema... Isang kastilyo na ang nagtayo ay isang taong walang kasing tuso na pinaikot ang ulo ng mamamayang Pilipino...
Masyado yata akong nagiging radikal ngayon ah... hehehe.. Paglabas namin ng kapatid ko sa main campus.. nakita ko na nagsimula ng magmartsa ang mga raliyista palabas... nakakaenganyong sumama.. kaso daladala ko na kasi ang bagahe ko.. kaya heto... nagsusulat na lang ng hinaing sa blog ko... kung anuman ang isisigaw ko sa rally eh pwede ko rin naman isigaw sa blog ko...
GLORIA RESIGN!!
Monday, July 25, 2005
Thursday, July 14, 2005
Awrrrkkk!!!!
May mga bagay na sa kapipilit nating maging atin ay lalo itong nawawala. Wala itong pinagkaiba sa buhangin na kapag hinigpitan mo ang pagkakahawak, maguunahan ang mga butil nito na humulagpos sa pagitan ng iyong mga daliri.
Ganyan din ang love...
Sa sobrang pagmamahal mo sa tao, halos araw araw gusto mo syang makausap. Oras oras ang text... Asan ka na? Kumain ka na ba? Sino kasama mo? Nakauwi ka na ba? etc, etc, etc. Hindi pa nakuntento sa text... at tatawagan pa.. pag hindi sinagot.. magtetext ulit.. Bakit di mo sinasagot ang call ko? With matching exclamation points na pagkarami rami...
Teka muna, sigurado ka bang love yan? O baka naman pagbabantay na yan... or insecurity?
Ano kaya ang reaction ng GF/BF mo sa tuwing nakakareceive ng text galing sa iyo? Hindi ba sya nakakaramdam ng nerbyos? Pagkairita? Di kaya Nanay/Tatay na ang tingin niya sa iyo sa sobrang pagbabantay?... Pag isipan mong mabuti... Di kaya kailangan mong bigyan ng space ang mahal mo? Baka magising ka isang araw at mamalayan mo na lang na wala na sya sa tabi mo...
Sana naaply ko rin yan....

Friday, July 08, 2005
Isang pang Pagbati
Wala lang gusto ko lang batiin ang tropatrops ko. Sino ba naman ang hindi matutuwa nyan... Kaninang tanghali nilibre nya ako ng meal. Kumain kami sa favorite naming kinakainan... Pero syempre, nagpaalam muna ako sa butihin kong honey para walang sabit. Sayang nga eh wala akong regalo.. wala kasi akong maisip tsaka wala rin akong pera... ayun naubos na pambayad ng mga credit cards. Naisip ko lighter uli kaso baka sabihin nya... "Lighter na naman??".. kaya hayun... presence ko na lang ang naging regalo ko (ngek)..
Masaya naman kanina.. solve naman ako sa kinain namin.. yun nga lang.. super anghang.. nagkalat ang pula at berdeng sili sa serving plate, kanina ko lang naapreciate ang coke sa ulam namin kanina.
Anyway... masaya ako kasi nakasama ko ang tropa trops ko sa birthday nya. Touched nga ako. Kasi kahit nung valentine's day, ako rin ang kasama nya (malakas lang talaga ako hehehe). Basta ang masasabi ko lang masaya ako kasi kaibigan ko sya...
Happy Birthday Lorz,... ang aking Spark plug.

Subscribe to:
Posts (Atom)