Wednesday, February 02, 2005

Tula Mula sa Sumisintang Makata

Hindi ko akalaing dito patutungo,
Lihim na pagtinging itinatago ng puso ko,
Laking tuwa ko ng aking mapagtanto,
Na ikaw, katulad ko'y may pag-ibig ding itinatago.

Pangako ko sa iyo aking minamahal,
Pag-ibig ko'y di magmamaliw, mundo man ay magunaw,
Lagi kang gagabayan sa hirap ng buhay,
Kailama'y di maghahanap ng anumang kabayaran.

Sapagkat ang pag-ibig na sa iyo'y inaalay,
Sadyang wagas at busilak, dalisay magpakailan pa man,
Nakahandang magpasakit, magsakripisyo at masaktan,
Kung ang kapalit noo'y kaligayahan mo aking mahal.

Monday, January 31, 2005

The Real Shane's World - I should have known...

Medyo wala akong load ngayon sa office so I decided to browse the net. Nagtry ako kung lalabas sa search engine hetong blog ko. To my dismay, i found out na shane's world is a sex movie title... Naloka ang lola mo... so continue ako sa pagresearch...This movie pala was created by Shane (I dont know her surname, nirestrict kasi ng systems dito yun site), she's also the producer, director and the leading actress in the movie. Madami din sequels ang Shane's World, I think hanggang World 12. Naloka talaga ako... so medyo magpapalit muna ako ng Blog Title.. Sayonara!

Subscribe Now: Feed Icon