Wednesday, February 05, 2025

Backread

Kapag namimiss ko yun usap.natin, madalas ako nagbabackread sa messenger. Palagi ko binabalikbalikan kung pano tayo nagstart. Kung paano ka kasipag mag message (oo ikaw ang nag iinitiate ng convo natin everyday)..Kung paano punong puno ng care ang bawat message mo (kumusta ka na, wag kang magpapagitom, kumain ka palagi). Madalas ka din magsabi ng I love you, I love you more. Take care, ingat ka palagi, miss na kita. Na kahit sa edad kong ito nakakataba ng puso.

Pero meron lang akong isang petsang hindi ko kayang balikan. October 18, 2024. Ito yun gabi na nagfamily karaoke tayo tapos pumunta tayo sa carnival. May picture pa nga tayo na masaya. Akala ko ok talaga. Pero, heto din pala yun gabi na bumalik ka sa bar para maglasing. Heto din yun gabing kinausap mo ang Totga mo, eto din ang gabing sinabi mo sa kanya na lasing ka (di ko maintindihan bakit kailangan mo sa kanya ipaalam yun), sinabi mo rin sa kanya na di tayo ok. Sinabi mo rin sa kanya na ayaw mo na ako pakasalan at clingy ako. 
Heto rin yun gabi na sinabi mo na sana hinide mo na lang yun post nya sau (ineexpect ko as partner mo na sasabihan mo sya na ilimit ang ganon at magkaroon ng boundary).pero ihide para di sya mapahiya dahil nakita ko? Na nag I love you siya sa iyo.
Heto rin ang gabi na nagbeg ka sa kanya na wag ka nya iwan.
Heto rin yun gabi na sinabi mo sa kanya na hindi mo sya kaya mawala dahil ganon mo sya kamahal. Mga salitang di ko na narinig sa iyo. Mga salitang hinihintay ko na sabihin mo ng kusa pero hanggang ngayon ay wala na.
Heto yun gabi na nagpapaalala sa akin kung ano lang ako sa iyo. At meron BUHAY na tao na labis na nakakahigit sa pagmamahal mo.
At ngayon nga na viral na naman sa FB ang cheating. Muling nabuhay yun sakit, yun sakit habang binabasa ko yun mga messages mo sa kanya na tinago mo. Dineny mo. Pero ewan ko ba bat lumantad na lang sa akin ng ganon kadali. Kahit kailan ay hindi ako nangialam ng gamit mo o nangahas na magbasa ng messages dahil personal space natin yun pero. Hinayaan ako ng pagkakataon na gawin yun dahil meron pala ako matutuklasan. Isang bagay na kung hindi ko nalaman ay patuloy akong mangangapa sa.dilim.at hindi malalaman ang katotohanan...

Sunday, January 26, 2025

TOTGA

I'm really trying to make this relationship work however,

Until now, the words you told your TOTGA (which you denied a couple of times) is like a nightmare to me, caused me sleepless nights and anxiety.

"Ikaw nga yun TOTGA ko, aalis ka pa, di ko kaya mawala ka, I LOVE YOU THAT MUCH!"

Until now, it is still painful....

I can't help but after your stay in Balayan, everything is different, you even changed your plans, you dont want do be married with me someday...

Are you trying not to be legally committed to anyone so that when fate allowed that she is free, you can have her?

You dont initiate saying I love you anymore... is that word exlusive to her?

I'm starting to hate myself, I'm getting paranoid, I'm starting to get scared.

The pain I've felt with your late wife everytime you miss her is bearable and understandable but this one... your TOTGA is VERY MUCH ALIVE.

Will there still be a future? Is it worth to stay?





Tuesday, July 02, 2024

Appreciation


"Appreciation can make a day, even change a life. Your willingness to put it all into words is all that is necessary."

Normal lang sa atin na lumiliwanag ang mundo natin everytime na naririnig natin ang words na "Salamat", "Thank you", "It's really appreciated". Isa syang magic word na kapag narinig mo ay nagbibigay saya at nawawala kahit anong pagod mo.

Mahilig ako magpasalamat kahit sa simpleng bagay, nag-abot ng sukli, nagpatawid  na sasakyan sa pedestrian lane basta kahit ano.  Although sinasabi na wag magexpect anything in return pero minsan napapaisip din ako na-aapreciate din kaya nila ako?

Naapreciate din kaya ako ng mga parents ko na kahit alam kong pasaway ako hindi ko sila iniiwan? Minsan kahit sinasabi ko na wala na akong sariling buhay o control sa buhay ko, pag iniisip ko na tumatanda na din sila bigla ako nagkakaroon ng guilt feeling na umalis sa bahay or maghanap ng ibang bahay. Naapreciate din kaya nila na sa buong buhaay ko, indi naman ako nagpagastos sa kanila ng malaki? College scholar ako, libre matrikula ko, wala din naman akong major school activities na kelangan gumastos ng malaki, kahit naman nung nagwork, pag utang ay utang binabayaran ko utang ko sa kanila. Siguro kung meron something na gumastos sila yun ay yung nagsampa kami ng demanda laban sa yumao kong asawa (VAWC), maliban don di naman ako nagpabigat sa kanila. 

Naapreciate din kaya ako ng partner ko na kahit reklamador ako at madami akong trust issues pero buo ng suporta ko sa kanya? Mahal ko sya, mahal ko buong family nya, mahal ko family namin pareho. Tinuturing kong anak ang mga anak nya. Lagi ko kinoconsider ang family ng yumao nyang asawa kaya ingat na ingat ako na di makaapak ng anumang emosyon na makakaoffend sa family nila (kahit minsan masakit, at alam kong nasa tamang panahon naman ako nung dumating sa buhay nya).

Naapreciate din kaya ako ng mga anak ko, na kahit  minsan nagigipit ako sa mga pagbubudget, pinaparanas ko sa kanila ang mga bagay na di ko naranasan noong bata pa ako. Tinuturuan ko sila paano maging independent at magsurvive kapag mag isa na sila sa buhay or wala na ako. Kahit bata pa sila hinahayaan ko silang mahasa na magdesisyon sila on their own.

Yun tipong simpleng Thank you anak, Thank you luvs, o Thank you Mom na andyan ako para sa kanila, nakakaliwanag na ang buhay ko. 

Sana nga.....
 
Subscribe in a reader

Subscribe Now: Feed Icon