Pero... Bakit may iba akong nararamdaman? Parang may something na hindi ko pa rin alam. Yun maraming nangyayari pero ang alam ko lang ay kung ano ang nasa surface. Dahil ba sa hindi ko naman sya kasama maghapon? Hindi sya nag iinitiate na magsama kami? Dahil sa text lang kami nag uusap? Ang alam ko lang sa kanya ay ang lakad nya maghapon? Pero kung ano ang plano nya at iba pa ay wala akong idea.
Sa dalawang taon naming relasyon, aminado ako andon pa rin kami sa dating stage, mailap sya sa family ko. Di ko alam kung dahil ba ito sa pagiging mailap din ng magulang ko feeling nya di sya welcome. Eto ba ay dahil sa gusto nya lang ay "One day at a time" lang kami? O sadyang ayaw lang nya dahil di nya nakikita ang Sarili nya na kasama ako sa future nya?
Minsan naiisip ko ano kaya kung time out Muna? Para makapag isip ako baka kasi napepressure lang ako ng mga nangyayari? Pero natatakot ako at the same time na baka maging relief ito para sa kanya at may balikan sya? Natatakot Ako.
Marami na ako nabasa na ganong case, during cool off period naghanap sila ng kalinga kundi sa Ex ay sa Bestie at eventually ay naging sila na. Natatakot din ako sa sa mga kwento nya dati, nananghihinayang sya sa Ex nya. Noong nagbeg sya sa TOTGA nya na wag syang iwan. Pero kahit isa sa mga yon ay di nya yun pinaramdam.
Kapag family events, may times na nakakalimutan nya na naririnig ko yun mga bigla nyang sinasabi like "kung sasama kami at tatlo kami"... yun mapapaisip na lang ako bat tatlo? Sila sila lang? Kung di ko pa ipoint out na bakit di ako kasama, ang isasagot ay "Pwede naman". Yun tunog napilitan na lang. Di lang isang beses marami na cases na ganon. May isang case pa nga na talagang pinag awayan namin kasi parang ang bigat bigat sa kanya na isama ako sa isang event kasi may babayaran daw. Pero it turned out na sinama naman nya buong family pati gf ng anak nya. So parang nahirapan syang magsama ng isa pero nakapagsama naman sya ng 5.
Yun mga ganong tipong nakakadamdam lang.... wala sa loob nya na gawing akong part ng family kasi ang nasa isip pa rin nya ang pamilya nya yun namatay nyang asawa, anak nya at mga in laws nya. oo mas matimbang ang in laws nya. Mas mahalaga sila at palaging priority.
For companion lang ba talaga ako? Di ba talaga ako seseryosohin? Di ba Ako pakakasalan balang araw?
Natatakot Ako. Sobrang natatakot Ako.
No comments:
Post a Comment