Friday, March 11, 2005

Cram Queen

Gaya ng dati, andito na naman ako sa internet cafe para sa magresearch ng mga isasagot ko. Magtatype na parang nagdadabog dahil sira ang keyboard ko... Malalanghap ko na naman ang amoy ng brewed coffee at matitikman lahat ng klase ng dunkin donuts buong magdamag.

Ganito ang buhay ko tuwing last day of submission ng FMA. Sa madaling salita, trip ko na ang magcram... Wala lang... mas may trill kasi pag ganito, mas naiisip ko ang sagot kapag undertime pressure.

Actually nagtry na akong mag-aral ng tama sa oras... sinulat ko sa planner kung kailan ako dapat mag-aral at anong chapter sa module ang dapat kong basahin... pero sa tuwing bubuksan ko ang module ko, kung saang planeta lumilipad ang isip ko... hanggang sa makakaramdam ako ng antok. O kung hindi naman, may sisigaw sa labas na simula na ng korean nobela, sa panghihnayang na di ko masundan ang nangyayari kay Sandy at Francis, itatago ko na lang ang module ko at uubusin ang oras sa panonood ng tv.

At gaya nga ngayon, sa halip na atupagin ang pagrereseach... nagsusulat ako ng blog...

Di bale may bukas pa naman eh, kaya ko pang ihabol ang FMA ko hanggang alas dose ng hating gabi.

Hay buhay ...


2 comments:

Anonymous said...

sanayan lang yan, it doesn't matter if you follow your schedule or not, for as long as you did your work then that's it. Besides watching tv is good for us for relaxation. Cge ka tatanda ka nyan, remember ang beauty, hehehe. . .

Little Guh Blues said...

Thanks ha ;) .. ang weird naman ng name mo... hehehehe

Subscribe Now: Feed Icon