Monday, August 08, 2005

Hanggang Sa muli

Six years ago...

Scheduled for final interview ako sa Innodata noong araw na iyon. Habang naghihintay akong tawagin, may nakatabi akong isa ring 1babae, siguro for final interview rin. Maganda sya, maputi, payat, maamo ang mukha.. ah siguro mabait ito. Nginitian ko sya.. gumanti rin ng ngiti.

Hanggang sa nagpakilala sya. GB daw ang pangalan nya, tama, for interview din daw sya. Ang sagot ko naman ako din, sana mahire nga kami sa work. Nauna syang pinatawag sa loob.. maya maya ako na ang ininterview. Paglabas ko ng room, andon pa rin sya, sabi nya sabay na lang daw kami maglunch.. since na magaan naman ang loob ko sa kanya, sumabay din ako.

Kumain kami sa Graceland, since nga na magaang nga ang loob ko sa kanya, masaya ang naging kwentuhan namin.. nakuwento ko ang buhay ko, ang lovelife ko at kung anu ano pa... masaya ang naging pag-uusap namin.. At pagkatapos umuwi na kami.

Nung unang araw ng pasok namin sa work, nakita ko ulit sya, kaso dahil sa inayos ang upuan namin according sa surname namin, medyo malayo ako sa kanya and iba ang manager nila. Pero kahit ganoon, di ko pa rin nakakalimutan na batiin sya kada papasok ako at uuwi sa trabaho.

Natutuwa ako sa kanya kasi pareho kaming mahilig sa accessories. Nung nauso ang pearl necklace, pareho kaming meron noon. Pero dahil gusto lagi namin na nauuna sa uso, pareho na din naming di sinuot noong time na sobrang common na ng pearl necklace.

Hanggang sa dumating yung araw na napromote kami. Naging magkakasama kami noon sa isang project. Along with Ces na isa ko ring friend, kami yun medyo naging magkavibes. Hindi ko nga makakalimutan yun pagkatapos ng christmas party, doon kami ni Ces nakitulog sa kanya. Palagi ko rin silang inaupdate ng lovelife ko. Sila rin ang kasama ko nung first akong tumuntong ng Bar, uminom at nalasing. Marami rin bagay na sineshare sa akin si GB, nung naging sila ni nung BF nya, sa akin din nya sinabi yun.. kapag me lakad sila sinasama nya ako.

Si GB rin ang taong sobrang bait. Although minsan, di kami nagkakasundo nyan dahil sa trabaho, pero sa personal na buhay, di kami nag-aaway nyan.

Noong time na nabuo ang grupong D' Girls, ako ang kasama nila na "now you see, now you don't", pero sa lahat, si GB lang ang matyagang magyaya pag lunch break, pag breaktime, pag me gimmick (ang videoke, ang pepperland, ang gaisano).

At ngayon, bigla bigla, nabalitaan namin na aalis na pala si GB, titira na sa US.. although me nabanggit na yun BF nya noon na me plans si GBs na manirahan doon pero di namin expected na ganon kadali. Biglaan din ang resignation nya... basta feeling ko non nasa state of shock ako.

Nung nagkayayaan pumunta sa pepperland, kung bakit naman ang taas taas ng lagnat ko... nalungkot ako noon sobra... sabi ko di bale me plan naman na despedida party, doon ako sasama.

Bago dumating yun araw ng party, pinagplanuhan na kung ano ang mga surprises na ibibigay... nagkaroon din kami ng video footage, tapos inisa isa kaming ininterview. Marami akong nakwento, pero nakakatawa pala pag magsasalita ka sa harap ng cam... akala ko drama lang yun ginagawa ng artista na naiiyak sa harap ng cam, pero pag ikaw na ang nagkukwento, di mo talaga mapipigilan...

Araw ng party, nauna kaming pumunta sa bahay ng bf ni gbs, nilagyan ng banner, hinanda yun foods ang nagpractice ng song. Although medyo di maganda yun simula dahil medyo natunugan na nya na me surprise party, maganda pa rin ang kinalabasan. Pinanood namin yun Video na gift, tapos nagkantahan kami.. Nung malapit ng matapos, di ko na napigilan ang sarili ko na umiyak. Umiyak ako kasi sobra akong naging close sa kanya... umiyak ako kasi, nabawasan na naman ako ng mabait na friend (though makakapag usap pa naman kami though net), umiyak ako kasi napakaswerte ko na nagkaroon ako ng friend na gaya nya. Yinakap ako ni Gb at di pa rin huminto ang pag-iyak ko.

Bago kami umuwi... me binigay akong token sa kanya. Isang bote na me mga short messages sa loob. Bote kasi mahilig kaming gumimick... me messages kasi mahilig syang magsend ng text messages.

Sa ngayon, di ko pa kayang makinig sa Through the Rain na kanta kasi naiiyak pa rin ako.. at habang ginagawa ko ito, di ko talaga napipigilang lumuha (ang drama talaga ng lola, tsk tsk tsk).

Sana Gbs, sa muli nating pagkikita di mo pa rin nakakalimutan ang friendship natin.

Hanggang sa muli....

2 comments:

Anonymous said...

You have an outstanding good and well structured site. I enjoyed browsing through it Pure smart replacement water filters

Anonymous said...

You have an outstanding good and well structured site. I enjoyed browsing through it » »

Subscribe Now: Feed Icon