Nung ibalita sa akin na itatransfer ako ng trabaho. Tuwang tuwa ako, bukod sa panibagong challenges na naman ang mararanasan ko (sa totoo lang nabubuhay na lang ako sa isyu sa una kong trabaho, nakakapagod nang pumasok pramis!!), mararanasan ko na ang mamuhay ng mag-isa, hindi naman sa ayaw ko na sa family ko, kaya lang mula ng ipanganak ako, di pa ako nalayo sa kanila. Di ko pa naranasang magdesisyon ng sarili, kumilos ng sarili at mamuhay ng sarili.
Gusto ko ring maranasan kung paano umupa ng bahay, mamalengke, magbudget, at kung anu ano pa. Alam kong mahirap pero gaya ng ibang di pa nakakaranas ng mga ganoong bagay, excited ako na harapin yon.
2 comments:
hey, you changed your layout =)
naku, oo nga. parang liberating & exciting nga yung feeling ng makapag-isa ka. actually ako, di pa naman ako mag-isa ngaun pero nung bata-bata pa ako, madalas kaming iwan ng parents ko & i had to do all my responsibilities & make decisions on my own.
good luck =)
just hoppin by,
good luck on your independence :D
Post a Comment