Wednesday, December 20, 2006

1 down, 8 lives left...

Last Monday morning, pauwi na kami ni Papa to Manila from Lipa. Tamang tama, yun nagrerent ng lot namin offered us a ride since na papunta naman sila ng Quezon City. So there were four of us in the car. Yun nagdadrive, and si Papa sa front. Ako and yun asawa nung nagdadrive sa likod. Nung nasa South Super highway na kami, I fell asleep.

Nagulat na lang ako ng biglang me bumangga sa likod nung car. Sa sobrang lakas ng impact, at dahil natutulog ako, tumalsik ako dun sa likod ng driver seat. Napasigaw pa nga ako. Tumama yun face ko sa ulo ng driver seat. . Buti na lang malambot yun ulo ng driver's seat....

Pagtingin ko sa car, wasak na yun front tapos me basag yun salamin, tapos yun katabi ko nasa state of shock pa. Tinecheck nila ako kung nasugatan daw ba ako of me nabali sa leeg ko kasi super lakas nung pagkakatalsik ko. Im thankful kasi wala naman ako kahit isang galos. Im thankful din na nakaseatbelt si Papa kasi kung hindi tatalsik din sya sa dashboard.


Were still in South superhighway that time, sa bandang Sucat Area. Super traffic na because of the accident. Paglabas ko ng car at nung tinanong ko what happened, yun palang bus na nasa likod namin di agad nakapagpreno, so bumangga sya sa car namin tapos since na malakas yun impact, nagforward yun car namin. At dahil truck naman ang nasa unahan na namin, yun car smashed into the truck. Sandwich talaga kami. Kung napalakas lang ang tama ng bus at dikit ang car namin sa truck, malamang nasa hospital ako ngayon, or worse, no one survived on that accident.

Same type of accident in Batangas happened that night, binangga din sila ng Bus at sa sobrang lakas ng impact tumama din sa van, ang pagkakaiba nga lang, 2 died and the other 2 is in critical condition…

Bigla ko naisip, ganon lang pala ang accident, di mo alam kung kelan ka mawawala. Natutulog lang ako yun pala me possibility na di na ako magising ng oras na yun. Sobra nakakangilabot...



3 comments:

Anonymous said...

Nice title, 8 lives nalang. Buti nalang ok kayong lahat, Shane. Its not a good practice din na tulog tayo inside the car, especially riding in the bus. Sana ang government natin i-strict talaga ang paggamit ng seatbelt.

Anonymous said...

great that you're all right... but yeah, life has a funny-weird way of rearranging one's priorities and changing one's life no?

and life... easily snuffed sometimes...

Little Guh Blues said...

Tama ka Mec, after the accident naisip ko agad yun mga loveones ko, parang alam mo yun, parang pano kaya kung namatay ako, di ko man lang sila nakausap, me mga things na di pa ako nasesetle o nasasabi, tawag agad ako sa nanay ko, unfortunately yun bf ko nasa abroad that time kaya di ko marelay sa kanya. I realized na kelangan everyday at least nakakapagpasalamat ka sa mga mahal mo, nasasabi mo how much you love them, nakakagawa ka ng mabuti sa kapwa so that there will be no regrets at di ka matatakot kung ano ang magiging next life mo.

Subscribe Now: Feed Icon