Bakit pawang kasinungalingan ang lumalabas sa bibig mo?
Bakit ba sobrang hirap para sa iyo ang magsabi ng totoo?
Bakit kelangan mong palaging gumawa ng kwento?
Paano ko ibabalik ang tiwalang nawala kung hindi ka magbabago?
Ako ay labis na nasasaktan
Dahil ilang beses na din kitang pinayuhan.
Nagbabakasakaling mababalik ang nasirang samahan
Subalit habang tumatagal ay lalo tayong nahihirapan.
Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magtitiis
Minsan lang maging masaya, kadalasa'y puro hinagpis
Kelangan ko bang isipin ito'y pawang pagsubok na kailangan lagpasan
O dapat na akong magising, umalis at tuluyan ka nang kalimutan...
No comments:
Post a Comment