Nasa simbahan daw ako kasama ng family at mga relatives. Araw na daw ng kasal ko. Nagtataka ako bakit parang napakadali naman, ni hindi ko nga naalalang nagasikaso man lang ako tungkol dito. Madami na daw invited, andon yun mga officemates ko, mga kaklase nung high school at college. Tapos nagtanong ako sa mama ko, asan yun mga abay? Sagot nya, wala eh kaya hihila na lang tayo sa mga bisita. Ha??? Walang abay, ano ba namang kasal ito, on the spot ang pagkuha ng abay. Tapos bigla ko napansin na meron ako suot na pangkikay na kwintas, so sabi ko sa mama ko, ma hindi naman bagay itong kwintas ko sa damit... sabay pagyuko ko, tska ko narealize na nakapambahay lang ako na katerno nung kikay na kwintas... waaaaaaaa, ano na nangyayari bakit ganito, indi man lang ako naka bridal gown.
Hinanap ko yun groom ko, wala... lumapit sa akin yun auntie ko, itext ko daw si Jess kasi baka nakalimutan na ngayon na pala yun kasal.... WAKEKE! Meron ba naman groom na makakalimutan ang araw ng kasal nya waaaaaaaa!
Bigla ako nagising... panaginip lang pala... hay naku sa sobrang pagkaweird nung panaginip naalala ko talaga yun yun every detail. Ay ewan... sana lang in case na dumating ang panahong iyon, indi naman ganon kapangit...
No comments:
Post a Comment