Nasanay na kami na kumuha ng tissue sa dispenser sa pantry at sa mga cr. Ginagamit namin ito pamunas ng kamay, pamunas ng mga gamit na hinugasan at para sa mga personal na dahilan na hindi ko na ieelaborate pa.
Isang araw, naisipan na palitan ang mga tissue ng Paper Towel Dispenser. Mas malaki ito, at syempre mas mahal. Nakakapanibago sya sa umpisa kasi matigas pero habang tumatagal eh mas ok pala ito kesa sa ordinaryong bathroom tissue. Isang piraso lang ng paper towel ay ok na kumpara sa ilang metrong tissue paper na nakukuha sa bawat hila sa dispenser.
Subalit, naubos ang mga paper towel sa dispenser at hindi na pinalitan ang laman. Ilang araw na ang lumipas at nanatiling walang laman ang mga ito. Hanggang sa isang araw, dahil sa wala ng paper towel, wala ng nagawa ang mga utility kundi lagyan ng bathroom tissue ang paper towel dispenser.
At dahil hindi naman angkop tissue sa paper towel dispenser, mahirap na hlahin ang tissue. Sa madaling salita, nawalan ng silbi ang paper towel dispenser. At ngayon ang paper towel dispenser ay inalis na at binalik ang dating bathroom tissue dispenser.
Kung pinag isipan muna ng mabuti ang pagbili sa mamahaling paper towel dispenser at kung may balak sana silang magrestock ng paper towel eh di sana, napakinabangan ng mabuti ang dispenser at hindi nauwi sa pagtago sa bodega.
Kahit anong bagay, mamahalin man ito o mura ay nawawalan ng silbi kapag hindi ito ginamit sa wastong paraan. At hindi rin praktikal bumili ng isang bagay na wala ka naman balak imaintain ito ng pangmatagalan.
Pwede rin itong ihalintulad sa pagpapatakbo ng kumpanya. Ang mga empleyado ay dapat nauutilize ayon sa expertise nito. Kung ipagpipilitan ng kumanya na pagawain ito ng mga bagay na hindi sakop ng kanyang abilidad at kung wala din naman long term plan para dito, para din itong paper towel dispenser na mawawalan ng silbi sa bandang huli.
Subscribe in a reader
No comments:
Post a Comment