Monday, May 26, 2025

Kaya pa ba?

May mga pagkakataon na iniisip ko. Buti at binigyan ako ng pagkakataon na magkaroon ng partner na napakabait. Mapagmahal sa mga anak nya (oo anak nya), walang bisyo. Yun tipong ito yun specification na matagal ko ng winiwish. Binigay na, dumating na. Dapat masaya na ako at contented kasi ika nga, wish come true and we live happily ever after.

Pero... Bakit may iba akong nararamdaman? Parang may something na hindi ko pa rin alam. Yun maraming nangyayari pero ang alam ko lang ay kung ano ang nasa surface. Dahil ba sa hindi ko naman sya kasama maghapon? Hindi sya nag iinitiate na magsama kami? Dahil sa text lang kami nag uusap? Ang alam ko lang sa kanya ay ang lakad nya maghapon? Pero kung ano ang plano nya at iba pa ay wala akong idea. 

Sa dalawang taon naming relasyon, aminado ako andon pa rin kami sa dating stage, mailap sya sa family ko. Di ko alam kung dahil ba ito sa pagiging mailap din ng magulang ko feeling nya di sya welcome. Eto ba ay dahil sa gusto nya lang ay "One day at a time" lang kami? O sadyang ayaw lang nya dahil di nya nakikita ang Sarili nya na kasama ako sa future nya?

Minsan naiisip ko ano kaya kung time out Muna? Para makapag isip ako baka kasi napepressure lang ako ng mga nangyayari? Pero natatakot ako at the same time na baka maging relief ito para sa kanya at may balikan sya? Natatakot Ako.

Marami na ako nabasa na ganong case, during cool off period naghanap sila ng kalinga kundi sa Ex ay sa Bestie at eventually ay naging sila na.  Natatakot din ako sa sa mga kwento nya dati, nananghihinayang sya sa Ex nya. Noong nagbeg sya sa TOTGA nya na wag syang iwan. Pero kahit isa sa mga yon ay di nya yun pinaramdam.

Kapag family events, may times na nakakalimutan nya na naririnig ko yun mga bigla nyang sinasabi like "kung sasama kami at tatlo kami"... yun mapapaisip na lang ako bat tatlo? Sila sila lang? Kung di ko pa ipoint out na bakit di ako kasama, ang isasagot ay "Pwede naman". Yun tunog napilitan na lang. Di lang isang beses marami na cases na ganon. May isang case pa nga na talagang pinag awayan namin kasi parang ang bigat bigat sa kanya na isama ako sa isang event kasi may babayaran daw. Pero it turned out na sinama naman nya buong family pati gf ng anak nya. So parang nahirapan syang magsama ng isa pero nakapagsama naman sya ng 5. 


Yun mga ganong tipong nakakadamdam lang.... wala sa loob nya na gawing akong part ng family kasi ang nasa isip pa rin nya ang pamilya nya yun namatay nyang asawa, anak nya at mga in laws nya. oo mas matimbang ang in laws nya. Mas mahalaga sila at palaging priority.

For companion lang ba talaga ako? Di ba talaga ako seseryosohin? Di ba Ako pakakasalan balang araw?

Natatakot Ako. Sobrang natatakot Ako.

Saturday, March 08, 2025

Love After Loss: Finding Relevance in a Relationship Between Two Widows

Love After Loss: Finding Relevance in a Relationship Between Two Widows

Falling in love again after losing a spouse is both beautiful and complicated. When two widows come together, they bring not only their hearts but also the past lives they built with their late partners. The challenge isn't just about building a new love but also navigating a world where the deceased spouse is still very present—on school forms, in family traditions, and at social gatherings.

For the new partner, this can feel isolating, even making them question their place in the relationship. How can they avoid feeling like a mere outsider or, worse, like a mistress in their own relationship?

Understanding the Emotional Landscape
Unlike a divorce, where a past relationship may be closed off or even resented, widowhood carries love and grief side by side. A late spouse isn’t an "ex"—they are a loved and cherished part of the family’s story. This means they will continue to be honored, which can sometimes leave a new partner feeling like they are living in someone else’s shadow.

However, relevance in a relationship isn’t about replacing the past—it’s about making space for the present and future.

How to Find Relevance Without Feeling Like a Mistress
1. Establishing a Unique Role in the Family
A common mistake is trying to "fit into" the exact role left by the deceased spouse. Instead of filling a void, create a new and valuable role.

Be present in everyday life, not just big moments. Help with homework, support emotional struggles, and celebrate small victories.
Show love and care in ways that feel natural rather than forced. If a child sees that you are genuinely invested in their well-being, they will begin to recognize your importance.

2. Setting Boundaries with Respect to the Past
A widow’s past love story deserves respect, but so does the new relationship. Some boundaries should be set to ensure the past does not overshadow the present:

Social Events: If the deceased spouse’s family still sees the new partner as an “outsider,” a conversation is necessary. A new love should not be hidden or treated as a secondary figure.
Traditions: Honoring the late spouse is important, but there should also be space for new traditions that involve the current partner.
Household Dynamics: If photos and belongings of the late spouse fill the home, it’s important to discuss what feels comfortable for both partners.

3. Being Involved in Family Decisions
A common struggle is when all major decisions—especially regarding children—are made based on “what Mom/Dad would have wanted.” While that’s understandable, the new partner’s perspective should also be considered.

Parent-teacher meetings: While the deceased parent's name may remain on records, attending these meetings as a supportive figure strengthens involvement.
Medical and legal decisions: While biological parents will always have the final say, a long-term partner should be acknowledged as an important part of the child’s life.

4. Acknowledging the Deceased Without Feeling Second Best
It’s natural to feel uncomfortable when a partner talks about their late spouse often, but open communication helps. Instead of seeing memories as competition, it helps to recognize that grief and love can coexist.

A partner can gently express their feelings:
"I understand how much they meant to you, but I also want to build something special with you. How can we make space for both?"

5. Standing in the Relationship with Confidence
A new love story does not need to be hidden. If the partner is constantly treated as a secondary figure in social settings, they must assert their place.

Introductions matter: Saying, “This is my partner,” rather than just a “friend” establishes significance.
Public acknowledgment: Whether it’s family events, social media, or daily interactions, a relationship deserves to be openly recognized.
Love That Honors the Past but Builds the Future
Finding love after loss is a journey of balancing remembrance with renewal. The key is not to erase the past but to create a meaningful present. A new partner should not feel like they are standing in the shadows but instead like they are building a new, significant chapter alongside their loved one.

Through patience, communication, and mutual respect, love can thrive—not as a replacement but as a continuation of life’s journey.

Wednesday, February 05, 2025

Backread

Kapag namimiss ko yun usap.natin, madalas ako nagbabackread sa messenger. Palagi ko binabalikbalikan kung pano tayo nagstart. Kung paano ka kasipag mag message (oo ikaw ang nag iinitiate ng convo natin everyday)..Kung paano punong puno ng care ang bawat message mo (kumusta ka na, wag kang magpapagitom, kumain ka palagi). Madalas ka din magsabi ng I love you, I love you more. Take care, ingat ka palagi, miss na kita. Na kahit sa edad kong ito nakakataba ng puso.

Pero meron lang akong isang petsang hindi ko kayang balikan. October 18, 2024. Ito yun gabi na nagfamily karaoke tayo tapos pumunta tayo sa carnival. May picture pa nga tayo na masaya. Akala ko ok talaga. Pero, heto din pala yun gabi na bumalik ka sa bar para maglasing. Heto din yun gabing kinausap mo ang Totga mo, eto din ang gabing sinabi mo sa kanya na lasing ka (di ko maintindihan bakit kailangan mo sa kanya ipaalam yun), sinabi mo rin sa kanya na di tayo ok. Sinabi mo rin sa kanya na ayaw mo na ako pakasalan at clingy ako. 
Heto rin yun gabi na sinabi mo na sana hinide mo na lang yun post nya sau (ineexpect ko as partner mo na sasabihan mo sya na ilimit ang ganon at magkaroon ng boundary).pero ihide para di sya mapahiya dahil nakita ko? Na nag I love you siya sa iyo.
Heto rin ang gabi na nagbeg ka sa kanya na wag ka nya iwan.
Heto rin yun gabi na sinabi mo sa kanya na hindi mo sya kaya mawala dahil ganon mo sya kamahal. Mga salitang di ko na narinig sa iyo. Mga salitang hinihintay ko na sabihin mo ng kusa pero hanggang ngayon ay wala na.
Heto yun gabi na nagpapaalala sa akin kung ano lang ako sa iyo. At meron BUHAY na tao na labis na nakakahigit sa pagmamahal mo.
At ngayon nga na viral na naman sa FB ang cheating. Muling nabuhay yun sakit, yun sakit habang binabasa ko yun mga messages mo sa kanya na tinago mo. Dineny mo. Pero ewan ko ba bat lumantad na lang sa akin ng ganon kadali. Kahit kailan ay hindi ako nangialam ng gamit mo o nangahas na magbasa ng messages dahil personal space natin yun pero. Hinayaan ako ng pagkakataon na gawin yun dahil meron pala ako matutuklasan. Isang bagay na kung hindi ko nalaman ay patuloy akong mangangapa sa.dilim.at hindi malalaman ang katotohanan...

Sunday, January 26, 2025

TOTGA

I'm really trying to make this relationship work however,

Until now, the words you told your TOTGA (which you denied a couple of times) is like a nightmare to me, caused me sleepless nights and anxiety.

"Ikaw nga yun TOTGA ko, aalis ka pa, di ko kaya mawala ka, I LOVE YOU THAT MUCH!"

Until now, it is still painful....

I can't help but after your stay in Balayan, everything is different, you even changed your plans, you dont want do be married with me someday...

Are you trying not to be legally committed to anyone so that when fate allowed that she is free, you can have her?

You dont initiate saying I love you anymore... is that word exlusive to her?

I'm starting to hate myself, I'm getting paranoid, I'm starting to get scared.

The pain I've felt with your late wife everytime you miss her is bearable and understandable but this one... your TOTGA is VERY MUCH ALIVE.

Will there still be a future? Is it worth to stay?





Tuesday, July 02, 2024

Appreciation


"Appreciation can make a day, even change a life. Your willingness to put it all into words is all that is necessary."

Normal lang sa atin na lumiliwanag ang mundo natin everytime na naririnig natin ang words na "Salamat", "Thank you", "It's really appreciated". Isa syang magic word na kapag narinig mo ay nagbibigay saya at nawawala kahit anong pagod mo.

Mahilig ako magpasalamat kahit sa simpleng bagay, nag-abot ng sukli, nagpatawid  na sasakyan sa pedestrian lane basta kahit ano.  Although sinasabi na wag magexpect anything in return pero minsan napapaisip din ako na-aapreciate din kaya nila ako?

Naapreciate din kaya ako ng mga parents ko na kahit alam kong pasaway ako hindi ko sila iniiwan? Minsan kahit sinasabi ko na wala na akong sariling buhay o control sa buhay ko, pag iniisip ko na tumatanda na din sila bigla ako nagkakaroon ng guilt feeling na umalis sa bahay or maghanap ng ibang bahay. Naapreciate din kaya nila na sa buong buhaay ko, indi naman ako nagpagastos sa kanila ng malaki? College scholar ako, libre matrikula ko, wala din naman akong major school activities na kelangan gumastos ng malaki, kahit naman nung nagwork, pag utang ay utang binabayaran ko utang ko sa kanila. Siguro kung meron something na gumastos sila yun ay yung nagsampa kami ng demanda laban sa yumao kong asawa (VAWC), maliban don di naman ako nagpabigat sa kanila. 

Naapreciate din kaya ako ng partner ko na kahit reklamador ako at madami akong trust issues pero buo ng suporta ko sa kanya? Mahal ko sya, mahal ko buong family nya, mahal ko family namin pareho. Tinuturing kong anak ang mga anak nya. Lagi ko kinoconsider ang family ng yumao nyang asawa kaya ingat na ingat ako na di makaapak ng anumang emosyon na makakaoffend sa family nila (kahit minsan masakit, at alam kong nasa tamang panahon naman ako nung dumating sa buhay nya).

Naapreciate din kaya ako ng mga anak ko, na kahit  minsan nagigipit ako sa mga pagbubudget, pinaparanas ko sa kanila ang mga bagay na di ko naranasan noong bata pa ako. Tinuturuan ko sila paano maging independent at magsurvive kapag mag isa na sila sa buhay or wala na ako. Kahit bata pa sila hinahayaan ko silang mahasa na magdesisyon sila on their own.

Yun tipong simpleng Thank you anak, Thank you luvs, o Thank you Mom na andyan ako para sa kanila, nakakaliwanag na ang buhay ko. 

Sana nga.....
 
Subscribe in a reader

Wednesday, June 26, 2024

RIP Heart

Many many years ago, at nabanggit ko na dito sa blog na pangarap ko talaga ikasal. Yun lalakad ako habang tumutugtog yun "Only Time" ni Enya. Di naman engarbo pero basta importante makapaglakad ako sa aisle.

Dumating yun time na kinasal ako, kaso sa Civil lang. SM kasi. Pero may plano kami magchurch wedding. Sobrang excited ako, halos linggo linggo nasa Bridal Fair ako, nagpabook ng simbahan, ng reception, ng photographer, naghanap ng designs ng damit, gumawa ng online wedding page.

Pero sa di inaasahang pagkakataon, after ilang months ng kasal + LDR pa kame (oo pagkatapos ng kasal umuwi na agad sya sa province, so technically, hindi kami nagsama), nakabuntis sya. Sad thing, mas pinili nya yun girl. Naghiwalay kami. Walang Church wedding na nangyari. 2015 nabalitaan ko na he died of cardiac arrest. In short nabyuda ako in writing.

Nagkaroon ng relationships pero failed, nagkaroon ng dalawang anak, but technically wala sa kanila akong nakasama. OPO NEVER PO KO NAKIPAGLIVE IN! 

So ako yun, kinasal, nagkaanak, nabalo. PERO di ko pa talaga naranasan how to have someone na makakasama ko. Yun tipong pagising ko sa umaga andon sya. May kasama akong kakwentuhan sa gabi hanggang sa matulog. May kaagapay sa everyday activities. May kasama pag kids activities. May kasama hanggang sa pagtanda. WALA, ako lang po mag isa at mga anak ko.

Dumating yun time na nakatagpo ulit ako ng taong mamahalin. Mabait sya, responsable, yun lahat ng pangarap ko sa isang tao, andon na sa kanya. May 3 anak. Pero di naman din problema sa akin yun. Pag nagsasama kami para kaming isang basketball team. Mula sa 2 lalaking chikiting ay nagkaroon ako ng instant pre-teen na girl, college student at isang pre-school. Never sa akin naging issue yun. Excited pa nga ako dumating yun time na magkakasama kami sa iisang bubong. 

Pero ewan ko ba, ang lalim kasi ng trust issues ko, ang taas ng insecurity ko. Siguro sa trauma na maiiwan ako at ipagpapalit ako sa iba. Yun trauma na iba lagi ang pinipili over me. Nagoverthink ako ng malala. Naging makulit ako, may times na nag nanag ako. Namamagnify yun mga maliliit na bagay. 
In short, nabwisit sya sa akin.

Sabi nya, yes kami pa rin pero wag na ako mag expect ng kasal. Oo mahal ko sya and everything, tanggap ko naman if ganon ang desisyon nya, after all kami pa rin. I dont know PERO, part of me died. Gumuho yun pangarap ko. Na akala ko bago man lang ako mawala sa mundo magagrant yun wish ko para at least mabuo naman ako once and for all. Pero indi eh, kelangan kong tanggapin yun realidad na di lahat ng bagay makukuha ko. Kasama na dun yun pangarap kong makasal someday.

Masakit lang sa dibdib, malungkot....Nakakaiyak. 


Friday, December 15, 2023

Valentine Curse

Taong 2018, pinost ko ito sa facebook....

Bakit ko pinagluluksa ang Valentines's Day?
Taon taon, may nagtatanong sa akin kung bakit ang laki ng galit ko sa Feb 14. Bakit daw napakabitter ko? Bakit daw ako nag iitim? Bakit daw hindi ko na lang ito itrato na ordinaryong araw. Bakit big deal sa akin ang araw na ito.

Marahil nga. Pero konti lang or baka nga wala talagang nakakaalam ng totoong dahilan.

Ang araw na ito ang nagpapaalala sa akin kung gaano kasakit ang magmahal. Ang taong napakatatag at tapang ay nagiging tanga pala pagdating sa pag ibig. Ang taong ni minsan ay di nakatikim ng bulaklak, chokolate o kahit date mula sa sinisinta. 

Siguro nga noong kabataan ko may nagsumpa sa akin na walang taong magmamahal sa akin. Walang taong matututunan akong mahalin. Mananatili akong bigo, walang swerte at walang makakasama hanggang sa pagtanda ko. . Di naman ako saksakan ng ganda pero di rin naman ako pangit. Mataray ako pero mabait naman ako. Siguro nga ang tindi ng galit ng nagsumpa sa akin kaya ganito ang naging kapalaran ko.

Well, isang Valentine's day na naman ang lumipas. Konting oras na lang at malalagpasan ko rin ang kalbaryong ito.





Subscribe in a reader

Thursday, October 12, 2023

Wish ko lang

Gaya ng dati, wish ko makapaglakad sa aisle suot ang puting gow habang tinutugtog ang Only Time ni Enya... 

Pero sa dami ng pinagdaanan ko, mukang hanggang pangarap na lang ito.

Buti na lang may AI. Hanggang dito ko na lang pagmamasdan. Haaay







Subscribe in a reader

Friday, October 05, 2018

Ang Concubinage


Disclaimer: ang mga post sa blog na ito ay opinion ng blogger. Read at your own risk. Huwag sisihin ang blogger kung ikaw ay nakakarelate at feeling mo tinatamaan ka ng mga posts.

Taong 2009.
Katatapos pa lang ng pagsampa ng kaso laban sa aking dating  asawa (SLN). Nabatid ko na hindi totoong lumayo at nakipaghiwalay ang babae, bagkus ay nanirahan na sya kasama ng asawa ko.
Kung tutuusin, may laban ako para kasuhan ulit sya ng Concubinage subalit hindi ko tinuloy dahil sa mga sumusunod na dahilan:
1. Ayokong bigyan ng stress ang kabit dahil buntis sya ng mga panahong iyon
2. Kahit may full rights ako ay ayoko ipagsiksikan ang sarili ko
3. Mabait ako

Nabanghit na rin lang ang Concubinage. Ano nga ba ito?
Ayon sa Mylawyer.Asia:
Any husband who shall keep a mistress in the conjugal dwelling, or shall have sexual intercourse, under scandalous circumstances, with a woman who is not his wife xxx." (Article 334 of the Revised Penal Code)

Sino ang pwedeng kasuhan?
Ang isang lalaking kasal whether matagal na sya hiwalay sa asawa or even legal separated.
Ang kabit na umaastang misis. Na kahit ang pakilala sa mga kapitbahay ay sya ang misis. Kapag pumayag sya na makipag live in despite the fact na alam din nyang legally married pa rin ang lalaki)
Ang dalawa ay pwedeng kasuhan KAPAG:
Sila ay napatunayan na nagsasama sa iisang bubong, maglive-in at umaastang mag asawa

Ang mga legal wife ay iba iba naman ang approach ukol dito. May maiingay na gerera. Yun tipong patayin na ang kabit sa sabunot. Meron namang mababait pero sa oras na umabuso ka biglang ingungudngodnsa mukha mo ang marriage contract.
So kahit nananahimik sandali ang legal wife, huwag pakakampante at umastang mag-asawa na. Kasi minsan ang legal wife biglang sumasabog. At mas nakakatakot yon maguhulat ka na lang may subpoena ka na.

Wednesday, May 04, 2016

One Year

It's been a year but I can still clearly remember when I've heard the news about you. Everything went in a flashback, the joy, the laughter, the tears, the hurt, the pain, the promises, the vows, the love -- all the memories came back. I was deeply in shock. I really wanted to go home and see you one last time, but for some reasons, I decided not to. I chose to weep, and mourn in silence. I'm glad that some of our friends reached out even if I'm far away and gave their best to comfort me.
Now, I'm still thinking of all the memories, memories that let me love unconditionally, memories that made me stronger, value life more and most importantly, taught me how to forgive.
Thank you for visiting in my dreams on those times when I'm down. Thank you for reminding me you are still there.
To the Man I once shared my life with, you'll always be a part of me...I'll treasure you in my life forever....Jess...


Subscribe in a reader

Sunday, March 06, 2016

Si Bestfriend at Ako

Ang naudlot na love story ni Jenna at Carlo. Di ko pa matuloy tuloy hayyyyy! wala pa akong hugot para magsulat ulet. 

Pahingi ng inspirasyon!


#‎siBestfriendatAko‬ ‪#‎wattpadstory‬




Sunday, February 21, 2016

Masochista

One of the common advice pagdating sa lovelife is, pwede ka masaktan, pwede ka umiyak, basta siguraduhin mo lang na di ka iiyak sa parehong pagkakamali kasi katangahan na yun kapag inulit mo, ng dalawang beses, tatlong beses o maraming beses pag medyo di ka pa nauuntog.

Pero minsan tatanungin mo ang sarili mo... nagmahal lang naman ako ah? May hiningi ba akong kapalit? Kasalanan ko ba kung minahal kita? OO, hindi crush, hindi ginusto, kundi mahal kita,.ng sobra.

Pero paano kung lahat ng tao ay kalaban mo sa pagmamahal na yun. Lahat ng tao ay tutol kahil alam mo naman na wala ka naman inaargabyadong ibang tao.

Paano kung yun mismong mahal mo ay syang nagbibigay ng sakit sa iyo...hindi pisikal pero sa paraan emosyonal. Pero kung ihahambing ko sa pisikal parang ganito. Nasuntok ka na, sige ka pa rin, sinipa ka na, sige ka pa rin pero nagsabi ka na awat na, di pa rin sya huminto, Kasi sa palagay nya di ka nya sinasaktan dahil ikaw mismo ang nagpapasuntok sa kanya.

May mga taong masochista pala talaga pagdating sa pag ibig. Pero hanggang saan dapat tiisin ang sakit. Yun tipong said ka na magbigay ng pagmamahal? O yun habang maaga pa eh putulin mo na dahil baka mas matindi pa ang sakit na maramdaman mo pagdating ng panahon.

Sana nga matapos na ito.... itutulog ko na lang....








Subscribe in a reader

Saturday, February 20, 2016

Goodbye

Carrie

When light goes down, I see no reason
For you to cry. We've been through this before
In every time, in every season,
God knows I've tried
So please don't ask for more.

Can't you see it in my eyes
This might be our last goodbye

Carrie, Carrie, things they change my friend
Carrie, Carrie, maybe we'll meet again

I read your mind, with no intentions
Of being unkind, I wish I could explain
It all takes time, a whole lot of patience
If it's a crime, how come I feel no pain.

Subscribe in a reader

Thursday, May 28, 2015

Senti

Minsan akala mo ok ka na, nakakapagtrabaho ka na ng maayos tapos bigla na lang na may mga bagay, tao o pangyayari na magpapaalala sa iyo ng isang tao. Akala mo ok lang na maalala mo pero di mo namamalayan na tumutulo na pala ang luha mo.

Sabi ng iba, bakit daw ako nalulungkot o umiiyak eh matagal nya akong tinanggal sa buhay nya at wala na din daw sya sa buhay ko. Ganon din ang sabi ko sa sarili ko. Pero sadyang kapag ang isang tao ay naging parte na ng buhay mo na minsan ding inalay mo ang buong buo ang buhay mo sa kanya, hindi madali yun. Paminsan minsan ok. Pero mas madalas na kapag mag isa ka na or may nagpapaalala sa iyo na mga bagay bagay o mga kanta, hindi mo mapipigilang malungkot at umiyak. Sabihin na nilang OA ako or feeling lang, pero yun talaga ang mararamdaman ko. Iba kasi ang feeling na alam mo na andyan lang sya kahit may kasama na syang iba sa talagang wala na sya...

Siguro naman hindi na nila ipagkakait sa akin ang malungkot at magdalamhati....

 










Subscribe in a reader


Sunday, May 10, 2015

Everything Happens for a Reason

Kapag nasa gitna ka ng problema, hindi mo maiiwasang magkaroon ng mga katanungan.

Nung time na yon, iniisip ko, bakit ang unfair unfair ng buhay.  Unlike sa ending ng telenobela na ang mga kontrabida ay napaparusahan at ang bida ang nagwawagi, yun totoong buhay parang bakit ang saya saya nila, napakaperpekto ng lahat. Sila itong nang-angkin ng di kanila, pinagmukha akong masama sa mata ng iba pero bakit ako lang ang naghihinagpis...

Pero napag isip isip ko, bakit ako magpapakalugmok sa kalungkutan, choice lang naman yun eh. Kung naging desisyon nilang magpakasaya, kaya ko rin gawin yun, alang alang sa sarili ko. At ganon nga ang ginawa ko.  Uminog ulit ang mundo ko at dumating ang pinakaspecial na biyaya sa buhay ko, ang aking anghel.

Lumipas ang mga taon at nangyari na ang hindi inaasahang mangyari..

Ngayon ko binalikan ang katanungan ko... kung bakit kailangan ko maranasan ang lahat ng yun.  Kailangan kong maranasan ang matinding sakit para yun ang magtulak sa akin na magmove on. At dahil sa pag move on ko binigay sa akin ang aking anghel.  Tinanggal ako sa sitwasyong iyon dahil hindi ako ang nakatakdang dumanas ng napakabigat na sakit na hamak na mas masakit sa pakikipagbreak at niloko ng asawa... Ito ang sakit ng pagpanaw ng kabiyak.

Lahat ng nangyayari sa buhay ay may dahilan.  Kadalasan ay di natin matanggap at maintindihan kung bakit ito nangyayari lalo na kung ito ay labag sa ating kagustuhan at kapag tayo ay nasasaktan. Ngunit sa takdang panahon, kusang dumarating ang kasagutan kung bakit nangyayari ang mga bagay na yun. Para pala ihanda tayo sa mas magandang kapalaran..




Subscribe in a reader

Friday, May 08, 2015

Paalam

Anim na taon ng huli kitang nakita... Sa loob ng anim na taon, sobrang dami na nang nangyari at nagbago. Kapwa tayong naging masaya sa magkahiwalay nating mundo...akala ko tuloy tuloy na.

Kamakailan lang, nabalitaan ko ang nangyari, at hindi ako makapaniwala...

Alam ko sa ngayon di mo na mababasa ang sinusulat ko pero ganon pa man, gusto ko sanang magpasalamat sa napakaraming bagay...

Salamat kung hindi dahil sa iyo, narealize kong hindi pala mabuti ang magbuhos ng buong pagmamahal sa iba, bagkos ay magbigay din ng pagmamahal sa sarili, dahil yun ang nagsilbing gabay ko sa pagbangon.

Salamat dahil hindi ko malalaman kung gaano ako katatag malagpasan ang mga malalaking pagsubok sa buhay ko.

At higit sa lahat, salamat dahil natutunan kong intindihin ang lahat...ang magpatawad..

Kaya siguro lahat ng flashback ko sa iyo ay puro lang masasaya kasi nabura na ang lahat ng masasakit at malulungkot na nangyari. Hayaan mo, aalagaan ko ang mga alaalang ito at ichecherish habang buhay.

Maraming maraming salamat sa lahat... Paalam Jess...







Sunday, March 29, 2015

Buhay abroad

Subscribe in a reader


Kelan kaya ang pressure at bigat ng trabaho ay magiging directly proportional sa sahod?



#kayodblues #missminchin #angtrabahodumadami #angsweldohindi #burnout

Saturday, February 21, 2015

Incomparable

Naisip ko tuloy ano nga naman ang panama ng aratiles sa raspberry?? 

#bitterocampo
#hopia
#dedma
#blocked
#wagpilitinangayaw

Wednesday, July 30, 2014

Bente

Noong una, hindi ko maintindihan kung bakit paulit ulit kong napapanaginipan ang mga dating kong kaklase, ang mga dati kong guro, ang mga tagpo sa eskwelahan. Hindi ko lubos maisip kung ano ang gustong ipahiwatig nito. Minabuti ko na lang na kalimutan at wag na masyadong isipin baka kasi isa lamang ito sa mga random dreams ko.

Isang araw nakita ko yun mga litrato ng mga dati kong kaklase, naiisip ko, nakakatuwa naman, 20 taon na pala ang nakalipas pero buo pa rin ang samahan...

20 taon... benteng taon.... bente.... Teka anong petsa na ba ..? July. . July...hmmm  July..30...ano bang meron sa araw na to???. ... Tama!! At biglang pumasok sa isip ko ang di inaasahang pangyayari...

Sa loob ng mahabang panahon, noon ko lang ulit naalala ang isang pangyayaring nakakatuwa, nakakakilig na parang pangpocketbook lang ang dating.

Ang Best Friend ...

Ang Educational Tour ...

Ang sikreto ...

Ang sumbatan...

Ang rebelasyon...

Ngayon ko narealize na may pinapahiwatig pala ang paulit ulit kong panaginip. Pinapaalala lang sa akin na may mga bagay na kahit hindi na maibabalik ay hindi dapat kinakalimutan lalo na kung nagdulot ito ng kasiyahan at pagmamahal. Mga alaalang pwedeng panatilihin habambuhay





Subscribe in a reader

Thursday, July 11, 2013

Ang Pagbabalik ni Jollyjip

Huwebes na naman at nag-iisip ako ng pwedeng ilagay sa throwback.  Bigla kong naisipan ang Non-stop.  Sa pagkakaalala ko, may mga litrato ako ng Non-stop dito sa blog, kaya hindi ako nagdalawang isip na puntahan ang site na ito. Sa paghahanap nung Non-Stop article, hindi ko naiwasang magbrowse ng iba sa mga post ko. Pansin ko lang, yun mga huli ay yuon ang mga panahong sobrang paghihimutok ko. Hehehe.

Halos 3 taon na rin pala ang lumipas, at marami na ang nangyari. At sa sobrang dami ng nangyari hindi ko na kayang isa isahin pa.  May masaya, may malungkot, may nakakainis...

Pero ano kaya kung buhayin ko ulit ito? Uso pa ba ang pagsusulat ng blog? Well, pwede naman akong magpost ng status sa Facebook pero hindi naman pwede ang sobrang haba di ba... May magbabasa pa rin ba nito gaya ng dati? May makabuluhan pa rin ba akong pwedeng maisulat gaya ng sa iba? Sabagay.. wala naman talagang fixed na konsepto ang blog ko, kahit ano pwede kong ilagay.

Senyales na ba talaga ito ng pagbabalik ni Jollyjip? Well tingnan natin :)

Subscribe Now: Feed Icon