Monday, August 01, 2005

Stage GF

Hay naku... ang hirap pala ng feeling pag special sa iyo yung taong nagpeperform sa stage...

A month ago, binalita ng bf ko na sumali sya sa isang acting workshop, sabi ko naman ok lang tutal acting workshop lang naman.. at least makakatulong pa yun sa kanya tapos biniro ko pa sya na after nya ng workshop pwede na syang mag audition sa talent center ng abs cbn...

Later on, I found out na hindi pala simpleng acting workshop ang sinalihan nya... Isa pala itong local star search... susme... para palang SCQ o kaya Starstruck! Ang masama pa, every week, magkakaroon sila ng presentation.

Natakot ako.. sobrang exposure ito for him... worst is... paano pag nakita sya ng family ko... paano kung me loveteams, paano kung maraming magkagusto sa kanya, paano kung di lang girls pati bading... (teka teka, bat ko naman inisip yon e hamak naman na me star quality pa ako sa kanila.. hmmp!)

On the brighter side.. inisip ko naman... baka makatulong rin kaya ang maging exposed. Kaya kahit gusto ko man sabihin na magback out na sya... binigay ko na lang ang utmost support sa kanya.

Dumating ang friday, sinamahan ko sya sa rehearsal.. naku habang nakaupo kami sa malayo.. halos maputol na ang leeg ng mga kasama nya sa kasisilip... siguro nagulat sila na me kasamang girl ang honey ko. Pero di naman ako nagtagal kasi me appointment din ako.

Araw ng sabado... 5 mins before 3, pumunta na ako dun sa pagdarausan ng presentation... di alam ng honey ko.. kinontact ko yun 2 friends for reinforcements.. kaso malas, malelate pa yata kaya ako muna mag isa ang nanood. Di ko maintindihan ang feeling ko.. Sobrang nerbyos.. pareho ng feeling ko everytime na kakanta ako or sasayaw sa harap ng stage...feeling ko nga ako na ang magpeperform... Hindi na ako mapakali sa inuupuan ko... eksaktong 3pm... dumating si Jay.. hay salamat... maya maya.. nag umpisa na yung show... nung production number na... kinabahan na naman ako... tapos, nakita ko na yun honey ko... Abah! project ang lolo.. feel na feel ang pagsasayaw nya ng chocolate. After the production number medyo nakahinga na ako ng maluwag. Maya maya dumating na si Ambhie... hay salamat.. kumpleto na kami...Dumating na yung oras ng acting... bale... bubunot sila ng scene na ipoportray nila... May bading, may priest, may manager at me tatay... E kaso dahil ika number six sya sa lalaki, last syang magpeperform. Pagkatapos magperform ng mga kasama nya.. abah.. kelangan palang magcritic ng jurors (mala SCQ ang drama).. me mga nasabihan na wala namang K dahil sa kachakahan... may mga pacute, me sinabihang naging statue lang during performance... lalo tuloy akong kinabahan...ano kaya ang sasabihin nila sa honey ko.. ok lang na ako ang mang-okray pero ayokong me mang-okray sa honey ko...baka hindi ako makapagpigil at sabunutan ko ang mga yon. Dumating na ang oras ng performance nya... hawak hawak ko ang kamay ni Ambhie habang papalabas sya ng stage... pareho na pala kami pigil hininga that time (parang yun nafeel ko sa War of the Worlds habang hinuhunting si Tom Cruise at Dakota Fanning ng aliens).. Maganda naman ang nabunot nya, yung priest... maganda din yun comments sa kanya ng juror... at nakahinga kami ng maluwag sabay palakpak.

After the show.. hinintay na namin ang honey ko... magdidinner pa sana sya kasama nung iba pang talents pero pinili nya na sumama sa amin. Natatawa ako kasi super okray talaga kami sa production... pero masaya pa rin ang naging kwentuhan namin after.

Next week... performance uli... kakabahan na naman ang lola mo sa mga mangyayari... sana mapili sya sa finals...

Hayy.. ang hirap maging stage GF.

Monday, July 25, 2005

Ang SONA ni Gloria

Last Monday, nagfile ako ng leave for 2 days, una dahil me activity kami sa religion at pangalawa, nakiusap yun boss ko na magdrop by ako sa office (teka.. di ba dapat me allowance ako dahil considered ito na business trip? Anyway dahil mabait ako.. personal expense na lang.. cost cutting eh).

Sabado ng hapon, nabalitaan ko na nagdeclare ng Non worning holiday sa Metro Manila si Glora para sa kanyang State of the Nation Address (SONA)... bakit kaya...hmmm.. Teka teka... kung holiday sa Lunes.. e di walang pasok sa opisina.. kung walang pasok sa opisina, wala ang boss ko.. kung wala ang boss ko, e di purnada ang lakad ko... Hanep talaga!!!

Balik tayo sa dahilan ng pagdeclare ng non working holiday... di kaya dahil.. ayaw nyang maunahan ng mga estudyante at mga government employees sa pagbackout sa kanilang schools at offices? Pwede rin... sa kabilang banda... nagkaroon tuloy ng time para sumali sa rally..

Ano na naman kaya ang magiging tapic ni Gloria sa SONA nya? Bangkang papel,... kastilyong buhangin? Kastilyong buhangin yata... Sobrang laking plano na nauuwi sa lahat ... isang plano na ginuguho ng korupsyon, ng mga buwaya at trapong pulitiko, ...ng bulok na sistema... Isang kastilyo na ang nagtayo ay isang taong walang kasing tuso na pinaikot ang ulo ng mamamayang Pilipino...

Masyado yata akong nagiging radikal ngayon ah... hehehe.. Paglabas namin ng kapatid ko sa main campus.. nakita ko na nagsimula ng magmartsa ang mga raliyista palabas... nakakaenganyong sumama.. kaso daladala ko na kasi ang bagahe ko.. kaya heto... nagsusulat na lang ng hinaing sa blog ko... kung anuman ang isisigaw ko sa rally eh pwede ko rin naman isigaw sa blog ko...

GLORIA RESIGN!!

Thursday, July 14, 2005

Awrrrkkk!!!!

May mga bagay na sa kapipilit nating maging atin ay lalo itong nawawala. Wala itong pinagkaiba sa buhangin na kapag hinigpitan mo ang pagkakahawak, maguunahan ang mga butil nito na humulagpos sa pagitan ng iyong mga daliri.

Ganyan din ang love...

Sa sobrang pagmamahal mo sa tao, halos araw araw gusto mo syang makausap. Oras oras ang text... Asan ka na? Kumain ka na ba? Sino kasama mo? Nakauwi ka na ba? etc, etc, etc. Hindi pa nakuntento sa text... at tatawagan pa.. pag hindi sinagot.. magtetext ulit.. Bakit di mo sinasagot ang call ko? With matching exclamation points na pagkarami rami...

Teka muna, sigurado ka bang love yan? O baka naman pagbabantay na yan... or insecurity?

Ano kaya ang reaction ng GF/BF mo sa tuwing nakakareceive ng text galing sa iyo? Hindi ba sya nakakaramdam ng nerbyos? Pagkairita? Di kaya Nanay/Tatay na ang tingin niya sa iyo sa sobrang pagbabantay?... Pag isipan mong mabuti... Di kaya kailangan mong bigyan ng space ang mahal mo? Baka magising ka isang araw at mamalayan mo na lang na wala na sya sa tabi mo...

Sana naaply ko rin yan....

Subscribe Now: Feed Icon