Tuesday, February 20, 2007

Affair KRISis

Hindi ako fan ni Kris Aquino pero 1st time kong nakisimpatya sa kanya nung narinig ko ang balitang nagkakamalabuan na silang dalawa ni James Yap. Di ko napanood yun interview sa kanya sa The Buzz kaya sa Journal online ko na lang ito nabasa:

ILANG araw na naming naririnig ang tungkol sa diumano’y tampuhan nina Kris Aquino at ng asawa nitong si James Yap.

Ayon sa bulung-bulungan, isang babae ang dahilan ng gusot sa kanilang relasyon. Ang girl daw na ito ay nagtatrabaho kay Vicki Belo. Ito raw ‘yung girl na madalas mag-service noon kay James tuwing mag-papa-facial siya sa clinic ni Belo.

Kung hindi kami nagkakamali, Hope ang sinasabing pangalan ng girl. May balita ring si Belo ang nagreto kay Hope kay James kaya nagtatampo rin kay Vicki si Kris. Pero, ayon naman sa iba, matagal na ang isyung ito. Hindi pa raw mag-on sina James at Kris noon nang magkaroon ng ‘affair’ si Mr. Yap kay Hope.

Oh, well.

Pero, how true na matagal na ang isyung ito? Ang naging problema lang daw talaga, eh, hindi naging open si James about this kay Kris kaya nang may mga naglabasang balita, hindi alam ni Kris kung ano ang magiging reaksyon niya.

Kunsabagay,who would know na mauungkat pa ang tungkol dito, ‘di ba? Kasal na si James at kung ano man ang nangyari sa nakaraan niya, siguradong kinalimutan niya na rin.

Sa kasalukuyan, wala pang nagiging pahayag si Kris about this issue. Ang alam lang namin, hate na hate niyang nakikita sa TV ang commercial ng Hope cigarette.


Para sa akin, napacomplicated ng lovelife ni Kris, mula sa kanyang mga BFs, ni Ipe, hanggang sa kontrobersiya nya with Joey Marquez. Syempre gusto naman din nyang magkaroon ng peaceful at magandang lovelife. Kaya nung nameet nya si James Yap, though malaki ang agwat ng edad nila, pinili nya na magpakasal dito.

Subalit, masyado ring maaga ang naging desisyon nilang magpakasal, 6 mos after na naging sila? Bakit kaya? Sya ba ay naghahabol? or ayaw nyang mawala sa kanya ang pamosong basketbolista?

Anyway.. ngayong lumabas na ang balita tungkol sa hidwaan ng mag asawa, masyado akong naging affected dahil sa mga sumusunod na dahilan:

Una, ayon sa balita, mas naunang naging nakarelasyon ni James si Hope. Samakatuwid, kahit na nagpakasal na si Kris at James ay patuloy pa rin nagkikita ang dalawa. Naalala ko tuloy si Monique sa Princess Hours na kahit mag asawa na si Gian at Janelle, di pa rin sinusuko ni Monique ang pag ibig nila ni Gian.

Pangalawa, lumalabas na sugar mommy si Kris. Obviously, mas malaki ang kinikita ni Kris, at dahil mahal ni Kris ang lalaki, lahat ng gustuhin nito ay maibibigay ni Kris.

Pangatlo, mas bata si James kesa kay Kris. Natural paminsan minsan, maging isip bata si James... Hello, 23 pa lang kaya yun. Sabi nga eh si James daw ay A boy trapped in a man's body. at syampre since na mas matured si Kris, mas kelangan syang maging mapag pasensya at intindihin na lang ang sitwasyon ng asawa. At sa nangyayaring yon, mas pipiliin nyang palagpasin na lang ang nangyari kesa maghiwalay pa sila.

Kung ako ang nasa katayuan ni Kris? Siguro ganon din ang gagawin ko.

Kaya nga ayoko rin nakikita yun commercial na skyflakes at Kumukulo ang dugo ko kay Vanessa del Bianco!!!

Monday, February 19, 2007

Taga Lipa Are!

Byernes ng hapon – katatapos ko pa lang gumawa ng pricing sa isa kong project ng naisipan kong mag internet. Nagulat ako nung nakita ko yun title ng internet explorer ko. "Google - Taga Lipa Are!"... abah abah abah? Bago na naman style? Gawa kaya ni Jessie to para sa Ntrak namin? So sinubukan kong idefault ang site ng IE ko sa blank page at nagrefresh.. ngek andon pa din... abah.. sino kaya gumawa nito, galing naman, alam nya kung taga Saan ako? Pero imposible kasi mas nakatira naman ako sa bicol kaya dapat Taga Bicol Ini ang nakalagay hehehe...

Gaya ng nakaugalian, punta na naman ako sa google para isearch ang text na Taga Lipa Are!... at me lumabas naman na result... Don ko natuklasan na virus pala ito... Anak ng... pano na to... bat hindi nadetect ng ativirus? Patay, mapapagalitan ako ng Systems nito!!!! Saang site ko ba ito nakuha? Tinanong ko yun mga ibang kaopisina ko kung meron din sila... naku wala.. patay talaga ako nito...

Buti na lang, yun gumawa ng virus ay nagmagandang loob na sabihin kung paano matatangal ang virus na pinakalat nya.. Share ko na din sa inyo:

"Hello im Dragantra creator of TAGA LIPA ARE! virus...Its a virus but it
gives no harm to your computer. anyway...to delete the virus you need to disable
the "Hide Protected Operating System Files" in your Windows Explorer folder
options (TOOLS > FOLDER OPTIONS > VIEW). Search the file name
FS6519.dll.vbs (THE VIRUS) in your hard drive or just to make sure in your My
Computer then delete the file. Note: On searching make sure you activated
"Search Hidden Files and Folders" on more advance options. If one of
"FS6519.dll.vbs" failed to delete run the Task Manager by holding
CTRL+ALT+DELETE then on the process area find "WSCRIPT" then end this process,
you can now delete the file "FS6519.dll.vbs" and "Autorun.inf" contaning text
(shellexecute=wscript.exe FS6519.dll.vbs). Then to get rid of the word "TAGA
LIPA ARE!" on your internet Explorer go to your windows registry (START > RUN
- then type regedit)Search the word "TAGA LIPA ARE!" and "FS6519" in the
following registry location

"HKEY_LOCAL_MACHINE\SOFTWARE\MICROSOT\WINDOWS\
CURRENTVERSION\RUN\FS6519.dll.vbs"

"HKEY_CURRENT_USER\SOFTWARE\MICROSOFT\
INTERNET EXPLORER\MAIN\WindowTitle"

right click and delete, never try to rename the window title just delete
it.. Your done.!


Actually, me dalawang bagay syang ginawa sa PC mo, una ang default open sa autorun.inf ng root C other drives mo ay lalagyan nya ng Script na FS6519.dll.vbs (di ko alam kung para saan ito) pero ang purpose nito ay para pagclick mo ng root drive mo, pupunta sa autoplay mode at instant iloload nya ang script na FS6519. Sinubukang kong gawin ang mga steps sa taas pero nagtaka ako dahil kapag nagclick ako sa root drive ay hinahanap nya ang script. at kapag nagright click ka, mapapansin mo na Autoplay ang unang command sa list mo. Para mawala yon. nisearch ko ang autorun.inf ng root drives ko. Delete at restart ng PC. Presto! Nawala ang sakit ng ulo ko...

Pangalawa lang po ang pagkakaroon ng title na "Taga Lipa are!"...

In case po na ma encounter nyo ang virus na ito, sana ay may maitulong ang sinulat ko :)

Wednesday, February 14, 2007

Grrrr

Bad trip talaga itong araw na to. bad trip!!!

Subscribe Now: Feed Icon