Thursday, March 01, 2007

Little Drummer Guh

Last saturday, pumunta kami ng brother ko sa Mall of Asia. Syempre di na nawala ang dropby sa Timezone. Nagtry sya magplay nung drumset don, tapos pinatry din nya ako. Nung una, walang kwenta yun paglalaro ko kasi wala talaga sa rhythm failed dun sa game hehehe. Katwiran ko eh di ko naririnig yun song kasi katabi lang nung machine yun para naman sa guitar. Kaya lumipat kami nung brother ko dun sa isa pang machine. Wala yun katabing ibang machine kaya wala na ako rason hehehe... Habang tumatagal nagugustuhan ko na yun paglalaro. Naubos yun 100 na niload sa card kaya humirit pa ako ng another 100. Abah, masaya pala, lalo kapag nakukuha mo na yun beat ng song heheh. Kaso, huminto na ako kasi yun babae sa likod ko nakadikit na sa akin kahihintay, kaya huminto na kami, sabi ko sa kapatid ko sa susunod na araw na lang...

Nung Tuesday, pumunta naman kami sa Timezone - Glorietta 4. Nagbasakali na makakapaglaro kamo doon. Kaso, abah eh tambayan pala yun ng mga magagaling. Di lang isang grupo yun, madami pa. As if pag aari nila yun machine kasi nagtry ng isang beses yun kapatid ko, abah di pa nga tapos, niswipe na nung isang guy yun card na. Ibig sabihin, pagkatapos ng song, kelangan na umalis ng brother ko. abah nung sila na, wala na... kanila na yung machine.. Naawa ako sa kapatid ko kasi naghintay sya ng 1 hour indi pa rin natapos, yun grupo na yun nagpapalitan... hay... di bale babalik na lang kami sa Mall of Asia hehhehe...at least doon walang umaangkin nung machine...

Nakakaadik din pala mag aral ng drums, sana matuto talaga ako...

Sa ngayon, heto na lang muna pinaglalaruan ko...

Online Drum Set Play the drums with your keyboard or mouse.

Wednesday, February 28, 2007

Wooooorrrrmmmmsssss!!!!!!!!!!!

Try ko sana magcheck ng yahoomail ko ngayon, kaso bad trip, pag login ko, si symantec me nadetect na naman na worm. Una failed to quarantine pero nadelete naman yun file. Pangalawang attempt ko, failed na, naku patay na naman.. Pagcheck ko sa threat history, w32.feebs pala yun worm. Heto konting details:


Discovered: January 7, 2006
Updated: February 13, 2007 12:50:53 PM
Type: Worm
Systems Affected: Windows 2000, Windows 95, Windows 98, Windows Me, Windows NT, Windows Server 2003, Windows XP


W32.Feebs is a detection for a family of mass-mailing worm that also spreads through file-sharing networks and lowers security settings on the compromised computer.
The worm may also send confidential information to a remote attacker via FTP.

The worm arrives as an email attachment with an .HTA extension.



OT: katapusan na ng pebrero ngayon... hay naku marso na... start na ng summer...

Tuesday, February 20, 2007

Affair KRISis

Hindi ako fan ni Kris Aquino pero 1st time kong nakisimpatya sa kanya nung narinig ko ang balitang nagkakamalabuan na silang dalawa ni James Yap. Di ko napanood yun interview sa kanya sa The Buzz kaya sa Journal online ko na lang ito nabasa:

ILANG araw na naming naririnig ang tungkol sa diumano’y tampuhan nina Kris Aquino at ng asawa nitong si James Yap.

Ayon sa bulung-bulungan, isang babae ang dahilan ng gusot sa kanilang relasyon. Ang girl daw na ito ay nagtatrabaho kay Vicki Belo. Ito raw ‘yung girl na madalas mag-service noon kay James tuwing mag-papa-facial siya sa clinic ni Belo.

Kung hindi kami nagkakamali, Hope ang sinasabing pangalan ng girl. May balita ring si Belo ang nagreto kay Hope kay James kaya nagtatampo rin kay Vicki si Kris. Pero, ayon naman sa iba, matagal na ang isyung ito. Hindi pa raw mag-on sina James at Kris noon nang magkaroon ng ‘affair’ si Mr. Yap kay Hope.

Oh, well.

Pero, how true na matagal na ang isyung ito? Ang naging problema lang daw talaga, eh, hindi naging open si James about this kay Kris kaya nang may mga naglabasang balita, hindi alam ni Kris kung ano ang magiging reaksyon niya.

Kunsabagay,who would know na mauungkat pa ang tungkol dito, ‘di ba? Kasal na si James at kung ano man ang nangyari sa nakaraan niya, siguradong kinalimutan niya na rin.

Sa kasalukuyan, wala pang nagiging pahayag si Kris about this issue. Ang alam lang namin, hate na hate niyang nakikita sa TV ang commercial ng Hope cigarette.


Para sa akin, napacomplicated ng lovelife ni Kris, mula sa kanyang mga BFs, ni Ipe, hanggang sa kontrobersiya nya with Joey Marquez. Syempre gusto naman din nyang magkaroon ng peaceful at magandang lovelife. Kaya nung nameet nya si James Yap, though malaki ang agwat ng edad nila, pinili nya na magpakasal dito.

Subalit, masyado ring maaga ang naging desisyon nilang magpakasal, 6 mos after na naging sila? Bakit kaya? Sya ba ay naghahabol? or ayaw nyang mawala sa kanya ang pamosong basketbolista?

Anyway.. ngayong lumabas na ang balita tungkol sa hidwaan ng mag asawa, masyado akong naging affected dahil sa mga sumusunod na dahilan:

Una, ayon sa balita, mas naunang naging nakarelasyon ni James si Hope. Samakatuwid, kahit na nagpakasal na si Kris at James ay patuloy pa rin nagkikita ang dalawa. Naalala ko tuloy si Monique sa Princess Hours na kahit mag asawa na si Gian at Janelle, di pa rin sinusuko ni Monique ang pag ibig nila ni Gian.

Pangalawa, lumalabas na sugar mommy si Kris. Obviously, mas malaki ang kinikita ni Kris, at dahil mahal ni Kris ang lalaki, lahat ng gustuhin nito ay maibibigay ni Kris.

Pangatlo, mas bata si James kesa kay Kris. Natural paminsan minsan, maging isip bata si James... Hello, 23 pa lang kaya yun. Sabi nga eh si James daw ay A boy trapped in a man's body. at syampre since na mas matured si Kris, mas kelangan syang maging mapag pasensya at intindihin na lang ang sitwasyon ng asawa. At sa nangyayaring yon, mas pipiliin nyang palagpasin na lang ang nangyari kesa maghiwalay pa sila.

Kung ako ang nasa katayuan ni Kris? Siguro ganon din ang gagawin ko.

Kaya nga ayoko rin nakikita yun commercial na skyflakes at Kumukulo ang dugo ko kay Vanessa del Bianco!!!

Subscribe Now: Feed Icon