Thursday, March 15, 2007

Group yourselves into.....!!!!

The boat is sinking....
Group yourselves into 3!!!!!!!!



Nagkaroon ng reorg sa department namin kamakailan, actually noon pa Sept. 2006 inannounce yun, pero sa dami kasi ng maapektuhan, umabot ng 6 na buwan bago nalagay sa position ang mga kinauukulan...

Nun una, hesitant talaga kami sa reorg na mangyayari,bakit kanyo, eh ka rereorg pa lang kasi 2 years ago. Yan nga ang dahilan kung bakit nalipat ako dito sa menila eh...Pinagsama sama ang ibat ibang departamento, nilagay sa isang grupo ayon sa skills (skills nga ba?) Sobrang adjustment ang nangyari pero lumaon nasanay na rin sa setup... Siguro indi masyado nagwork out yun sistema kaya nagkaron ulit ng bagong reorg...

Actually di sya bago kasi parang binalik lang ang dating sistema, magkakasama ang IT, magkakasama ang implementation at magkakasama din ang analysis... Oo nga ano, yun dati lang... kaso sa loob ng isang grupo ay may minigroups pang tinatawag, kaya kung dati sa grupo namin ay anim kami, nagkawatak watak kami at napunta sa ibang grupo. Bawat grupo ay may 3 members at every 6 months daw ay magrereshuffle ng grupo. Kaya kung pamilyar ka sa larong, "The boat is sinking..", parang ganon ang nangyari sa amin...

Maging maganda kaya ang resulta ng reorg na ito, sana naman oo.. dahil baka after 2 years e me bago na namang reorg na mangyayari..(kung abutin ko pa eto heheh) kawawa naman ang mga tao, hilong hilo na sa mga nangyayari...

Wednesday, March 07, 2007

Millenium RA Gapuz Review

MILLENIUM RA GAPUZ DARAGA BRANCH LOCAL NURSING REVIEW SCHEDULE:

April 16 - June 2, 2007
Monday to Friday, 9 am - 5 pm

Address: 3rd Floor JRE Building, Rizal St., Ilawod, Daraga, Albay (in front of Daraga Park)

For more information, call:

Mobile: (0906)309-9094
(0918)365-9538

Landline: (052)483-5633


Enrollment is now going on.

Thursday, March 01, 2007

Little Drummer Guh

Last saturday, pumunta kami ng brother ko sa Mall of Asia. Syempre di na nawala ang dropby sa Timezone. Nagtry sya magplay nung drumset don, tapos pinatry din nya ako. Nung una, walang kwenta yun paglalaro ko kasi wala talaga sa rhythm failed dun sa game hehehe. Katwiran ko eh di ko naririnig yun song kasi katabi lang nung machine yun para naman sa guitar. Kaya lumipat kami nung brother ko dun sa isa pang machine. Wala yun katabing ibang machine kaya wala na ako rason hehehe... Habang tumatagal nagugustuhan ko na yun paglalaro. Naubos yun 100 na niload sa card kaya humirit pa ako ng another 100. Abah, masaya pala, lalo kapag nakukuha mo na yun beat ng song heheh. Kaso, huminto na ako kasi yun babae sa likod ko nakadikit na sa akin kahihintay, kaya huminto na kami, sabi ko sa kapatid ko sa susunod na araw na lang...

Nung Tuesday, pumunta naman kami sa Timezone - Glorietta 4. Nagbasakali na makakapaglaro kamo doon. Kaso, abah eh tambayan pala yun ng mga magagaling. Di lang isang grupo yun, madami pa. As if pag aari nila yun machine kasi nagtry ng isang beses yun kapatid ko, abah di pa nga tapos, niswipe na nung isang guy yun card na. Ibig sabihin, pagkatapos ng song, kelangan na umalis ng brother ko. abah nung sila na, wala na... kanila na yung machine.. Naawa ako sa kapatid ko kasi naghintay sya ng 1 hour indi pa rin natapos, yun grupo na yun nagpapalitan... hay... di bale babalik na lang kami sa Mall of Asia hehhehe...at least doon walang umaangkin nung machine...

Nakakaadik din pala mag aral ng drums, sana matuto talaga ako...

Sa ngayon, heto na lang muna pinaglalaruan ko...

Online Drum Set Play the drums with your keyboard or mouse.

Subscribe Now: Feed Icon