Friday, May 08, 2015

Paalam

Anim na taon ng huli kitang nakita... Sa loob ng anim na taon, sobrang dami na nang nangyari at nagbago. Kapwa tayong naging masaya sa magkahiwalay nating mundo...akala ko tuloy tuloy na.

Kamakailan lang, nabalitaan ko ang nangyari, at hindi ako makapaniwala...

Alam ko sa ngayon di mo na mababasa ang sinusulat ko pero ganon pa man, gusto ko sanang magpasalamat sa napakaraming bagay...

Salamat kung hindi dahil sa iyo, narealize kong hindi pala mabuti ang magbuhos ng buong pagmamahal sa iba, bagkos ay magbigay din ng pagmamahal sa sarili, dahil yun ang nagsilbing gabay ko sa pagbangon.

Salamat dahil hindi ko malalaman kung gaano ako katatag malagpasan ang mga malalaking pagsubok sa buhay ko.

At higit sa lahat, salamat dahil natutunan kong intindihin ang lahat...ang magpatawad..

Kaya siguro lahat ng flashback ko sa iyo ay puro lang masasaya kasi nabura na ang lahat ng masasakit at malulungkot na nangyari. Hayaan mo, aalagaan ko ang mga alaalang ito at ichecherish habang buhay.

Maraming maraming salamat sa lahat... Paalam Jess...







Sunday, March 29, 2015

Buhay abroad

Subscribe in a reader


Kelan kaya ang pressure at bigat ng trabaho ay magiging directly proportional sa sahod?



#kayodblues #missminchin #angtrabahodumadami #angsweldohindi #burnout

Saturday, February 21, 2015

Incomparable

Naisip ko tuloy ano nga naman ang panama ng aratiles sa raspberry?? 

#bitterocampo
#hopia
#dedma
#blocked
#wagpilitinangayaw

Subscribe Now: Feed Icon