One of the common advice pagdating sa lovelife is, pwede ka masaktan, pwede ka umiyak, basta siguraduhin mo lang na di ka iiyak sa parehong pagkakamali kasi katangahan na yun kapag inulit mo, ng dalawang beses, tatlong beses o maraming beses pag medyo di ka pa nauuntog.
Pero minsan tatanungin mo ang sarili mo... nagmahal lang naman ako ah? May hiningi ba akong kapalit? Kasalanan ko ba kung minahal kita? OO, hindi crush, hindi ginusto, kundi mahal kita,.ng sobra.
Pero paano kung lahat ng tao ay kalaban mo sa pagmamahal na yun. Lahat ng tao ay tutol kahil alam mo naman na wala ka naman inaargabyadong ibang tao.
Paano kung yun mismong mahal mo ay syang nagbibigay ng sakit sa iyo...hindi pisikal pero sa paraan emosyonal. Pero kung ihahambing ko sa pisikal parang ganito. Nasuntok ka na, sige ka pa rin, sinipa ka na, sige ka pa rin pero nagsabi ka na awat na, di pa rin sya huminto, Kasi sa palagay nya di ka nya sinasaktan dahil ikaw mismo ang nagpapasuntok sa kanya.
May mga taong masochista pala talaga pagdating sa pag ibig. Pero hanggang saan dapat tiisin ang sakit. Yun tipong said ka na magbigay ng pagmamahal? O yun habang maaga pa eh putulin mo na dahil baka mas matindi pa ang sakit na maramdaman mo pagdating ng panahon.
Sana nga matapos na ito.... itutulog ko na lang....
Subscribe in a reader