Friday, December 15, 2023

Valentine Curse

Taong 2018, pinost ko ito sa facebook....

Bakit ko pinagluluksa ang Valentines's Day?
Taon taon, may nagtatanong sa akin kung bakit ang laki ng galit ko sa Feb 14. Bakit daw napakabitter ko? Bakit daw ako nag iitim? Bakit daw hindi ko na lang ito itrato na ordinaryong araw. Bakit big deal sa akin ang araw na ito.

Marahil nga. Pero konti lang or baka nga wala talagang nakakaalam ng totoong dahilan.

Ang araw na ito ang nagpapaalala sa akin kung gaano kasakit ang magmahal. Ang taong napakatatag at tapang ay nagiging tanga pala pagdating sa pag ibig. Ang taong ni minsan ay di nakatikim ng bulaklak, chokolate o kahit date mula sa sinisinta. 

Siguro nga noong kabataan ko may nagsumpa sa akin na walang taong magmamahal sa akin. Walang taong matututunan akong mahalin. Mananatili akong bigo, walang swerte at walang makakasama hanggang sa pagtanda ko. . Di naman ako saksakan ng ganda pero di rin naman ako pangit. Mataray ako pero mabait naman ako. Siguro nga ang tindi ng galit ng nagsumpa sa akin kaya ganito ang naging kapalaran ko.

Well, isang Valentine's day na naman ang lumipas. Konting oras na lang at malalagpasan ko rin ang kalbaryong ito.





Subscribe in a reader

Thursday, October 12, 2023

Wish ko lang

Gaya ng dati, wish ko makapaglakad sa aisle suot ang puting gow habang tinutugtog ang Only Time ni Enya... 

Pero sa dami ng pinagdaanan ko, mukang hanggang pangarap na lang ito.

Buti na lang may AI. Hanggang dito ko na lang pagmamasdan. Haaay







Subscribe in a reader

Friday, October 05, 2018

Ang Concubinage


Disclaimer: ang mga post sa blog na ito ay opinion ng blogger. Read at your own risk. Huwag sisihin ang blogger kung ikaw ay nakakarelate at feeling mo tinatamaan ka ng mga posts.

Taong 2009.
Katatapos pa lang ng pagsampa ng kaso laban sa aking dating  asawa (SLN). Nabatid ko na hindi totoong lumayo at nakipaghiwalay ang babae, bagkus ay nanirahan na sya kasama ng asawa ko.
Kung tutuusin, may laban ako para kasuhan ulit sya ng Concubinage subalit hindi ko tinuloy dahil sa mga sumusunod na dahilan:
1. Ayokong bigyan ng stress ang kabit dahil buntis sya ng mga panahong iyon
2. Kahit may full rights ako ay ayoko ipagsiksikan ang sarili ko
3. Mabait ako

Nabanghit na rin lang ang Concubinage. Ano nga ba ito?
Ayon sa Mylawyer.Asia:
Any husband who shall keep a mistress in the conjugal dwelling, or shall have sexual intercourse, under scandalous circumstances, with a woman who is not his wife xxx." (Article 334 of the Revised Penal Code)

Sino ang pwedeng kasuhan?
Ang isang lalaking kasal whether matagal na sya hiwalay sa asawa or even legal separated.
Ang kabit na umaastang misis. Na kahit ang pakilala sa mga kapitbahay ay sya ang misis. Kapag pumayag sya na makipag live in despite the fact na alam din nyang legally married pa rin ang lalaki)
Ang dalawa ay pwedeng kasuhan KAPAG:
Sila ay napatunayan na nagsasama sa iisang bubong, maglive-in at umaastang mag asawa

Ang mga legal wife ay iba iba naman ang approach ukol dito. May maiingay na gerera. Yun tipong patayin na ang kabit sa sabunot. Meron namang mababait pero sa oras na umabuso ka biglang ingungudngodnsa mukha mo ang marriage contract.
So kahit nananahimik sandali ang legal wife, huwag pakakampante at umastang mag-asawa na. Kasi minsan ang legal wife biglang sumasabog. At mas nakakatakot yon maguhulat ka na lang may subpoena ka na.

Subscribe Now: Feed Icon