Saturday, December 03, 2005

Happy BIrthday !

Sino ba naman ang mag aakalang 1 year na pala ako nagsusulat? Medyo madalang nga lang dail palaging busy sa work at walang magandang maikwento...

I remember last year, December 2, 2004, yun sinulat ko pa yun, lost and to be lost again... hai masyadong madrama... Ms. Brokenhearted kasi... yun pala, habang sinusulat ko yun...merong isang taong nagcecelebrate ng birthday... at sino ba ang mag iisip na ang taong iyon ay wala ng iba kundi ang honey ko ngayon... coincidence? Siguro nga... sya na ang matagal kong hinihintay.

Happy Birthday Blog at Honey!

Tuesday, October 25, 2005

PBB Fever

I enjoyed watching PBB, para sa akin kasi, pinapakita nito ang tunay na nangyayari sa buhay. Sa bahay ni Kuya, magkakasama ang Jologs, and sosyal, ang conservative, ang liberated. May teamwork, mayroon ding backstabbing. Kung may lonely moments, meron din namang happy...

Natutuwa ako sa talents nila... imagine, gumawa ng english na poem, then nitranslate sa tagalog at ngayong isa ng song. Gusto ko rin ang tema ng kanta. Magmahal muli... Kailangang maghintay dahil ang pag-ibig ay kusang darating... hmm parang yung nangyari sa honey ko heheheh..

Magmahal Muli
Composed by: Sam Milby
Translated in Filipino by: Jun Bob Dela Cruz
Sung by: Sam Milby & Say Yutadco

Verse 1
Umaasang magmamahal muli
Ang buong akala ko ay siya na
Kabiguan ang napala
Paghilom ng puso’y hindi madali
Ang malamang mahal mo’y
Walang pag-ibig sa iyo

Chorus:
ang umasang magmahal muli
Ang siyang magagawa
Huwag hanapin ang pag-ibig
Ito’y darating

After chorus:
Ito’y darating
Ito’y darating sa’yo

Verse 2
Hangga’t sa tayo’y matuto
Sa kabiguang natamo
Kaya ako’y maghihintay
Sa tunay kong mahal
Isipin ang bukas
at kalimutan ang nakalipas

Chorus 2
ang umasang magmahal muli
ang syang magagawa
hwag hanapin ang pag-ibig
ito’y darating sa'yo

Bridge
aking naranasan
ohhh
ang pagluha tulad ng sa ulan

Chorus 3
ang umasang magmahal muli
ang syang magagawa
hwag hanapin ang pag-ibig
ito’y darating

Chorus 4
ang umasang magmahal muli
ang syang magagawa
hwag hanapin ang pag-ibig
itoy’y darating

After chorus
ito’y darating…
ito’ darating… sa’yo
itoy’y darating sayo

Wednesday, October 05, 2005

Monthsary

Parang kailan lang, day dream ko pa noon na sana may times din na naiisip mo ako o kaya may pagtingin ka rin... Di ko expected na nung time na naiisip ko yan, ay ganon din pala ang nasa loob mo...Hanggang sa may mabait na kaibigan na pumutol ng gap natin at tuluyan tayong nagkapalagayan ng loob..

At ngayon nga limang buwan na ang nakakalipas, heto tayo, sabay nating hinaharap ang problema, ang sitwasyon, ang pamilya, ang panahon. Ilang beses na rin na muntik muntikan na tayong bumigay sa mga problema natin, pero nagpapasalamat ako na hanggang ngayon ay nakatayo pa rin tayo at patuloy na lumalaban.

Marami pang pwedeng mangyari sa mga dadaan na araw. Marami pa tayong pagsubok na haharapin. Pero naniniwala ako habang nagtutulungan tayong dalawa, malalagpasan natin ito.

Maraming salamat sa walang sawang pag unawa, pagsuporta, pagtitiwala at pagmamahal.

I love you honey.

Happy Monthsary.

Subscribe Now: Feed Icon