Saturday, February 21, 2015

Incomparable

Naisip ko tuloy ano nga naman ang panama ng aratiles sa raspberry?? 

#bitterocampo
#hopia
#dedma
#blocked
#wagpilitinangayaw

Wednesday, July 30, 2014

Bente

Noong una, hindi ko maintindihan kung bakit paulit ulit kong napapanaginipan ang mga dating kong kaklase, ang mga dati kong guro, ang mga tagpo sa eskwelahan. Hindi ko lubos maisip kung ano ang gustong ipahiwatig nito. Minabuti ko na lang na kalimutan at wag na masyadong isipin baka kasi isa lamang ito sa mga random dreams ko.

Isang araw nakita ko yun mga litrato ng mga dati kong kaklase, naiisip ko, nakakatuwa naman, 20 taon na pala ang nakalipas pero buo pa rin ang samahan...

20 taon... benteng taon.... bente.... Teka anong petsa na ba ..? July. . July...hmmm  July..30...ano bang meron sa araw na to???. ... Tama!! At biglang pumasok sa isip ko ang di inaasahang pangyayari...

Sa loob ng mahabang panahon, noon ko lang ulit naalala ang isang pangyayaring nakakatuwa, nakakakilig na parang pangpocketbook lang ang dating.

Ang Best Friend ...

Ang Educational Tour ...

Ang sikreto ...

Ang sumbatan...

Ang rebelasyon...

Ngayon ko narealize na may pinapahiwatig pala ang paulit ulit kong panaginip. Pinapaalala lang sa akin na may mga bagay na kahit hindi na maibabalik ay hindi dapat kinakalimutan lalo na kung nagdulot ito ng kasiyahan at pagmamahal. Mga alaalang pwedeng panatilihin habambuhay





Subscribe in a reader

Thursday, July 11, 2013

Ang Pagbabalik ni Jollyjip

Huwebes na naman at nag-iisip ako ng pwedeng ilagay sa throwback.  Bigla kong naisipan ang Non-stop.  Sa pagkakaalala ko, may mga litrato ako ng Non-stop dito sa blog, kaya hindi ako nagdalawang isip na puntahan ang site na ito. Sa paghahanap nung Non-Stop article, hindi ko naiwasang magbrowse ng iba sa mga post ko. Pansin ko lang, yun mga huli ay yuon ang mga panahong sobrang paghihimutok ko. Hehehe.

Halos 3 taon na rin pala ang lumipas, at marami na ang nangyari. At sa sobrang dami ng nangyari hindi ko na kayang isa isahin pa.  May masaya, may malungkot, may nakakainis...

Pero ano kaya kung buhayin ko ulit ito? Uso pa ba ang pagsusulat ng blog? Well, pwede naman akong magpost ng status sa Facebook pero hindi naman pwede ang sobrang haba di ba... May magbabasa pa rin ba nito gaya ng dati? May makabuluhan pa rin ba akong pwedeng maisulat gaya ng sa iba? Sabagay.. wala naman talagang fixed na konsepto ang blog ko, kahit ano pwede kong ilagay.

Senyales na ba talaga ito ng pagbabalik ni Jollyjip? Well tingnan natin :)

Subscribe Now: Feed Icon