Wednesday, June 26, 2024

RIP Heart

Many many years ago, at nabanggit ko na dito sa blog na pangarap ko talaga ikasal. Yun lalakad ako habang tumutugtog yun "Only Time" ni Enya. Di naman engarbo pero basta importante makapaglakad ako sa aisle.

Dumating yun time na kinasal ako, kaso sa Civil lang. SM kasi. Pero may plano kami magchurch wedding. Sobrang excited ako, halos linggo linggo nasa Bridal Fair ako, nagpabook ng simbahan, ng reception, ng photographer, naghanap ng designs ng damit, gumawa ng online wedding page.

Pero sa di inaasahang pagkakataon, after ilang months ng kasal + LDR pa kame (oo pagkatapos ng kasal umuwi na agad sya sa province, so technically, hindi kami nagsama), nakabuntis sya. Sad thing, mas pinili nya yun girl. Naghiwalay kami. Walang Church wedding na nangyari. 2015 nabalitaan ko na he died of cardiac arrest. In short nabyuda ako in writing.

Nagkaroon ng relationships pero failed, nagkaroon ng dalawang anak, but technically wala sa kanila akong nakasama. OPO NEVER PO KO NAKIPAGLIVE IN! 

So ako yun, kinasal, nagkaanak, nabalo. PERO di ko pa talaga naranasan how to have someone na makakasama ko. Yun tipong pagising ko sa umaga andon sya. May kasama akong kakwentuhan sa gabi hanggang sa matulog. May kaagapay sa everyday activities. May kasama pag kids activities. May kasama hanggang sa pagtanda. WALA, ako lang po mag isa at mga anak ko.

Dumating yun time na nakatagpo ulit ako ng taong mamahalin. Mabait sya, responsable, yun lahat ng pangarap ko sa isang tao, andon na sa kanya. May 3 anak. Pero di naman din problema sa akin yun. Pag nagsasama kami para kaming isang basketball team. Mula sa 2 lalaking chikiting ay nagkaroon ako ng instant pre-teen na girl, college student at isang pre-school. Never sa akin naging issue yun. Excited pa nga ako dumating yun time na magkakasama kami sa iisang bubong. 

Pero ewan ko ba, ang lalim kasi ng trust issues ko, ang taas ng insecurity ko. Siguro sa trauma na maiiwan ako at ipagpapalit ako sa iba. Yun trauma na iba lagi ang pinipili over me. Nagoverthink ako ng malala. Naging makulit ako, may times na nag nanag ako. Namamagnify yun mga maliliit na bagay. 
In short, nabwisit sya sa akin.

Sabi nya, yes kami pa rin pero wag na ako mag expect ng kasal. Oo mahal ko sya and everything, tanggap ko naman if ganon ang desisyon nya, after all kami pa rin. I dont know PERO, part of me died. Gumuho yun pangarap ko. Na akala ko bago man lang ako mawala sa mundo magagrant yun wish ko para at least mabuo naman ako once and for all. Pero indi eh, kelangan kong tanggapin yun realidad na di lahat ng bagay makukuha ko. Kasama na dun yun pangarap kong makasal someday.

Masakit lang sa dibdib, malungkot....Nakakaiyak. 


Friday, December 15, 2023

Valentine Curse

Taong 2018, pinost ko ito sa facebook....

Bakit ko pinagluluksa ang Valentines's Day?
Taon taon, may nagtatanong sa akin kung bakit ang laki ng galit ko sa Feb 14. Bakit daw napakabitter ko? Bakit daw ako nag iitim? Bakit daw hindi ko na lang ito itrato na ordinaryong araw. Bakit big deal sa akin ang araw na ito.

Marahil nga. Pero konti lang or baka nga wala talagang nakakaalam ng totoong dahilan.

Ang araw na ito ang nagpapaalala sa akin kung gaano kasakit ang magmahal. Ang taong napakatatag at tapang ay nagiging tanga pala pagdating sa pag ibig. Ang taong ni minsan ay di nakatikim ng bulaklak, chokolate o kahit date mula sa sinisinta. 

Siguro nga noong kabataan ko may nagsumpa sa akin na walang taong magmamahal sa akin. Walang taong matututunan akong mahalin. Mananatili akong bigo, walang swerte at walang makakasama hanggang sa pagtanda ko. . Di naman ako saksakan ng ganda pero di rin naman ako pangit. Mataray ako pero mabait naman ako. Siguro nga ang tindi ng galit ng nagsumpa sa akin kaya ganito ang naging kapalaran ko.

Well, isang Valentine's day na naman ang lumipas. Konting oras na lang at malalagpasan ko rin ang kalbaryong ito.





Subscribe in a reader

Thursday, October 12, 2023

Wish ko lang

Gaya ng dati, wish ko makapaglakad sa aisle suot ang puting gow habang tinutugtog ang Only Time ni Enya... 

Pero sa dami ng pinagdaanan ko, mukang hanggang pangarap na lang ito.

Buti na lang may AI. Hanggang dito ko na lang pagmamasdan. Haaay







Subscribe in a reader

Subscribe Now: Feed Icon