Me nabasa akong thread sa PEX about pinoys na nakatuntong lang ng ibang bansa, nakalimutan ng magtagalog. Mayroon kasi akong naalalang similar situation. Ang pagkakaiba nga lang, mga taga province naman na lumipat na sa Manila...
Last year, nagkaroon ako ng chance na makita ulit ang mga high school classmates ko. Natural lang na kakausapin ko sila in Bicol dialect, yun iba sumagot in Bicol, yun iba naman sumagot in Tagalog...eh syempre matagal na di nagkita, kuwento ako ng kwento.. in pure bicol.. maya maya, nagsabi sa akin yun isa kong classmate, Jheng, pwedeng tagalog na lang.. kasi di na ako sanay magbicol eh...
Medyo nagtaka ako, at the same time nadissapoint... Bakit ganon? Sapat na ba ang sampung taon na pagtira sa Manila para makalimutan ang dialect na kinagisnan? Di ba sila nagbibicol sa bahay? Nahihiya ba silang gamitin ang sariling dialect dahil may makakarinig na iba at baka isipin na probinsyano/probinsyana sila? Di ko lang magets..
Kung tutuusin, hindi ako Bicolana. Sa Manila ako pinanganak at pinaghalong Batangueno, Sambal at Ilokano ang dugo ko. Napunta lang ako ng Bicol dahil sumunod ang pamilya namin sa lola ko. Pinilit kong matuto ng bikol pagtuntong ko ng high school dahil ang rason ng mga kaklase ko, di daw nila ako kakausapin kapag di ako marunong magbikol. Natuto ako ng dialect ng Polangui, at pagdating ko ng College, natutunan ko naman ang dialect ng Legazpi. Although sa loob ng bahay, Tagalog pa rin kami magsalita, pinipilit kong magbikol kapag nasa labas na ako, sa school, sa kapitbahay, kahit na nung nagtrabaho ako.Sa ngayon, pinag aaralan ko ang dialect ng Daraga since na taga daraga ang hon ko.
Wala man sa dugo ko ang pagiging Bicolano pero nakalakihan ko na pagiging isang bicolano. Halos mabiyak ang dibdib ko nung mapanood ang trahedyang dinulot ng bagyong Reming sa Albay. Kapag naglalakad lakad ako sa Makati, natutuwa ako kapag may nakakasalubong ako mga bikolano, kinakausap ko sila at tinatanong kung taga saan sila sa salitang bicol...
Kung tutuusin, ako ang mas may karapatan na magsalita ng Tagalog dahil dito ako pinanganak, pero bakit parang baliktad ang nangyayari...
No comments:
Post a Comment