Tuesday, April 07, 2009

Ang Kwento ng Love Birds

Mula ng bumalik ako sa bicol, palagi akong dumadalaw sa bahay ng lola ko. Napakasaya doon bukod kasi sa makukulit kong mga pinsan hindi doon nauubusan ng masasayang usapan. Palagi ko rin nilalaro ang mga pets doon. Meron silang aquarium na maraming goldfish at meron ding love birds.

Aliw na aliw akong pagmasdan ang mga love birds. Ang sweet kasi nilang tingnan (kaya nga love birds eh). Patalon talon lang at panay ang tutukaan, huni lang sila ng huni sa loob ng kanilang hawla.

Kamakailan pagbalik ko, napansin kong isa na lang yun ibon sa loob ng hawla. Tinanong ko kung nasaan na ang isa. Ang sabi ng tiyahin ko nabagsak daw ng pinsan ko yun hawla. Nabuksan iyon kaya nakawala yun lalaking ibon. Naiwan yun babaeng ibon. Hindi na nga daw kumakain at matamlay.

Pinagmasdan kong mabuti yun babaeng ibon. Sa isip isip ko, dyaskeng lalaking ibong yan. Nakakita lang ng pagkakataon ayun at kumawala na. Iniwan na ang partner nya. Ano na kaya ginagawa ng lalaking ibon na yun? Buhay pa kaya sya? Masaya ba sya? Namungad na kaya sya sa iba? Kawawa naman yun babae, naiwan sa hawla, hindi naman sya makaalis. Baka mamatay kasi hindi na kumakain. Nakakalungkot...

Pagbalik ko ng sumunod na linggo, nagulat ako dahil buhay pa ang ibon. Di pa rin gaanong kumakain subalit nanatili syang buhay. Patalon talon pa rin sya at humuhuni kahit mag isa.

Ibon lang sila pero nakakalungkot isipin kasi nangyayari rin ito sa buhay ng tao. Parang may isang lalaki, nakita lang ng pagkakaton, iniwan ang asawa at "namungad" sa iba. Naiwan si misis, nakatali sa pangalan nya, nakakulong sa hawla ng kasal, malungkot pero wala syang magawa..

Parang pantelenovela at medyo nakakatawang paghambingin pero may pagkakatulad hindi ba? Nasaan na yung lalaki? Meron pa bang natitirang ni katiting na konsensya sa katawan nya? Ang importante lang ay kung ano ang nararamdaman nila (saan?). Wala silang respeto sa nararamdaman ng asawa nila.

At para sa mga babaeng may katulad na sitwasyon, Nanatili man sya sa hawla ng kasal ay pinagpatuloy pa rin nya ang buhay nya.Unti unti, matatanggap din ito at patuloy na mabubuhay kahit wala ang walang kwentang asawa. Kahit hindi pwedeng magkaboyfriend o magkaanak sa iba.


Subscribe in a reader

No comments:

Subscribe Now: Feed Icon