Alam na natin lahat ang nangyari sa pamilya ni Ted Failon. Kung tutuusin kung nangyari ito sa isang ordinaryong pamilya. Palabasin lang na nagsuicide yun misis wala na. Hindi na pag uusapan. Pero bakit ito nararanasan ng pamilya nila? Dahil ba sa isang public figure si Ted? At ito na ang tamang time para resbakan sya ng mga taong binatikos nya?
Kung tutuusing bilang tagapagbalita alam nating lahat na ginagawa lamang ni Ted Failon ang tungkulin nya. Bilang isang responsableng mamamahayag wala syang kinikilingan. Kung may lumabag sa batas kailangang batikusin. Wala naman masama doon di ba? Sinisiwalat lang nya ang katotohanan...
Minsan may mga bagay sa mundo na nakakapagtaka. Nakakalungkot kasi ikaw na ang gumagawa ng tama, ikaw pa ang pinaparusahan. Ikaw pa ang nagmumukhang masama. Ipinaglalaban mo lang naman ang tama, ipinaglalaban mo lang naman ang katotohanan.
Pero ano ang ganti nila sa iyo? Ikaw pa ba ang dapat sumuko? Ikaw pa ba ang dapat magparaya? Kailangan mo ba silang pagbigyan sa kasalanang pinaggagawa nila? Hindi!!
May magandang karmang nagaabang sa mga taong naniniwala sa katotohanan at namumuhay ng naayon sa batas ng tao at sanlibutan. At para din sa mga nagkakasala... may masamang karma ding naghihintay para sa kanila.
Subscribe in a reader
No comments:
Post a Comment