I started to become an Arirang Addict last 2003. Nagsimula yon sa NonStop. NonStop is a teenage Gag Show aired every Fridays at 11:20 pm. At first ang hirap panoorin, kasi unang una korean sya, I have to read the english subtitles sa baba para maintindihan ko lang sya. Pero later on, nasanay na ako, and dahil maganda nga yun palabas, inaabangan ko na sya every friday. Pag inaantok na ako.. nagpapaalarm na lang ako. Pag OT naman sa work.. pinapanood ko na lang ang replays pag Saturday at 6:00 am.
I wasn't aware na aside from me, there are still other peeps na nababaliw sa NonStop, so nung nadiscover ko sya.. sumali ako sa Yahoogroups and tinuloy namin ang kahibangan sa NonStop.
NonStop 2 Cast
Still not satisfied, I also tried watching telenovelas in Arirang. And I found it interesting. Maganda kasi ang Korean Telenovelas, maikli lang (average number of episodes is 15-20 only) tapos very wholesome (bihira ang meron kissing scenes) and wala masyado kontrabida (unlike sa pinoy telenobela na mahilig magpasabog ng mga bida).
NonStop 3 Cast
Nabalitaan ko na lang na GMA also started showing Korean telenovelas, ang alam ko noon is yung kay Jang Nara (FYI, Jang Nara is also part of the NonStop 2 Cast), then pumatok sa masa.. nasundan pa ito ng other shows and yun isa nga sa big hit is yung Endless Love.. Di rin nagpatalo ang ABS-CBN hanggang sa lately is pinasok na nila yun Lovers in Paris. And now, nagbabanggaan ang Save the Last Dance for Me, Stairway to Heaven and Full House.
Aside from the telenovelas, nacatch na rin ng attention ko ang Korean Movies. I bought a 3-in-1 DVD sa taga Muslim last week. Im so lucky kasi magkakasama ang My Sassy Girl, Windstruck and My Crazy Love sa iisang CD... And Im planning to look for 100 days with Mr. arrogant, He was Cool, My Brother, Married to the Mafia , My Wife the Gangster, Love Story, Female Teacher VS Female Student, A Monk Kid.. Hay ang dami...
Ooopss, gotta go na, manonod pa ako ng Breathless
Tuesday, March 01, 2005
Saturday, February 26, 2005
Ang Memory Stick at Ang Camera
May mga bagay na akala mo wala sa iyo, pero pagtagal ng panahon, marerealize mo na lang na all this time nasa iyo na pala ang hinahanap mo, pero sa kabila noon, hindi mo pa rin matanggap na nasa iyo na dahil napakarami pa ring katanungan...
Masasabi ko bang matagal na ang 3 taong pagkakaibigan para masabi kong kilala ko na ng lubusan ang isang tao? Paano kung sa loob ng 3 taon, hindi naman kami nag-uusap lagi.. at hanggang ngayon hindi ko pa rin sya nakikita? Pwede ko bang pagtiwalaan lang ang nararamdaman ko para masabi kong mabait syang tao at mahalaga sya para sa akin bilang kaibigan? Pwede ko na bang syang paniwalaan kung sabihin nyang mahal nya ako? Pwede ko na bang sabihin na mahal ko na rin sya dahil matagal ko na syang kaibigan? Pwede ko ba syang mahalin kahit hindi ko naramdaman ang Spark? Kaya ko na bang I let go ang taong naramdaman ko ng Spark dahil mas deserving ang kaibigan ko sa pagmamahal ko? Pwede ko bang sabihin na sya na ang hinihintay ko?
Ang daming tanong na di ko kayang sagutin. Sana naging kasing dali lang ito ng mga tanong na sinasagutan ko sa survey...
Naalala ko tuloy ang kanta na "The One You Love".
"Are you gonna stay with the one who loves you, are you going back to the one you love"...
Isang tanong na madaling sagutin pero mahirap gawin...
Siguro nga hindi pa ngayon ang tamang oras para sagutin ko ang mga tanong ko... In time....

Wednesday, February 23, 2005
New Year's Wish
Nakatuwaan ko ng sumagot ng survey na pinopost sa bulletin board ng friendster. Dahilan? Una, pamatay ng idle time. Pangalawa, wala lang...
Syempre nung January 1 hindi nawala ang survey for New Year. Maraming tanong yun.. siguro mga 35... About things you regret last year, ayaw mong kainin, gusto mong makasama, wishes, and resolutions. As usual, sinagutan ko lahat ng questions. Isa mga questions na nagpaisip sa akin is yung "What do you want to have for 2005"? So sinagutan ko sya ng Job Promotion and a Boyfriend. Job Promotion kasi medyo naiinis na rin ako sa work ko at nagbabalak balak na rin ako magresign pag di pa ako umangat this year. Boyfriend naman... hehehehe (sos naman... taon na ang binibilang ko.. ayoko po maging old maid). After non, sinagutan ko na rin yun ibang questions tapos nipost ko na sa friendster..
After two months... dumating ang unang magandang balita... na-absorbed ako sa bagong dept. Though same group pero mas maraming challenges... Masaya ako kasi 3 months ko na rin syang hinihintay and aside from that lahat sa grupo nakasama. After 3 days, dumating ang 2nd good news... I was promoted... sa wakas! Medyo naging pasaway kasi ako 2 years ago.. so nung nagbagong buhay ako, sabi ko wag ko nang hingin.. kusa na lang yan ibibigay.. and heto na nga.. kusa ngang ibinigay.
Doon ko naalala yun survey. Abah, 2 months pa lang, me nagkatotoo na.. Di rin pala nasayang ang pagset ko ng goal.. at least isa sa kanila nagkatotoo...
Lesson, its ok to set goals every year.. at least you have something to aim for and if you think for positive results.. for sure, you can reach that goal.
How about my 2nd wish? Any possibilities?... Hmmm... Think positive!

Subscribe to:
Posts (Atom)