Nakatuwaan ko ng sumagot ng survey na pinopost sa bulletin board ng friendster. Dahilan? Una, pamatay ng idle time. Pangalawa, wala lang...
Syempre nung January 1 hindi nawala ang survey for New Year. Maraming tanong yun.. siguro mga 35... About things you regret last year, ayaw mong kainin, gusto mong makasama, wishes, and resolutions. As usual, sinagutan ko lahat ng questions. Isa mga questions na nagpaisip sa akin is yung "What do you want to have for 2005"? So sinagutan ko sya ng Job Promotion and a Boyfriend. Job Promotion kasi medyo naiinis na rin ako sa work ko at nagbabalak balak na rin ako magresign pag di pa ako umangat this year. Boyfriend naman... hehehehe (sos naman... taon na ang binibilang ko.. ayoko po maging old maid). After non, sinagutan ko na rin yun ibang questions tapos nipost ko na sa friendster..
After two months... dumating ang unang magandang balita... na-absorbed ako sa bagong dept. Though same group pero mas maraming challenges... Masaya ako kasi 3 months ko na rin syang hinihintay and aside from that lahat sa grupo nakasama. After 3 days, dumating ang 2nd good news... I was promoted... sa wakas! Medyo naging pasaway kasi ako 2 years ago.. so nung nagbagong buhay ako, sabi ko wag ko nang hingin.. kusa na lang yan ibibigay.. and heto na nga.. kusa ngang ibinigay.
Doon ko naalala yun survey. Abah, 2 months pa lang, me nagkatotoo na.. Di rin pala nasayang ang pagset ko ng goal.. at least isa sa kanila nagkatotoo...
Lesson, its ok to set goals every year.. at least you have something to aim for and if you think for positive results.. for sure, you can reach that goal.
How about my 2nd wish? Any possibilities?... Hmmm... Think positive!
No comments:
Post a Comment