Thursday, February 03, 2005

Spark Plug

Spark - \Spark\, v. i. -

- A small particle of fire or ignited substance which is emitted by a body in combustion.

- That which, like a spark, may be kindled into a flame, or into action; a feeble germ; an elementary principle.

- small but noticeable trace of some quality that might become stronger; "a spark of interest"; "a spark of decency"

Ano nga ba ang titatawag na spark? Spark sa electrical wiring, Spark sa lusis, Spark Plug ng sasakyan? Mas gusto ko ang definition na may "small but noticeable trace of some quality that might become stronger". Marahil ay maihahalintulad ko ito sa naramdaman ni Claudine nung sininok sya sa Got To Believe o kaya naman yun naramdaman nina Romeo and Juliet nung magkita sila sa party. Para akin, nagkakaroon ng spark kapag may isang moment na nagpahinto ng mundo mo at pagkatapos noon, malalaman mo na lang na ang taong yon ang gusto mong makasama habang buhay. Magigising ka na lang na sa kanya na pala umiikot ang mundo mo, wala ka ng ibang bukambibig kundi sya at ginagawa mo na ang lahat ng anumang bagay na makakatulong at makakapagpasaya sa kanya. Kulang na lang ay isigaw mo sa buong mundo kung gaano sya kaspecial sa iyo. Nakakatawa hindi ba, pero yun ang totoo. Ang spark na binabanggit ko ay di mo mararanasan sa lahat ng tao. Dumarating din ito ng di mo inaasahan. Dumadating sa di inaasahang lugar, panahon o minsan tao.

Subalit, palagi bang tama ang Spark? Yan ang palagi kong tinatanong sa sarili ko. Kung talagang yun ang magsasabing ang taong yon ang makakasama mo habang buhay bakit minsan hindi naman pwede? Dahil ba hindi pa ngayon ang tamang panahon o lugar? Paano kung hindi pala sya ang tamang tao? Maaari bang mangyari yon?

Marahil nga, pero syempre wala pa ako sa lugar para magpatunay non. Basta ang importante, nakita ko na ang spark buhay ko. Marahil hindi pa nga ito ang tamang panahon, pero who knows... Basta maghihintay pa rin ako.


No comments:

Subscribe Now: Feed Icon