May mga bagay na akala mo wala sa iyo, pero pagtagal ng panahon, marerealize mo na lang na all this time nasa iyo na pala ang hinahanap mo, pero sa kabila noon, hindi mo pa rin matanggap na nasa iyo na dahil napakarami pa ring katanungan...
Masasabi ko bang matagal na ang 3 taong pagkakaibigan para masabi kong kilala ko na ng lubusan ang isang tao? Paano kung sa loob ng 3 taon, hindi naman kami nag-uusap lagi.. at hanggang ngayon hindi ko pa rin sya nakikita? Pwede ko bang pagtiwalaan lang ang nararamdaman ko para masabi kong mabait syang tao at mahalaga sya para sa akin bilang kaibigan? Pwede ko na bang syang paniwalaan kung sabihin nyang mahal nya ako? Pwede ko na bang sabihin na mahal ko na rin sya dahil matagal ko na syang kaibigan? Pwede ko ba syang mahalin kahit hindi ko naramdaman ang Spark? Kaya ko na bang I let go ang taong naramdaman ko ng Spark dahil mas deserving ang kaibigan ko sa pagmamahal ko? Pwede ko bang sabihin na sya na ang hinihintay ko?
Ang daming tanong na di ko kayang sagutin. Sana naging kasing dali lang ito ng mga tanong na sinasagutan ko sa survey...
Naalala ko tuloy ang kanta na "The One You Love".
"Are you gonna stay with the one who loves you, are you going back to the one you love"...
Isang tanong na madaling sagutin pero mahirap gawin...
Siguro nga hindi pa ngayon ang tamang oras para sagutin ko ang mga tanong ko... In time....
No comments:
Post a Comment