Tuesday, August 14, 2007

Marimar .... Awww!

Kagabi, kahit sobrang labo ng tv ko ay inabangan ko talaga ang pilot episode ng Marimar.. Nagsimula akong maging interesado sa remake na ito nung napanood ko yun "The Making" ng marimar nung saturday..

Noong college ako naging sikat ang Marimar sa pangunguna ni Thalia, sa RPN 9 pa ito unang pinalabas, Natatandaan ko noon na napapabalita pa sa tv na maraming nagtatrabaho ang pinipilit umuwi ng maaga para lang masaksihan ang paghihiganti Marimar/Bella laban kay Sergio at Familia Santibañez.

Bakit ba naging patok ang Marimar? Bukod sa ito ang pinakaunang foreign telenovela na pinalabas sa ating bansa... dito sa soap na ito nakaranas ang tao ng napakabilis na phasing (Na nung mga panahong iyon ay nagtatyaga tayo sa 4 na taong Mara Clara).




Pagkatapos ng Marimar, lumabas na ang iba pang telenobela gaya ng Maria Del Barrio, Maria Mercedes, Rosalinda (I love you Papa Fernando Jose!)... at marami pang iba!

At ngayon nga binabalik ng GMA ang telenobelang ito sa pamamagitan ng isang remake na pinagbibidahan ni Marian Rivera (kumukha sya ni Joyce Jimenez, promise!). Heto ang cast ng Marimar (Pinoy Version):

Marian Rivera as MariMar Perez / Bella Aldama
Dingdong Dantes as Sergio Santibañez
Richard Gomez as Renato Santibañez
Buboy Garovillo as Padre Porres
Katrina Halili as Angelika Santibañez
Caridad Sanchez as Lola Cruz
Leo Martinez as Lolo Pancho
Jestoni Alarcon as Gustavo Aldama[4]
Bing Loyzaga as Tiya Esperanza
Bianca King as Natalia Montenegro
Manilyn Reynes as Corazon
Mike Tan as Choi
Nadine Samonte as Inocencia
Marky Lopez as Arturo
Mel Kimura as Perfecta
Gabby Eigenmann as Nicandro
Sheena Halili as Monica
Nigel as Fulgoso (Michael V. as voice)
Rufa Mae Quinto as Fifi (voice)







_____________________________________________________________




OT:




Habang commercial.. pinakita ang teaser ng Impostora, at nagulat ako nung narinig ko ang mga pangalan! After ng Marimar, sinubukang kong manood ng Impostora at nalaman kong si "Sara" pala ang impostora ni "Vanessa" .... Vanessa!!! sa lahat nman ng pangalan yon pa ginamit grrrr!!!!




On the brighter side.. mabait naman ang character ni Sara..at si Vanessa ay... ahhahahahahahha!







Monday, August 13, 2007

Blogger nga ba ako?

Malimit akong magblog hop. Natutuwa ako sa mga blogsites ng iba, napaka organized kasi (by topic), makulay, karamihan ng nagsusulat in english, halos daily ang update, at higit sa lahat, may thought ang entries. Nakakainggit...

Ako, bihira lang magkalaman ang blog ko... depende sa mood. Hirap na hirap kasi ako mag isip ng topic, lalo na kapag masaya ako (baliktad hehe)..at isa pang nakakainis, walang pinipiling oras o lugar ang pagpasok ng idea sa kukote ko... minsan sa gitna ng trabaho ko, kapag may naisipan akong magandang topic, ihihinto ko ang trabaho ko at magsusulat ng blog(baka kasi mawala or makalimutan ko)..pero kapag sobrang idle ko naman wala rin akong maisip... weird noh? Kung mapapansin nyo pa ang mga entry ko, napakasabog, iba ibang topic, may pag ibig, may showbiz, may buhay trabaho, may buhay school at iba pa. Ah basta, kung ano ang maisipan ko sa araw na yun, yun lang din ang isusulat ko..

Maraming barkada ko ang nagsasabi, bat daw tagalog daw ang entry ko. Dapat daw English para daw mas marami ang nakakaintindi at mas maganda ang presentation. Ang sagot ko? Mas nabibigyan ko ng hustisya ang entry ko kapag sa tagalog ko sinusulat... mas free akong nakakapag isip at mas malaya kong naipapahayag kung ano talaga ang nasa utak ko. Kapag nagsusulat kasi ako, walang draft draft, kung anong mismo ang nasa utak ko sa oras na yon, yan ang lumalabas sa mga entry ko, kung may sense pa yan o wala (katulad ngayon hehehe).

Balik sa topic.. masasabi ko bang isa akong blogger? Kayo na lang ang humusga..

Wednesday, August 08, 2007

Kwentong Ulan

Malamig, basa, baha sa paligid lalo na sa Pasong Tamo, lahat may dalang payong, stranded, trapik, brownout, maruming tubig, late sa trabaho... ilan lang yan sa mga naiisip ko kapag panahon ng tag ulan.

Since na music lover ako, hinanap ko rin ang ilan sa mga kanta na may title na ulan or rain..(produkto ng pagiging idle sa trabaho hehehe).. Heto at pakinggan nyo.

Subscribe Now: Feed Icon