Malimit akong magblog hop. Natutuwa ako sa mga blogsites ng iba, napaka organized kasi (by topic), makulay, karamihan ng nagsusulat in english, halos daily ang update, at higit sa lahat, may thought ang entries. Nakakainggit...
Ako, bihira lang magkalaman ang blog ko... depende sa mood. Hirap na hirap kasi ako mag isip ng topic, lalo na kapag masaya ako (baliktad hehe)..at isa pang nakakainis, walang pinipiling oras o lugar ang pagpasok ng idea sa kukote ko... minsan sa gitna ng trabaho ko, kapag may naisipan akong magandang topic, ihihinto ko ang trabaho ko at magsusulat ng blog(baka kasi mawala or makalimutan ko)..pero kapag sobrang idle ko naman wala rin akong maisip... weird noh? Kung mapapansin nyo pa ang mga entry ko, napakasabog, iba ibang topic, may pag ibig, may showbiz, may buhay trabaho, may buhay school at iba pa. Ah basta, kung ano ang maisipan ko sa araw na yun, yun lang din ang isusulat ko..
Maraming barkada ko ang nagsasabi, bat daw tagalog daw ang entry ko. Dapat daw English para daw mas marami ang nakakaintindi at mas maganda ang presentation. Ang sagot ko? Mas nabibigyan ko ng hustisya ang entry ko kapag sa tagalog ko sinusulat... mas free akong nakakapag isip at mas malaya kong naipapahayag kung ano talaga ang nasa utak ko. Kapag nagsusulat kasi ako, walang draft draft, kung anong mismo ang nasa utak ko sa oras na yon, yan ang lumalabas sa mga entry ko, kung may sense pa yan o wala (katulad ngayon hehehe).
Balik sa topic.. masasabi ko bang isa akong blogger? Kayo na lang ang humusga..
2 comments:
haay..parehas lang tayo...syempre isa kang blogger dahil nagsusulat ka sa isang blog! un lang naman ang ibig sabihin nun...hindi porket di ka sikat, o di ingles, o walang maraming ads eh hindi ka na blogger. Sa tingin ko mas tunay na blogger yung mga tulad natin...kase ang blog naman eh avenue ng emotion ng isang tao...sa palagay ko lang ha... hehe :) haba pla ng comment ko
Salamat niknok. para ngang gusto kong buhayin to eh :)
Post a Comment