Nabalita sa akin ngayon ng mama ko na meron daw Appliance Festival ngayon sa gaisano. Sa paglalakad nya, nakita nya ang isang kalan na may kakaibang way ng pagluluto. Tawag pa nga nya dito ay flameless range. Naging interesado ako kaya nagsaliksik ako dito sa net kung ano ba talaga ang flameless range.
Ayon sa wikipedia, ang flameless range or mas kilala sa tawag na "Induction Cooker" ay gumagamit ng "induction heat" sa pagluluto. Hindi lahat ng type ng kaldero at kawali gaya ng glass, aluminum ay pwedeng gamitin para dito. Ito ay gumagamit lamang ng "Ferromagnetic"- coated pot. (Pero sabi ng mama ko pwede na daw ang manipis na stainless heheh).
Ang induction cooker ay mas mabilis makapagluto kumpara sa mga gas range at mas maliit ang konsumo nito sa koryente kumpara sa isang electric stove. Hindi rin nakakapaso ang induction cooker. Kahit hawakan mo ang caserola mo na may kumukulong tubig ay hindi ka mapapaso. Isa pang maganda dito, kapag tinanggal mo ang caserola mo ay automatic itong namamatay (tamang tama ito sa aking kapatid na ubod ng ulyanin hehe).
No comments:
Post a Comment