Tuesday, August 21, 2007

All time favorites

McDo, Jollibee, Pizza Hut, Chowking, Goldilocks, Burger Machine..... ito ang isa sa mga dahilan kung bakit ko piniling manatili sa Evangelista. Ang tirahan namin ay napapaligiran ng pagkain! Mula sa mga sikat na fast food hanggang sa bulaluhan, tapsihan, pares, turu turo, barbequhan, kakanin, balot, pugo, mani, fishball, nilagang sweet corn at marami pang iba, hindi pa kabilang dyan ang 24-hour convenience stores na 7-eleven, Mercury Drug at South Star Drug. Hay.. pag ganito namang nagdidyeta ka eh talagang mahirap pigilan ang pagkain!

Pero sa lahat ng nabanggit ko, meron lang akong mga piling pagkain na gustung gusto ko (at ng kapatid ko hehehe).

Una sa listahan ko ang tapsilog. Kahit alas tres ng madaling araw ay makakabili ka ng tapsilog sa Spare Strike, 24 hours a day, 7 days a week bukas ang sikat na tapsilugan sa kanto ng Evangelista at Gen. Calles. Bukod sa napakasikat nilang tapsilog (tapa-sinangag-itlog), meron din silang tocilog(tocino-sinangag-itlog), dasilog(daing na bangus-sinangag-itlog), longsilog (longganisa-sinangag-itlog), porksilog (porkchop-sinangag-itlog) at ang hindi ko pa natitikman na horsilog, hors.. oo horse nga as in tapang kabayo.



Pangalawa sa aking listahan ang kinagigiliwan ngayon ng maraming tambay... ang calamares, ito ay ang hinati hating katawan ng pusit na ginulong sa breadcrumbs at pinirito. Ewan ko ba, ngayon ko lang kasi talaga napansin na mayroong nagtitinda ng calamares. At take note, palagi akong nauubusan kasi mabili talaga. Ngayon nga wala na naman ako nabili, wala tuloy ako maipost na pix.

Pangatlo sa aking listahan ang isaw na manok. Hindi ito yun barbeque na isaw. Gaya ng calamares, ito ay pinagulong din sa harina at pinirito. Kaya ang isaw... very crunchy! Bagay na bagay sa suka na may sibuyas at sili... hmm Yummy!



Naku nagutom na tuloy ako... kain muna ako ng tapsilog...

4 comments:

Elmer said...

Your from Evangelista street...i work there before...I recommend a place along Gen Tinio street near AMA college...kinda sizzling plate style..their sisig is great try it out also. cheers!

Blog hopping lang poh :-)

THE ANiTOKiD said...

I know the place, Sarah! My bestfriend and I used to go to the bulalohan near the police station (very much near Edsa). Galing Batangas daw yung baka - at sa totoo lang, MASARAP! Masarap din yung tapsihan niya sa harap! ha ha ha

And hey! I like your blog! Clean and neat! And I kid you not! Hope to see you around, okay.

Anonymous said...

watdaAA! hehe.. ang sarap nyan..MMmmmm.. san yan?? di ko alam ang place na yan... pano pupunta dyan if nasa Tayuman cor. Rizal Ave ako? hehe.. gutom na tuloy ako WAAAAAAA!!!

Anonymous said...

ay.. pupunta nga pala ako sa Mall of Asia bukas! sobrang excited ko na! kita kits po tayo :D

Subscribe Now: Feed Icon